Chapter 15 - BaekYeol's Plan

86 3 0
                                    

Luhan's P.O.V.

Nagising ako sa pagpasok ng sinag ng araw sa kwarto. Umupo ako sa kama at nag-stretch ng konti.

Nabaling ang tingin ko kay Sapphire. Tulog pa rin siya. Tsk. Ang aga natulog pero late pa rin gumigising. Takaw sa tulog ha.

Paglabas ko ng kwarto, nasa tabi ng pintuan si Sehun at naghihintay.

"Hyung, si Sapphire?," agarang tanong niya. Wow ha! Yun talaga agad? Wala man lang bang "good morning" diyan?

"Tulog pa," maikli kong sagot at tumungo na ko sa CR para maghilamos at mag-toothbrush.

Pagkatapos ko sa CR, pumunta akong sala. Andun kasi sila dahil hindi pa tapos si D.O. sa pagluluto niya ng breakfast.

Nung paupo na ko sa sofa na para sa isang tao lang, biglang nagsalita si Kai. "Hyung, masarap ba?" Pagkarinig na pagkarinig ko nun, binato ko agad sa kanya yung throw pillow na nasa sofa saka ako umupo at sinagot siya ng "Loko ka!" habang tinitingnan siya nang masama.

"Haha! Biro lang, hyung. Peace tayo," sabi niya habang naka-peace sign.

Naghintay lang kami sa sala nang tahimik. Kagigising lang kasi namin kaya mabababa pa ang energy namin. Si Chen lang ang maingay. Hindi na yun kataka-taka.

Sapphire's P.O.V.

Pagkagising ko, agad kong kinuha ang phone ko para tingnan ang oras. 9:07am. Late na. Usually naman, maaga ako gumising. Talaga lang hindi ako nakatulog sa sinabi ni Luhan kagabi.

Sa tingin ko, gusto na nga talaga kita.

Aish! Erase! Erase!  Erase! Baka mamatay ako sa kilig pag hindi ko yun binura sa isip ko. Pero... Sigurado na kaya talaga si Luhan sa nararamdaman niya. Talaga bang... May gusto na rin siya sakin?

Umiling-iling ako. Hindi. Wag ka munang pakasiguro, Sapphire. Baka nalilito lang si Luhan sa nararamdaman niya. Mahirap na. Baka umasa ka lang at masaktan.

Tumawag ako sa bahay namin. Agad naman itong sinagot ng maid naming si Ate Elsa. Ate lang ang tawag ko sa kanya. Hindi manang kasi hindi pa naman siya ganun katanda.

Ate Elsa: Good morning! This is Uy's residence. How may I help you?

Me: Good morning, Ate Elsa! Si Sapphire po ito. Makikidalhan naman po ako dito sa dorm ng EXO ng damit. Complete set po ha.

Ate Elsa: Sige po, Ma'am Sapphire. Ihahanda ko na po.

Me: Xiexie!

With that, I ended the call. Tumayo na ko at nag-inat. Inayos ko ang buhok ko at bumaba para pumunta sa CR for my morning rituals.

"Lulu, Sehun, gising na yung hinihintay niyo," narinig kong sabi ni Xiu habang pababa ako ng hagdan.

"Good morning!," simpleng bati ko sa kanila at dumiretso na ko sa CR.

Pagkalabas ko, bumalik akong sala kasi andun sila. "Kumain na kayo?," tanong ko sa kanila.

Si Tao ang sumagot sa tanong ko. "Kumain na kami pero sina Luhan hyung at Sehun, hindi pa."

"Hinintay ka nila," dagdag pa ni Lay.

Napatingin ako kina Luhan at Sehun. Nginitian ko sila saka ko naman ibinaling ang tingin ko kay Kyung Soo. "Kyung Soo, mianhe! Hindi kita natulungan mag-prepare ng breakfast."

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon