Intelligence for RescueZahara's POV
Nagpatulog-tulogan ako dito sa kama habang patuloy akong ginugulpi ng kapatid ko gamit ang mahiwagang unan. Bahala kang mabulok dyan. Basta ako, hindi ako gigising.
"Gigising ka ba o gigising?" Saan ang pagpipili-an dyan?
"Tanga." Oh, see that? Magigising ka talaga sa katangahan nya.
She just laughed at binato ako ng unan bilang pamamalaam. Seriously? We should visit a doctor for my sister. Baka may topak to eh, or, nakakain sya ng may lason sa pagkaing sya mismo ang nagluto. Alam nyo naman kung gaano kasarap magluto nitong kapatid ko. Maiiyak ka sa tuwa, dahil for sure, kamatayan mo na kapag kakain ka sa pagkain nya.
Buti nga sa amin hindi umepekto ang kababalaghan sa pagkain nya. Siguro, nasanay na kami.
"Leave. Before I'll throw you out at the veranda." She rolled her eyes at malakas na isinara ang pinto.
Mapipiktusan ko na talaga sya mamaya. Tuwing umaga, impyerno agad ang bubungad sa'kin. How wonderful!
"Ihahatid nalang kasi kita!" Kulit nito eh -_- paano ko ba to patatahimikin?
"I'll go now." Sabay talikod kay Ate.
Hindi ko na sya pinakinggan pa at lumabas na ng bahay. Of course kinailangan kong maglakad or else mauubos ang oras ko sa kakahintay ng taxi.
This morning goes normal. Maganda ang sinag ng araw, a smooth and soft air--touching your skin. If I'm one of the ordinary girls, I would be jumping in joy because of this peaceful morning. Pero kahit anong gawin ng kalikasan upang sumaya ako, there's no way for me to curve my lips into a smile. I would never. Dahil may hinihintay akong pagkakataon.
Naglakad pa ako nang may sasakyan na dumaan sa gilid ko. At kung mamalasin ka nga naman, na talsikan pa yung uniporme ko ng putek. Aba?! Anong gusto'ng mangyari nitong driver na to?! Litse! Panira ng araw!
Gusto kong batohin ang bwiset na sasakyan na dumaan, at bago ko paman ginawa ang plano kong patayin ang walang kwenta nyang sasakyan, huminto sya sa di kalayuan ng aking tinatayuan. Geh! Magharapan tayo kung sino ka mang gago ka!
"Good morning, Evans." Sabi niya na walang kabuhay-buhay at blankong mukha. Halatang nang-iinis -_-
Tsk! Kaya ba kumukulo dugo ko nang dumaan ang sasakyan na yan sa gilid ko kanina? Eh demonyo yung driver eh? Tsaka sinasadya naman nya ata tong nangyari sa akin!
"Ewan ko kung anong nangyari sayo pero wala akong paki,"madiin kong sabi. Hindi ko pinapahalatang nagagalit ako.
Hindi ako bobo eh. Kung malaman nyang naaapektuhan ako sa ginawa nya, malamang hahalakhak yang gagong yan. Pero sa totoo lang? Gustong gustong gustong gustong gusto ko ng sunugin yang pagmumukha nya pati na din nyang sasakyan na noon pa ma'y hiniling ng mga kababaehan na masakyan. Anong magawa natin? Eh crush ng bayan tong ugok na to eh. Ewan ko ba kung ba't sila nagkakagusto sa demonyong yan. Oh sige, sabihin nating gwapo sya, malakas ang sex appeal at idagdag mo na ang yaman ng lalakeng yan. Pero kahit anong annalytical process ang gawin, demonyo pa rin sya at nababagay sa impyerno ang kutong lupa na yan.
Tang*na lang talaga, uuwi nalang ako at magbihis. Ano ba kasing problema ng isang to?!
"Tch. Enjoy your trip back to your home", he smirked at pinaandar ang walang kwenta nyang sasakyan.
Nang nasa malayo na sya, tsaka ko pa sinipa yung basurahan na nasa gilid ng daan at sumigaw ng "TANG*NA KANG GAGO KA!!"
Sana mabundol sya at di na magising pa. Go to hell, lucifer! URGH!
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Teen FictionTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...