"I'm His Girlfriend, So Back Off"
Zahara's POV
I woke up at exactly 3:00 AM at naligo with the sobrang lamig water. Erszxcs! Try nyo kayang maligo ng alas 3, tss!
I wore the black tshirt which is yung bigay sa akin ni Crystal. Yung binili nya kahapon. I got the shirt with pizza printed one. Napag-usapan kasi namin na ngayon namin sosoutin to para daw coupleshirt kami. Mga gaga talaga, coupleshirt ba talaga ang term? Bakit magsyota ba kami?
I grabbed my maong short pants na hindi naman kaikli-an, and my black sneakers. And then with matching black wristwatch kaya pang burial na naman ang hitsura ko ngayon.
Inayos ko na ang mga gamit ko at tsaka pa nagising si Ate. "Ihahatid ba kita?" tanong nya na inaantok pa din.
"Gusto mong mag hike nalang ako papuntang school?"
"Ito naman. Nagtatanong lang naman eh. Of course ihahatid kita."
"Iyan naman pala eh. Nagtatanong pa." she just pouted and lumabas na sa room ko para mag prepare.
Kinuha ko na yung maleta ko at yung packbag tsaka sumunod na din kay Ate. Balak ko sanang gisingin pa si Mama, kaso ayaw kong nabubulabog sya sa tulog lalo na't may trabaho pa sya ngayon. I'll text her later nalang.
We went inside the car at tinulungan pa nga ako ni Ate na ipasok ang maleta, ang bigat naman kasi. Yung drama ko ngayon parang lilipat na talaga ako ng bahay. But nah, sa impyerno ang punta ko ngayon so I better prepare myself.
Tahimik at wala kaming imikan sa boung biyahe. Himala nga kasi tahimik si Ate ngayon, siguro inaantok pa din.
"May mga gamot ka bang dala?" bigla nyang tanong.
"Oo. Tsaka I don't need them naman kaya okay lang kung baka sakali man na wala akong dalang gamot."
"Ikaw lang ata ang mag do-doctor na ang tigas painumin ng gamot."
"For me, medicine is just optional."
Tumawa nalang sya at natahimik nalang kami nang makita na namin ang gate ng Arterio University. Ito na.
Pumasok kami sa gate at diniritso ni Ate ang sasakyan papunta dun sa bench na may tatlong estudyanteng nakatambay. I know who they are.
"Take care for yourself. Huwag kang magpagutom." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. I smiled at tuluyan ng lumabas sa sasakyan.
I look at her habang papaalis at pauwi, mamimiss ko ang pamilya ko. Mamimiss ko ang maingay na iyak ng batang si Yhanna. Nang nawala na sa paningin ko si Ate, ibinaling ko na naman ang tingin ko sa kanila.
Crystal, Dwayne and Nate.
"Buti nandito ka na! Ang hirap kayang mag-isang babae kasama ng dalawang to." sabi ni Crystal.
Medyo madilim pa ang paligid pero makikita mo ang mga mukha nila kasi may ilaw naman dito sa bench na to.
"Wala pa si Rosyl?"
"Wala pa. Pero paparating na daw sya."
"Good morning, Babe." napatingin ako sa kanya. Kailan nya ba lulubayan ang pagtawag nya sa akin ng babe?
"Shut up, Dwayne. Kung ayaw mong itali kita sa itaas ng street light na nasa likod mo." tumawa lang sya. Kaya ibinaling ko nalang sa ibang diriksyon ang paningin ko bago pa ako makasabog ng labi.
I looked at him. Bumalik na naman ang masungit na hitsura ni Nate Kian. Talagang ang labo nya no? Bipolar. Kahapon lang ang sigla-sigla ng mukha nya, gumawa pa nga ng kalokuhan eh. Pero ngayon? Ayan! Ang bigat ng mukha.
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Novela JuvenilTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...