CHAPTER 10

162 6 3
                                    

Arrival of Kulang-Sa-Luto People

Zahara's POV

Nakatulala kong tinignan ang kisame habang nakatihaya sa kama ko. Damn, bakit ba hindi ko kayang kalimutan ang nangyari kanina? Tsk. That bastard. If ever na maka-recover na ako tungkol dito, masasapak ko talaga ang kaluluwa ng complicated oh-so-called demon na yun.

Napawindag ako ng mahina nang tumunog bigla ang cellphone ko. Jusme, akala ko kung ano na eh. I opened my sister's message I got just now. Bakit sya nagte-text? Pwede naman nya akong puntahan dito ah.

---------------
Sisterakas: Dinner is ready :)

---------------

I didn't reply her at walang ganang tumayo tsaka pumunta sa salamin. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok kong brown na wavy at umalis na sa harap ng salamin. Di ko kayang pagmasdan ng matagal ang unggoy na nandun eh.

"So tinatamad ka ng umakyat sa itaas?" tanong ko sa kanya ng mahagip ko sya sa paningin ko.

"Ito naman, di pwedeng pinapakain ko lang si Yhanna kaya tinetext nalang kita?" natatawa nyang sagot sabay subo ng pagkain sa anak nya.

Binabalewala ko nalang sya at kumain. As always, Mom's still not here and eat with us...with me. Buti pa si papa, kahit busy sya sa trabaho nya, nagawa pa rin nyang umuwi ng maaga para lang makasabay kami ni Step-Mom sa dinner. Pero noon yun, nong bata pa ako. Noong sa Florida pa ako nakatira. Iba na ngayon at halata namang malayo na kesa sa noon.

"Balang araw, Ara." biglang sambit ni Ate kaya't napalingon ako sa kanya.

She gave me weak smile at inilagay muna ang kinainan ni Yhanna sa sink.
"Makakasama din natin sya. Makokompleto din tayo at sabay na kakain...balang araw." I gave myself a warn not to cry. But I failed. I broke my command to myself na huwag umiyak. Automatic na bumagsak ang luha ko sa sinabi nya.

Parang isang milyong karayom ang tumusok sa puso ko kaya ako napaiyak sa sakit. Sa sakit na hanggang panaginip nalang ang sinasabi ni Ate. Sa sakit na yung kapatid ko, umaasa pa ring mangyari yun. Sa sakit na ang katotohanan ay mananatili pa ring katotohanan. Ang katotohanan na "Hindi na mangyari yun." sabi ko sa kanya.

Napaiyak din sya dahil sa sinabi ko at tinalikoran ako. Sa lababo sya humarap at nagpanggap na hinugasan ang pinggan kahit na ang katotohanan nyan ay, ayaw nyang nakikita ko syang umiyak. Ang lungkot ng buhay ko, ang lungkot ng buhay namin.

Hindi ko alam kung sa panahong makapagtapos na ako ay buhay pa rin sya. Gusto kong maging matalino at magaling na doctor, para sa kanya. Gusto ko syang isalba sa kamatayan nya, gusto kong ako ang makakagamot sa sakit nya na kahit sinong doctor ay hindi na magagawang gamotin yun.

Year 2012, he's being diagnosed by a cancer. Isang malalang cancer. Cancer na walang doctor ang may lakas-loob na gamotin yun. And I, as a 12-year-old kid, natakot sa maaaring mangyari sa ama ko. At doun ko naisip, na kailangan kong maging doctor dahil ako lang ang may lakas-loob na operahan sya. Desperada? Oo. Dahil mahal ko si Dad kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Year 2012 din nang inuwi nya ako dito sa Pinas at binalik kay Mom. Ang sabi nya, magpaka-bait daw ako. Kasi yun lang daw ang maiiwan nya para sa akin. Ayoko mang mahiwalay sa kanya pero kinailangan kong mag focus sa studies ko kesa sa magmokmok nalang sa kwarto at umiyak dahil hindi na kami magkasama ni Dad. Ang sabi ko "Dad, I'll go back in Florida when I'm a doctor already." and that was a promise.

Tandang-tanda ko pa ang ngiti ni Dad sa akin non, ang huling ngiti nya na nakikita ko. His smile way back 5 years ago. Ngayon, we cannot contact them anymore kasi nga, they're not a social media oriented. Yung half brother ko lang ang ma-access namin, si Steve. He's 11 now at miss ko na ang ugok na yun.

I'm His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon