Chapter 13 - Mini Heart Attacks

106 5 0
                                    

Sapphire's P.O.V.

It's Monday at hindi ko maiiwasang makita ang EXO. Like hello? Nasa iisang university lang kaya kami. Tapos pareho pa kami ng course at schedule ni Sehun.

Teka. Sehun. Tama! Okay lang na makita ko si Sehun ngayon. Hindi yun magiging awkward sakin sa mga sinabi ko nung Saturday kasi di naman niya narinig. Nandun siya sa kwarto ni Tao nun eh. Tama.

Hawak ko na ang door knob at papasok na ko sa classroom namin. Waaah! Kinakabahan ako. Pano kung may nagkwento kay Sehun diba? Sa sobrang pag-iisip ko, napasigaw ako nung may humawak sa balikat ko.

"Ai! Sehun!," sigaw ko sabay lingon sa humawak sa balikat ko. Napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko at nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. Si Lay.

Inaasahan kong magiging awkward ang lahat samin. Sinabihan ko lang naman sila na they're a mess. Pero hindi. Nakangiti pa nga itong si Lay sakin eh. Naku Lay! Walang effect sakin yang dimples mo. Para kay Luhan lang ang puso ko.

"Ikaw ha. Pinagpapalit mo na ba si Luhan?," pang-aasar niya sakin.

Teka, kasasabi ko lang na para kay Luhan lang ang puso ko diba? "Hindi ah. Nabanggit ko lang yung pangalan niSehun kasi -"

"Kasi ano?"

"Ai! Awkward!" Aish! Pangalawang beses ko na 'tong nagulat ah. Tumalikod ako para makita ang lalaking nanggulat sakin for the second time. Anak ng chocolate flavored bubbletea! "Sehun!," sigaw ko ng may halong inis.

"Kasi nga ano?," sabay nilang tanong.

"Kasi nga -" Natigil ako nang maalala kong hindi ko naman kailangang mag-explain sa kanila. "Teka, bakit ba ko nag-eexplain sa inyo?"

Tinawanan lang ako ng dalawa. "At anong nakakatawa?," tanong ko sa kanila.

"Haha! Chill ka lang. Sorry nga pala sa nangyari nung Saturday. Masyado lang kaming affected lahat," sabi sakin ni Lay. So yun pala ang reason ng pagpunta niya dito. Impressive. Major turn on. Sayang lang at may mahal na kong iba. At hindi niya ko mahal. Hay...

"Okay lang. Ako nga dapat yung mag-sorry eh. I judged you." Napatungo naman ako pagkasabi ko nun. Ang tanga ko naman kasi. Malamang masasaktan sila. Someone important left.

"I guess we're even. Kalimutan na lang natin yun," sabi niya sakin at pinat niya yung ulo ko. He smiled at me and I smiled back.

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon