Sapphire's P.O.V.
Isang linggo na after ng break up nina Luhan at Aliyah. At sa loob ng isang linggong yun, hindi ko nakausap si Luhan dahil sa bubbletea freak na 'to!
"Sapphire, hurry up! Ico-cover pa natin yung activity ngayon ng mga scholar," kinig kong tawag ni Sehun mula sa sala. Sino bang may sabi dito na sunduin pa ko?
"Bakit mo pa ko sinundo?," bungad ko sa kanya.
"Ang taray mo naman! Andito ako para masiguradong sa university agad ang punta mo at di kay Luhan hyung. Ayokong bigla na lang makatanggap ng text mo na ako na lang ang mag-cover mag-isa at babawi ka na lang next time," sagot niya sakin. Mind reader ba 'to? Pano niya nalaman na balak kong puntahan si Luhan ngayon bago pumuntang university?
I sighed. "Sehun, one week ko nang di nakakausap si Luhan. Kailangan niya ko. Alam kong di ganun kadali mag-move on."
Tiningnan niya lang ako nang diretso at saka hinila papasok sa kotse niya. "Maaari ngang kailangan ka ni Luhan hyung sa ganitong pagkakataon pero kailangan niya rin ng oras para sa sarili niya." At pinatakbo na niya ang kotse.
Pustahan tayo, pinakiusapan 'to ni Luhan na ilayo ako sa kanya. Hay, Luhan. Tama ka ng taong hiningan ng pabor dahil hanggang ngayon ay di pa rin kita magawang lapitan.
FLASHBACK
Day 1 - Sunday
Nakabihis na ko dahil sisimba ako at after nun, pupuntahan ko si Luhan kasi nga alam kong kailangan niya ng maiiyakan; ng malalabasan ng sama ng loob. Pero nagulat ako nang makita ko si Sehun sa baba.
"Wala akong kasabay pagsimba ngayon eh. Sabay na lang tayo."
At dahil nga sa kasama ko si Sehun, di na ko nakapunta kay Luhan dahil si Sehun ang sinamahan ko after mass. I don't want to be rude to him.
Day 2 - Monday
Lunch break at nakita ko si Luhan na kakalabas lang ng building nila. Pupuntahan ko na sana siya kaso biglang may humila sa kamay ko.
"Nalilimutan mo atang may meeting ngayon ang staffers ng school paper," pagpapaalala sakin ni Sehun habang hinihila ako papunta sa office namin.
BINABASA MO ANG
Even When You Hate Me, I Love You
FanfictionIf you have someone you love, you'll never give up on him/her no matter what.