CHAPTER 7

131 6 2
                                    

The Student Council

Zahara's POV

I never wished to be a part of this organization. But look, here I am now. Putting myself into trouble.

Naglakad pa rin kami at sinusundan ko lang ang gagong nasa unahan ko. Lahat ng nadaanan naming estudyante ay tumitingin sa'min, how I wish na pwede kong tuhogin ang eyeballs nila. Lagkit ng mga tingin eh.

"Sabihin mo nga, saan ba talaga tayo pupunta?" halata ang irita kong boses.

"Into heaven.." sht. Ayoko pang mamatay -_-

Tumahimik nalang ako kesa sa makipag-usap sa walang kwentang taong ito.

"Ano kayang kasalanan ang ginawa nya at kasama sya ni President?" bitch. Wala akong kasalanan. Gusto mo ihulog kita dyan sa tinatayuan mo? Sinamaan ko nalang sila ng tingin at nilagpasan.

*Bogsh!*

"Litse." akala ko poste yung nabunggoan ko. Likod pala ni demonyo. Eh bakit humihinto bigla sa kakalakad eh!

"Pati ba naman sa paglalakad ay wala kang utak?"

"Excuse me?" Wow. Sinong walang utak sa amin dito?

"Tsk. Get in!" sabi niya at binuksan ang pinto.

Ngayon ko pa napansin, ay iba. SC Room pala tong pinuntahan namin. Pagkapasok ko ay nakita ko na agad ang apat na mga alagad ni demonyo, na naka-upo sa isang rounded table. So? May meeting? Kaya ba nya ako pinapunta dito?

"Why is she with us?" nagtatakang tanong ni Klenn at agad naman syang nasapak ni Dwayne. "Kasi nga, sya ang assistant ni Nate!"

"Kung sapakin din kaya kita dyan gamit ang upuan?" naiinis na sabi ni Klenn. Bigla namang tumayo si James at sinaway ang dalawang aso't pusa. "Can't you see? We're with a new member. Better behave or I will throw you outside."

"Aist. Pasensya kana sa kanila, Unnie. Umupo ka oh." nakangising sabi ni Geo at inayos ang bakanteng upuan next to Dwayne.

Lahat ng officers ay nandito, kaya nong umupo na si Nate sa trono este! upuan nya ay tumahimik na ang lahat. Wow, respetong respeto pala si demonyo dito sa mga members nya. Tch.

"Zahara Evans, BS Nursing. She's my assistant from now on. Her position is formally called President's Assistant. Alam naman nating magkaiba ang Vice President and President's Assistant. P.A, is just a servant to me. Got it?" walang hiyang paliwanag nya sa mga kasama nya.

"And you're just an idiot to me." walang emosyon kong sabi. Halata namang nainis si demonyo kaya nagpaparty na ang kaluluwa ko.

"Tumahimik ka kung ayaw mong palabasin kita dito." I stood up.

"Edi lalabas ako sa sarili kong effort." sabay lakad papuntang pinto.

"Try to open the door and I will tell them about us in the dre--" I cutted. Ginagalit talaga ako ng taong to eh.

"Spit it out at tatanggalan kita ng bungo." wala na akong nagawa at bumalik na ako sa upuan ko. Ang hirap nyang intindihin ah? Kanina lang gusto nya akong lumabas tapos ngayon tatakotin nya ako para hindi makalabas?

Lahat sila ay tahimik lang kaming pinanoud habang may tense ng umaapoy sa aming dalawa ni Nate. How long can I deal with this demon? Seriously? Bakit ba ako pumayag na maging Assistant nito?

"Aysh. Nag memeeting tayo dito, hindi bakbakan." pambasag pinggan na sabi ni Klenn. "Tomorrow must be the day for our preparation. So, what will we do?" dagdag nya pa.

"Nonsense question. Edi mag prepare!" hindi pa nga nakahinga si Geo ay nasapak na naman sya ni Dwayne. Kawawang tuta.

"We're serious as hell! You childish idiot!" marunong palang magseryoso ang womanizer na si Dwayne? Hmmm..

I'm His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon