Chapter 1 - He Hates Me

210 2 2
                                    

Sapphire's P.O.V.

When we were kids, we were friends. Good friends!

When we were in elementary, I had a crush on him.

When we were in high school, I started liking him. Unfortunately, he started hating me.

Now that we're in college, I'm falling deeper into him but he still hates me.

---------

"Luhan! Sabay na tayong mag-lunch. Ipinagluto kita! May club activities ka ba after school? Hihintayin na kita. Sabay na tayong umuwi," sunod-sunod kong sabi sa kanya habang bumababa kami ng hagdan. Hindi naman siya sumasagot. Wala akong narinig. Ni "oo" o "hindi". Kahit tango, wala. Patuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan.

"Saan mo ba gusto kumain? Sa cafeteria o sa garden?" Tahimik pa rin siya.

"Luhan!"

"Sapphire!" Natigilan ako sa pagsigaw niya ng pangalan ko. May halo itong inis at galit. "Tigilan mo na nga ako. Sapphire, hindi na tayo bata! High school na tayo. Kaya mo nang mag-isa. Alam mo bang dahil sa lagi mong pagdikit sakin, usap-usapan na sa buong campus na girlfriend kita?!"

"Yi-yihan (sorry)" Ang tanga ko! Bakit hindi ko naisip na may negative effects ang pagiging clingy ko sa kanya? "Kaya ba nagalit sayo si Aliyah? D-dahil sakin?" Tiningnan niya lang ako nang diretso. Si Aliyah ang babaeng nililigawan ni Luhan. "Hayaan mo, bukas na bukas, lilinawin ko sa kanya na hindi mo ko girlfriend. I'm willing to do anything you want. But please, don't erase me in your life. We've been good friends. Our families are really close -"

Hindi ko na naituloy ang mga gusto kong sabihin dahil umalis na siya. Or should I say, iniwan na niya ko? Pero Luhan, kahit ilang beses mo pa kong iwan, hindi ako magdadalawang-isip na sundan ka. "Even when you hate me, I like you."

Tama. Gusto pa lang kita noon. Ngayon, mahal na kita.

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon