Miss Two-piece
Zahara's POV
I really love my life lalo na't hanggang ngayon ay nakahandusay pa rin ako sa kama, at walang balak na bumangon. Ganito kaya ang feeling na mamatay? Kung ganun, mas pipiliin ko nalang ang mamatay. Pero syempre, hindi pwede. Kung pwede lang sana eh.
"Hoy! May balak ka pa bang bumangon dyan?" I frowned.
Bakit sya nalang palagi ang kontrabida sa buhay ko? Nakakapikon na ah. Hindi na ako natutuwa. Oh damn? Kailan pa nga ba ako natuwa?
"Absent ako today. Ano ba ang dahilan kung bakit kinakailangan kong bumangon dito?"
She crossed her arms at naglakad papunta sa kama ko. Alam mo yung iniisip ko? Akala ko yung anak nya lang ang kinaiinisan ko, pati rin pala sya. Kinuha nya yung tumbler ko na nasa study table at binato sa akin. At yun! Nasipol ako! Joke. Ano sya sineswerte? Of course nailagan ko. I am Splash and I hope she badly knows it.
"I wanna die in an expensive reason."-sabi ko sa kanya with a boring look. My signature look.
"Che! Gotta prepare yourself at may kasal pa tayong pupuntahan. I hope you knows about it."
"Kung yan lang ang sasabihin mo, you can leave now." Sabay takip ng unan sa tainga.
"Ano ba Ara! Kasal to ng pinsan natin! Kaya nga umabsent ka diba?" I can feel 'annoyance' in her voice. Walakumpaki.
"Umabsent ako kasi gusto kong mapalayo muna sa mapanghusgang mundo." Yun naman ang totoo eh.
"Don't tell me hindi importante sayo ang kasal ni Dane?" I finally look at her. Matagal-tagal din bago ko sya sinagot. She looks so serious at gusto niya ng seryosong sagot.
And my answer would be serious too. I wanna know na maintindihan nya ang isasagot ko. I hope her little brain can absorb this senseful answer. "I don't care."
Kahit hindi nya pinapahalata, I know na disappoint sya sa sagot ko. Ano? Gusto nya ng seryosong sagot? Edi binigyan ko! Ano pa bang gusto nyang marinig mula sa akin? Na excited akong pupunta sa kasal ni Ate Dane? Na handa na akong soutin ang gown ko? Na gusto kong makita ngayon ang partner ko?
Well I'm different from the other girls because I am not ordinary like them! Huwag nila akong igaya sa ibang babae dahil kailanman, walang chance na magaya ako sa kanila! Akala ko ba naiintindihan nila ako?
"If...if that was so, then I will leave you now."-malungkot niyang tugon at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto.
Why can't she just hate me? After sa ginawa ko sa kanya, kahit ipinakita ko na walang akong respeto minsan, bakit nagawa pa rin nyang maging kalma at mabait sa akin? Bakit lahat ng desisyon ko, sa tingin nya ay okay? Alam mo yung mas nakakainis? Yung sa kanya lang ako nakokonsensya tuwing ipinapakita nya sa akin na nasaktan ko sya.
Ganyan ba talaga dapat ang gagawin kapag ikaw ang nakakatanda sa inyong magkakapatid?
I sighed. Dami kong iniisip. Sana natulog nalang ako mula kanina at hindi na magising. I would gladly accept that for me. Mas gugustohin ko pang mamatay ng ganyang pamaraan. But as what I said earlier, hindi pwede. Hindi ako pwedeng mamatay. May gagawin pa ako. Para sa kanya.
*knock knock*
Himala ata at may kumatok? Sa kakaalam ko, walang marunong na kumatok dito sa bahay.
"Who the hell is that?"
I can feel that she opened the door at dahan-dahang lumapit sa akin. I only use my sense kasi hindi ko trip na imulat ang mata ko. Aksaya lang ng energy.
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Teen FictionTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...