Bonus Chapter - What If?

99 3 3
                                    

What if si Luhan ang umalis at hindi si Sapphire?

What do you think will happen?

Sapphire’s P.O.V.

“Pupunta na kong China.”

.

.

.

.

.

.

Luhan naman! Wala man lang bang intro? Bakit diretsahan? Sana pinaghanda mo muna ako. Tanging “Bakit?” lang ang naisagot ako.

He flashed me a sweet smile. “Namimiss ko na ang pamilya ko.”

Yung nabubuong lungkot sa puso ko, napalitan ng saya. I returned him a smile. “Good.” Teka, ano bang nangyayari sakin? Lady of few words na ba ako ngayon? Siguro dulot na rin ng sobrang pagkagulat. Bigla-bigla na lang kasing nagpapaalam ‘tong prinsipe ko na hindi naman prinsesa ang turing sakin.

“Hindi ka ba malulungkot?” Nag-pout pa siya habang hinahalo yung kape niya. Why so cute? Wag ganyan, Luhan. Please. Lalo lang kitang mamimiss.

“Syempre masaya ako at sa wakas, napagdesisyunan mo nang makipag-ayos sa family mo. Matagal kong hinintay ang araw na ‘to, Luhan. Pero…” I paused for a moment. I want to let him know how I really feel. Ilang ulit kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya tapos simpleng ‘malungkot ako’ lang, hindi ko pa sasabihin. “Hindi mo maiaalis sakin ang malungkot.”

“Sapphire, don’t.” He shifted his gaze from his coffee to me. “Don’t be sad. I’ll be sad, too.”

I have always admired his eyes. I really do. Bakit ang expressive ng mga mata mo, Luhan? Sabayan pa ng mga pahayag mong yan. Sobrang nadadala ako. Nalulungkot na rin akong talaga. “Please smile.”

He did not reply. He just kept stirring his coffee while looking at me directly. “Please smile,” I repeated. “I’ll miss those smiles. I’ll miss them badly.”

With that, he let out a chuckle. I smiled at his reaction. “That’s more than what I asked for,” I told him and took a sip at my hot chocolate. “Have fun with your family as you reunite.”

“Of course! Matagal ko na rin silang hindi nakasama. At the end of the day, they’re still my one and only family. I can’t hate them forever.”

---------

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ito na kasi ang araw na pinakahihintay ko and at the same time, pinapanalangin ko ring huwag nang dumating.

Hinintay ko ang araw na ito dahil ito na ang araw na magkakaayos nang muli si Luhan at ang pamilya niya.

Hiniling ko namang huwag na sana itong dumating dahil sa totoo lang, ayoko rin talagang umalis si Luhan. Alam ko namang hindi talaga siya mawawala nang tuluyan pero… Hahanap-hanapin ko pa rin siya sa bawat oras na lilipas. Nagawa na bang mabuhay ni Tinker Bell na wala si Peter Pan sa tabi niya? Oo… Kung ganun, kakayanin ko rin.

“Ah, Sapphire… Flight ko na yun,” sabi sakin ni Luhan. Ha? Inannounce na ba yung flight niya? Hindi ko narinig. Teka, eto na ba talaga yun? Aalis ka na talaga, Luhan? Pwede bang patigilin muna ang oras? Kahit saglit lang oh. Please.

“Sapphire,” muling tawag sakin ni Luhan.

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Ah… Aalis ka na? Sige, ingat. Ikamusta mo na lang ako kina tita. Zaijian!” I tried my best to smile.

He hugged me. I was expecting him to say goodbye, but what he told me was a wish I thought only in dreams can come true. “I’m not saying goodbye and baby, please don’t cry. I just want you to know that I love you.He kissed my forehead. “I’ll be back, soon.”

Pinagmasdan ko lang si Luhan na unti-unti nang lumalayo habang kumakaway. Masyado akong nabigla na hindi ko na nagawang makasagot pa. Nang maka-recover na ko sa nangyari, agad akong sumigaw ng “I love you too, Luhan! I’ll be waiting.”

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon