----------------
A/N: You know what? Chapter 20 was actually based on the true story. Yung batang lalake na ibig sabihin dun ay batang babae sa totoong buhay. I wrote it because, the girl who saved the little kid is now her death anniversary. And to let the people know, na ang batang babaeng yun ay nagsusulat na ng kwento ngayon.
----------------Zahara Is Alive But...
Third Person's POV
Nawalan siya ng malay dahil sa kakulangan ng oxygen. Ngunit ilang minuto ay dumating ang mga rescuer kasama na din ang mga taong nagmamahal sa kanya--ang kanyang mga kasama. Lahat sila ay nagtutulongang ipabagsak ang litseng semento na nakaharang sa pinto.
Bago paman nagunaw ang gusali, salamat sa Diyos at nailigtas nila ang babaeng nakahandusay sa sahig. Muntik na syang masunog dahil nasa tabi na nito ang apoy.
Agad syang ikinarga ni Nate at isinakay sa rescue car upang ihatid sa hospital na nasa loob ng Triumphant Mansion.
Hindi dahil nasa publiko sila ay maaari na silang makapunta sa iba't ibang bahagi ng lugar. Ngunit ang katotohanang nasa competition pa rin sila ay nananatiling katotohanan. Walang ibang hospital ang maaari nilang puntahan kundi ang hospital na pinagmamay-ari lang ng Triumphant Mansion.
Umiiyak ang kanyang mga kasama lalo na ang dalawang babae na kanina pa tawag ng tawag sa kanyang pangalan. Hindi man umiiyak si Nate, halatang nag-aaalala ito sa kaaway nya at galit na galit sya sa kanyang sarili. Ilang beses din nadapa ang lampa sa oras na yun na si Dwayne pero hindi na nya iyon binigyang pansin. Lubos silang nalulungkot sa nag-aagaw buhay nilang kaibigan.
Ilang oras ang lumipas at naideklara ng doctor na matapang si Zahara dahil lumaban ito, kaya't naagapan sya at ngayon ay buhay. Ngunit.......
Tatlong araw...
Tatlong araw syang nananatiling tulog pagkatapos ng nangyari sa kanya. Hindi rin alam ng kanyang mga kasama kung kailan si Zahara magising at magmulat ng dalawang mata nito. Pero ang mga salitang 'buhay siya' ang dahilan kung bakit buhay din ang loob nila.
Kapag may pagsubok at activities na ginawa nila, si Nate o di kaya'y si Rosyl ang maiwan at manatili sa gilid ni Zahara upang bantayan sya.
Alam ng lahat kung ano ang nangyari kay Zahara, maging ang mga estudyante sa Arterio ay nag-aalala sa sitwasyon ng kanilang tahimik at malditang schoolmate. Si Ginang Evans din at ang Ate ni Zahara ay alam ang nahidatnan ng kanilang pinakamamahal na Ara. Gustohin man nilang puntahan sya, ngunit wala silang magawa. Dahil bawal ang mga outsiders na makapasok sa loob ng Triumphant.
Ika-apat na araw, ibinalik si Ara sa unit nila at doun inihiga sa kama nya. Ang kamang tinawag nyang "pansamantalang kama ng buhay ko."
Everyone missed her poker face. Miss na nila ang minsan lang nagsasalitang babae. Miss na nila ang nurse ni Nate. At higit sa lahat, miss na nila ang bangayan ng dalawa sa harap ng kanyang mga kasama.
He missed teasing with that girl.
He missed how she takes care of him when he's sick.
He missed the way she cussed.
He missed the way she hit him with her soft hands and arm.
He missed her shinning twinkling sad eyes.
He missed everything about her.
Paulit-ulit na sinasabi ni Geo na matapang si Zahara at balang-araw, gigising din ito. Dalawang linggo nalang at matatapos na ang competition. Marami man silang napanalonan, ngunit hindi sila makasiguradong mai-uwi ang Golden Trophy lalo na't nagkulang sila sa pagbantay kay Ara nong sa araw ng sunog.
Manalo man sila, hindi na importante yun. Dahil ang importante,
Ay ang magising si Zahara.
Nakatingin lamang si Nate sa napaka-inosenteng mukha ng babaeng nasa harap nya at natutulog.
"Dude, kain ka muna. Baka mabaliw ka na dyan sa kakatingin sa kanya." biglang sulpot ni Dwayne.
"Baka nakalimutan mo, nasa kwarto ka ng mga babae. Wala kabang balak lumabas?" sabi sa kanya ni Geo na nasa tabi lang ni Dwayne.
"Susunod ako. Saglit lang." Apat ni salita, isang sagot. Lumabas na ang dalawang kaibigan at hindi na kinulit pa si Nate.
Nang nakasiguradong wala ng tao sa kwarto nila Rosyl, tsaka pa sya nagsalita at kinausap si Zahara na para bang gising ito.
"Tomorrow is Sunday. Funny activities will be happen. Wake up now and support us tomorrow." hinawakan nya ang matamlay na kamay ni Ara.
"Show me how you laugh. Show me how you smile. Please, teach me how to smile."
Nitong nakaraang araw, habang tulog si Ara ay may kakaiba syang naramdaman para sa babae at hindi mapakali kapag hindi nakikita si Zahara.
Alam nyang nasabi nya yun nung panahon na isinugod si Zahara sa hospital. Ngunit hindi niya alam kung bakit higit pa nun ang nararamdaman nya.
While he's holding her soft one hand, her index finger suddenly move and he noticed it that's why he was shocked a little and an excitement and joy flows in his system. He waited for her to open her eyes.
Nakita nyang dahan-dahang inimulat ni Zahara ang kanyang mata at pagmulat niya, inosenteng mukha ng binata ang una nyang nakita. Her heart was pounding so fast that she couldn't explain. She wanted to talk, but can't open her mouth.
His heart was creating uncountable beats while he's staring at those twinkling brown weak eyes. For almost a week, ngayon pa nya muling nakita ang mga matang yun.
Those lips he can't resist to kiss since before, can't be open. He waited for her words. But she's just staring at him like she doesn't know him.
One thing he realized and he was sure enough about it. Tonight, was his first time to feel that, at unang pagkakataong maramdaman yun ng tunay para sa isang babae.
"She's now awake." he paused. Nagsitakbuhan naman papasok sa kwarto ang apat na kanina lang silip ng silip sa kanilang dalawa sa loob. He was so happy but a part of him was broken knowing that...
Zahara is alive....."but she can't talk."
___________
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Teen FictionTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...