Sapphire's P.O.V.
It's Saturday at andito kami ngayon sa airport para ihatid si Kris. Oh-kay. Yesterday wasn't a dream. Kris is really leaving.
Sa pag-alis ni Kris, isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Tao. Sigurado akong sa aming lahat, siya ang pinakang-apektado.
Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay na siyang naging dahilan upang ibaling niya sakin ang kanyang tingin. Nginitian ko siya. "Everything will be fine. He'll be back soon."
Nginitian niya lang din ako at saka ibinalik ang tingin kay Kris. Hindi ko inalis ang kamay ko sa kanya. Wala lang. Feeling ko lang na kailangan niyang maramdaman na may nagke-care sa kanya.
Naramdaman ko naman ang pagpatong ni Luhan ng kamay niya sa ulo ko. Ang bigat ha! Pero okay lang kasi kinikilig ako. Haha! Medyo malandi. Nakatingin lang siya kay Kris habang kagat niya ang kanyang labi. Oh so hot! Haha! Just kidding. I bet he's holding back his emotions. Aalis lang naman ang friend niya. Alam niyo kasi ang EXO, parang magkakapatid na yang mga yan. Ang hirap paghiwa-hiwalayin.
Maya-maya pa'y tumayo na si Kris at nagbuntong-hininga. "Guys, I think this is it." He exchanged gazes with EXO and with me, of course. "Farewell!"
Nag-wave lang kami sa kanya ng "goodbye" or should I say "farewell". Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Napatigil naman siya sa pagsigaw ni Tao ng "Duizhang!" na siyang naging dahilan ng kanyang paglingon.
"Hihintayin kita. Hihintayin ka namin," sabi ni Tao. Ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Tumango lang si Kris at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa unti-unti na siyang nawala saming paningin.
Tumalikod na sila pero nanatili akong nakatingin sa direksyong pinuntahan ni Kris. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Luhan ang kamay ko at hinila paalis ng airport. Napagdesisyunan naman ng grupo na sa dorm na muna pumunta.
Nanibago ako nang makarating kami sa dorm. Sa tuwing bumibisita kasi ako dito, maingay saka magulo. Mataas lagi ang energy. Umupo lang ako sa sofa at pinagmasdan ko silang lahat.
Ang BaekYeol, nag-video games kahit wala namang patutunguhan ang laro nila. Si Suho, nagbasa. Si Kai, natulog. Si Xiumin, humiga sa sahig habang nakatitig sa kisame. Ang HunHan, wala sila dito. Dumaan muna sila sa Bubble Town. Si Lay, naggigitara at ang lungkot ng tinutugtog niya. Si D.O., nasa kusina. Nagluluto. He told me before na stress reliever niya ang pagluluto. Si Chen, ikot nang ikot sa buong dorm. Nakakahilo siyang panoorin. At si Tao... Nagkulong sa kwarto.
Parang gusto kong maiyak habang pinapanood sila. Kahit ang happy virus na si Chanyeol, walang nagawa. Kung kahapon, kaya pa niyang i-handle ang sitwasyon, ngayon, hindi na. Wala na eh. Umalis na nang tuluyan si Kris.
Luhan's P.O.V.
Pagpasok namin ni Sehun ng dorm, tahimik ang lahat. Usually, hinahanda ko na ang tenga ko sa ingay na sasalubong sakin pagpasok ko dito. Pero ngayon... Nakakabingi ang katahimikan.
Nakita kong nakaupo si Sapphire sa sofa habang pinapanood ang iba. Tinabihan ko siya at binigay ang bubbletea na binili ko para sa kanya. "Thanks!," she thanked me in monotone.
Nakita ko namang pumasok si Sehun sa kwarto ni Tao. Dadamayan niya siguro.
Binalik ko ang tingin ko kay Sapphire. Iniinom na niya yung bubbletea niya. Pustahan tayo, sasabog na 'to any minute now. Hindi niya gusto ang napapanood niya. At kung alam lang niya, hindi ko rin gusto ang napapanood ko lalo na yung napanood ko kanina.
BINABASA MO ANG
Even When You Hate Me, I Love You
FanfictionIf you have someone you love, you'll never give up on him/her no matter what.