Sapphire's P.O.V.
Nung Saturday, hindi ako makapaniwalang ilang balde ng luha ang inilabas ko kay Chanyeol. Nakakahiya yun pero okay lang. Mas mahirap kasi kung sasarilihin ko lang ang lahat. Dumaan ang Sunday, Monday, Tuesday, at Wednesday. Papalapit na nang papalapit ang pag-alis ko ng bansa. Sa tuwing naaalala ko yun, nagbabadya ang mga luha ko sa mata. Pero pinipilit kong maging malakas. Ayoko nang umiyak.
Sa mga araw na yun, nagpaalam ako sa EXO. Sabi ko sa kanila, mag-enjoy lang kami at wag na wag nila akong bibigyan ng sad face. Gusto ko kasi na sa pag-alis ko, ngiti nila ang baon ko.
FLASHBACK
Sunday
Sabay-sabay kaming sumimba nina Suho at Lay. Pagkatapos ng misa, pinilit namin ni Lay si Suho na kumain ng street foods. Hindi naman niya kami natanggihan kaya inubos namin ang pera niya sa street foods. Haha!
Monday
Nagpasama ako kina Tao at Baekhyun sa mall. Binilhan ko ng eyeliner si Baekhyun at Gucci bag naman para kay Tao. Take note. Ang mahal nung bag! Grabe! Pero since aalis naman na ko, gift ko na yun sa pandang yun.
Tuesday
Nagpaturo ako magluto kina Kyung Soo, Chen, at Xiumin after class. Although more on sa pagkain si Xiu kesa sa pagluluto, may mga bago naman akong natutunan and I really had fun.
Wednesday
Nanood ako ng movie kasama sina Kai at Chanyeol. Si Kai lang talaga ang dapat na kasama ko kaso nagpumilit si Chanyeol eh kaya ayan. Hindi pa sila nakuntento sa movie. Inaya pa nila ako sa arcade. Napagod ako pero masaya naman.
END OF FLASHBACK
Yes, I haven't yet said goodbye to two important persons in my life. Sabi nila, Thursday is tears day. Maybe yes. Maybe no. Maybe yes, it really is.
"Bubbletea mo. Hanep ha! Nagpalibre ka pa talaga sakin," sabi ng nag-iisang bubbletea freak na nakilala ko habang nilalapag sa table yung bubbletea ko. Umupo siya sa tapat ko habang umiinom sa bubbletea niya.
Kinuha ko yung bubbletea na libre niya. "Para ito lang eh. Aalis na ko sa Saturday. Pagbigyan mo na ko."
Tiningnan ko siya para makita ang reaksyon niya. Nakatingin lang siya diretso sa mga mata ko habang umiinom pa rin ng bubbletea. Pinalo ko yung table. "Hoy, Oh Se Hun! Hindi ka ba magugulat?"
"Yehet! Ang sarap talaga ng bubbletea! Daebak!," he exclaimed while raising his bubbletea.
I rolled my eyes. "Ganda ng reaction mo ha."
Inilapag niya yung bubbletea niya sa table. He rested his chin on his right hand. "Ang sabi kasi sakin ni Chanyeol hyung, ayaw mo raw kaming makitang malungkot. Sa pag-alis mo, ngiti ang pabaon namin sayo. Kaya nga hayaan mo na lang akong mag-enjoy sa bubbletea para makita mo kong todo ngiti," sabi niya habang binibigyan ako ng matamis na ngiti.
Kung ganun, sinabihan na pala siya ni Chanyeol. "Si Chanyeol talaga," bulong ko. "Sige, enjoyin mo lang yang pinakamamahal mong bubbletea," I told him and took a sip from my own bubbletea.
Tinawanan naman niya ko. "Wag kang mag-alala, Sapphire. Mas mahal pa rin kita." Tapos kumindat pa siya.
"Sehun!," sigaw ko sa kanya. Tinawanan niya ko uli saka sumagot ng "Biro lang yun. Ikaw naman. Pero jokes are half meant. Haha!"
BINABASA MO ANG
Even When You Hate Me, I Love You
FanfictionIf you have someone you love, you'll never give up on him/her no matter what.