Chapter 19 - Back?

80 4 4
                                    

Luhan’s P.O.V.

“Grabe! 5 years na pala ang new definition ng soon,” angal ni Baekhyun habang sinasara ang kanyang laptop.

“Wag ka ngang magulo diyan, Bacon. Buti nga at babalik na sila,” sabi naman ni Chanyeol habang tumutugtog ng gitara.

Bigla namang bumukas ang pintuan. “Guys! Babalik na raw sina Kris hyung at Sapphire bukas!,” excited na pagbabalita ni Sehun.

“Alam na namin,” sabay na sagot nina Baekhyun at Chanyeol.

Tumabi naman sakin si Sehun at inakbayan ako. “Anong plano mo, hyung? 5 years kang pinaghintay ni Sapphire.”

Inunahan naman ako ni Baekhyun sa pagsagot. “Naku, Sehun! Kung alam mo lang. Kanina pa yang nakangiti si hyung.”

“Oo nga. Sobrang lapad ng ngiti niya. Parang ganto,” dagdag pa ni Chanyeol at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Labas na lahat ng ngipin niya. Grabe! Hindi naman ako ganun ngumiti. Hindi kaya ganun ngumiti ang mga manly. Tss.

I just chuckled at their conversation. “Sasama ka ba sa pagsundo sa kanila sa airport?,” tanong ko kay Sehun.

Inalis naman ni Sehun ang pagkakaakbay niya sakin at umiling. “Hindi na, hyung. Baka magselos pa si Lucy eh. Sa dinner na lang ako pupunta. Sagot ni D.O. hyung ang pa-dinner kina Sapphire diba? Reserved na raw yung restaurant niya bukas ng gabi.”

Tumango lang ako sa sagot sakin ni Sehun. Nabalitaan ko nga rin yung balak na yun ni D.O. Chef na kasi si D.O. ng restaurant na siya rin mismo ang may-ari.

At kung nagtataka naman kayo sa binanggit ni Sehun na babaeng nagngangalang Lucy, fiancé niya yun. And take note, selosa. Siguradong pagseselosan nun si Sapphire lalo pa’t alam niyang si Sapphire ang first love ni Sehun. Kaya tama lang ang desisyon ni Sehun na wag nang sumama sa pagsundo kina Sapphire. Kung pano naman sila nagkakilala, bubbletea ang dahilan. And speaking of bubbletea, nagpatayo sila ng sarili nilang bubbletea shop at isa na yun sa mga tinatangkilik ng marami ngayon.

“Ako rin, hyung. Sa dinner na lang. Alam mo naman. May classes bukas,” pagsali ni Chanyeol sa usapan namin. Music teacher na kasi ‘tong si Chanyeol.

“Baka nga kahit dinner, di ako makapunta eh. May shooting kasi bukas nung bagong variety show na hino-host ko.” Ito namang si Baekhyun, sikat na host na dito sa Philippine TV. Talagang sumuway siya sa magulang niya at ginawa niya ang gusto niya. Hindi naman siya napahiya dahil successful na siya ngayon. “Pero susubukan ko pa ring pumunta.”

Bigla namang dumating sina Xiumin at Chen. “Sabi ko sayo, Xiumin hyung ai. Pupunta sila dito. Haha!,” sabi ni Chen kay Xiumin.

“Kumusta naman ang cafe?,” tanong ko sa kanila. Since nakakuha na si Xiumin ng barista license at masasabi na ring isang certified baker si Chen, nag-decide silang dalawa na magpatayo ng cafe. Maunlad na ang business nilang ‘to. In fact, magpapatayo na sila ng other branch soon. Hands on pa rin sila sa business kasi naging passion na nila ang paggawa ng kape at pagbe-bake.

“Ayos naman. So… Isa lang ang rason kaya kayo andito,” sagot ni Xiumin.

“Kris hyung and Sapphire,” sabay-sabay naming sagot.

“Dalawa nga, hyung. Hindi isa. Haha!,” sabi ni Chen. Wala namang pumansin sa kanya kaya padabog siyang pumunta sa kusina.

“Sinu-sinong pupuntang airport bukas?,” tanong ni Xiumin.

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon