Sapphire's P.O.V.
These past few days, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Ang sarap sa feeling! Yun ata yung feeling na para kang lumilipad sa ere. Ang gaan sa pakiramdam! Para bang wala kang problema at lahat lang sa mundo mo ay masaya. Finally! Naranasan ko rin kung pano magmahal ang isang Luhan kahit kunwari lang.
But life is really cruel. Hindi niya ako hinayaang manatiling masaya. Kanina lang, tinawagan ako ni papa. Excited ko pa nga yung sinagot kasi miss ko na siya. Akala ko, magiging masaya ako sa tawag niya pero akala ko lang yun. Dapat nga siguro na matuwa ako sa ibinalita sakin ni papa pero hindi. Nangibabaw sakin ang lungkot.
At times like this, kailangan ko ng happy virus. Kailangan ko ng isang kuya. I know, may totoo naman akong kuya. He's in China with my parents. Pero di ko feel na kapatid ko siya. Hindi man lang niya ko binibisita dito sa Pilipinas. Ni hindi niya ko tinatawagan. At kahit isang message sa SNS ko, wala akong natatanggap mula sa kanya. Maybe this is one of the reasons kaya puro lalaki ang kaibigan ko. Nangungulila ako sa pagmamahal ng isang kuya. I know I should be thankful of my brother. He's the reason kung bakit hindi ako pinipilit ng parents ko na mag-take over sa business namin. But still, kapatid niya ko. Iparamdam naman niya sana.
I started dialing Chanyeol's number. Gusto kong makausap ang taong hindi ko kadugo pero tinuturing akong tunay niyang kapatid. After a few rings, sinagot na niya 'to.
Me: Chanyeol oppa~
Tinawag ko ang pangalan niya sa pinakamalambing na paraan na kaya ko.
Chanyeol: Anong problema mo?
Me: Porke tinawagan kita, may problema na ko agad? Namiss lang kita.
Chanyeol: Kahapon lang, magkasama tayo ah. Haha! Hindi ko kasama si Luhan hyung ngayon. Wag mo kong ganyanan.
Me: Oppa naman! Ikaw ang tinatawagan ko. Hindi si Luhan.
Chanyeol: Ano ngang problema mo?
Me: Wala nga akong problema, oppa. I just want to hear your voice.
Chanyeol: Exactly! Every time you want to hear my voice, may problema ka. Isa pa, tinatawag mo kong oppa ngayon. Kailangan mo ko. Wag ka nang magsinungaling.
I sighed in defeat.
Me: You know me well.
Chanyeol: Para san pa't naging kuya mo ko diba?
Sana nga, Chanyeol. Sana nga ikaw na lang talaga ang kuya ko.
Me: Can I come over your house?
Chanyeol: Sure. Call it your home.
Napangiti naman ako dun. You never fail to make me smile, happy virus. I ended the call and then prepared myself to go to Chanyeol's house. My second home.
Chanyeol's P.O.V.
"I'm home, Chanyeol oppa!," rinig kong tawag ni Sapphire sa baba. Haha! Andito na ang little sister ko na kasing precious ng isang gem.
Bumaba ako para salubungin siya. "Welcome home, Sapphire! Happy virus at your service." Nag-bow pa ko na parang butler niya.
Inaasahan kong babatuhin niya ko ng throw pillow o kaya babatukan gaya ng lagi niyang ginagawa. That's how she responses to my warm welcome. Pero nagulat ako nang salubungin niya ko ng isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
Even When You Hate Me, I Love You
FanfictionIf you have someone you love, you'll never give up on him/her no matter what.