Chapter 14 - Sleepover

88 3 0
                                    

Sapphire's P.O.V.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm ng EXO. Wait. Let me rephrase that. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng dorm ng EXO, nabasag na ang eardrums ko. Wala na. Starting today, bingi na po si Sapphire Uy.

Grabe! One week pa lang ang nakakalipas since umalis si Kris, ganito na agad sila ka-lively. Ang bilis naman ata nila mag-move on.

Wait! Diba nga yan ang gusto mo, Sapphire? Ang bumalik sila sa dati. Lively and energetic.

Hay... Minsan, nakakainis na talaga ang magulong sarili ko. I rolled my eyes.

I saw Kai in front of me rolling his eyes, too. Tch. He's copying me. "Problema ng mga mata mo, Sapphire?"

"Problemado ang mga mata ko kasi nakita kita," pagtataray ko sa kanya.

"Ha! Sa gwapo kong 'to? Bakit? Masyado ba kong hot parasayo?," sabi niya habang sinusundan ako papuntang kitchen.

"Kyung Soo, Kai has a problem. You better talk to him. Ako na munang bahala dito sa kitchen," sabi ko kay Kyung Soo. Haha! Success! Mapapalayas ko na sa harap ko si Kai. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Masyado lang talaga siyang mayabang. Gaya nga ng sabi ni Kris, he's not my style.

"Bakit? Anong problema kay Kai?," inosenteng pagtatanong sakin ni Kyung Soo. Ang cute lang ng pagkainosente niya. Haha!

Tinuro ko lang si Kai na nasa likod ko. Pagkatapos nun ay pinuntahan na niya si Kai at isinama palabas ng kitchen. Yieeeh! KaiSoo moment. Just kidding.

Ako na ang nag-take over sa niluluto ni Kyung Soo para sa meryenda namin. Hmm... Kimchi spaghetti?

Maybe you're wondering why I'm here. Well, ininvite nila ako. Hangout daw. Pero sila, may sleepover sila ngayon. Hindi ako kasali kasi puro boys sila.

Maya-maya pa ay bumalik na si Kyung Soo. "Patapos na 'to. Tawagin mo na sila," utos ko sa kanya. Makapag-utos ako eh, no?

Kaya ayun, bumalik uli siya sa sala. Sorry, Kyung Soo kung nautusan pa kita.

Maya-maya ay umingay na sa dining room na katabi lang nitong kitchen. Hay... Hindi talaga uso sa kanila ang katahimikan.

Naghain ako bago umupo kasama sila. Since lahat ng bagay dito ay sakto lang sa kanilang 12, I'm taking Kris' place kaya medyo nakaka-guilty. Para bang ako yung kapalit niya. But the truth is, I shouldn't feel guilty kasi wala namang makakapalit kay Kris sa pwesto niya sa EXO. Nag-iisa lang siya.

"Wow! Iba talaga pag may kasama tayong babae," biglang sabi ni Kai. "May katulong na si Kyung Soo."

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon