Sapphire's P.O.V.
"Good morning, Luhan!," bati ko kay Luhan kasama ang isang ngiti. "Can I start the day as your schoolmate?"
Nginitian niya ko. I should be happy but I'm not.The reason is that his smiles don't contain the same glow anymore. "Good morning!," bati niya pabalik.
"I'll take that as a yes." Todo ngiti naman ako sa desisyon niya. A schoolmate is better than a stranger.
Sabay kaming naglakad papunta sa kanya-kanyang building. Ang tahimik niya. Nagbago ka na talaga, Luhan.
Pinili ko na lang na manahimik. Ayoko namang mainis siya sa kaingayan ko. Pumayag na nga siyang i-treat ako as his schoolmate. I won't waste this opportunity.
Maya-maya pa ay nakita ko na ang sarili ko sa harap ng building namin. "Dito na ko, Luhan. Mag-ingat ka. Marami ka pa namang fangirls. Haha!"
"Sige," matipid niyang sagot.
Luhan's P.O.V.
Ganto ang set up namin ni Sapphire araw-araw. Every morning, she'll ask me if she can start the day as a stranger, my schoolmate, my friend, my best friend, or my sister. Simula nang masigawan ko siya nung high school, naging ganyan na siya.
I think I should be the one blamed for her sudden behavior. However, on the bright side, natuto na siyang makipagkaibigan sa iba. At natuto na rin siyang mag-isa. Yung tipong di na siya umaasa sa iba.
She still thinks that I hate her until now. But I can't hate her forever. Maayos na kami ni Aliyah thanks to her.
Lunch Break
Nandito ako sa isang restaurant sa loob ng university. Mag-isa ako ngayon dahil hindi raw ako masasamahan ni Aliyah since maghahanap daw sila ng bagong members para sa cheering squad.
Nakita kong naghahanap si Sapphire ng mauupuan kaya tinawag ko siya. "Sapphire!"
Nginitian niya ko at saka siya pumunta sa tabi ko para ilagay ang inorder niya sa table. Habang paupo siya ay bumulong siya sakin. "Schoolmate, di kaya ako i-bash ng fangirls mo."
Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Sabay na tayong umuwi mamaya? Half day ka lang ngayon diba?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Seryoso ka?! Eh pano si Aliyah? Naku! Don't worry about me. I'm fine. Maalam na kong mag-isa, Luhan. Natuto na ko."
Tama. Nag-mature na nga siya. This is what I've always wanted pero bakit parang pakiramdam ko, wala na kong silbi sa kanya. Teka, ano nga bang pakialam ko? "Okay lang, Sapphire. Busy kasi si Aliyah ngayon sa club activities."
"Ganun ba? Okay lang ba talaga sayo?," paninigurado niya. Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata niya. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit ako pa ang pinili niyang mahalin. Kahit na ang cold ko sa kanya at alam niyang may girlfriend na ko.
"I'll take that smile as a yes," sabi niya sabay kuha ng fries. Nakangiti na pala ako? "Pero Luhan, I like your old smiles more." Biglang naging seryoso ang mukha niya. Old smiles? Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.
"Never mind. Ano nga bang karapatan kong pakialaman ka diba? I'm just your schoolmate," sabi niya nang may tono ng pagkalungkot. Pero nginitian pa rin niya ko. Smiling is what she does best. I remember how her smiles always cheer me up when we were little.
---------
Nasa tapat na kami ng bahay nina Sapphire na katabi lang ng bahay namin. Pakatanggal niya ng seat belt ay narinig ko na naman ang linyang araw-araw niyang sinasabi sakin. "Thanks for the day, Luhan! I enjoyed every hour, every minute, and every second being your schoolmate." Bumaba na siya ng kotse at bago niya isara ang pinto, "Always remember that even when you hate me, I love you."
BINABASA MO ANG
Even When You Hate Me, I Love You
Fiksi PenggemarIf you have someone you love, you'll never give up on him/her no matter what.