The Master and The Assistant
Zahara's POV
Anak ng pating! Kailan ba ako lulubayan ng babaeng ito? "Zaharaaaa....pleaaaase...."
Kanina pa yan eh, sunod ng sunod sa akin. Gusto nyang sumama kahit saan. Kung papasok ako sa CR, papasok din kaya sya? Kailan pa ako nagkaroon ng buntot?!
"Leave.Me.Alone." diniin ko talaga yung tatlong salita para maintindihan nya.
"Isang selfie lang naman eh. Damot mo!" ipapakain ko nalang kaya sa kanya yang selfie nya?
"What am I? A celebrity? Dun ka sa iba mag pa photograph!"
Umayos sya ng tayo at nag cross-arms. "Eh paki mo kung sayo ako magpapa picture. Pang My Day lang naman sa Messenger eh. Wag ka ng madamot!"
Kung paano ko ba natiis ang isang to mula kanina? I snapped my fingers into her face. "Kapag sinabi kong lubayan mo na ako, lumayo ka na agad."
"Tara na nga sa room! Mala-late tayo nyan eh!" aish. Nakalimutan ko, kaklase ko nga pala ang baliw na to.
Sumunod nalang ako sa kanya papunta sa classroom and not minding her chika's. As if I'm interested, tch. "Huy! Nakikinig ka ba?"
"Do I have to?" taas kilay kong sabi. Nasa harap na pala kami ng pinto sa classroom.
"Ang sabi ko, sila Bea kanina pa yan tingin ng tingin sayo."
Pagkasabi nya nun, agad kong tinignan ang tinuro nya at muli kong nakita ang mukha ng mga dati kong kaibigan. Sana pala hindi ko nalang sila tinignan. Kumulo lang ang dugo ko! "What's their problem hmm?" biglang sabi ni Crystal.
"Pasok na tayo." nakiki-usap kong boses.
Pinayagan ko nalang syang hatakin ako papasok kasi parang di parin ako natitinag sa tinatayuan ko. Gusto kong isa-isahin sila ng sampal! Mga walang hiya! Akala nyo nakalimutan ko na yung mga pinag-gagawa nyo ha?! Mga hayop! Magsama kayong lahat!! Di'bale naman dyan kayo magaling! Ang mang ahas ng di ko alam!
"Nevermind about them." matipid na sabi ni Crystal at umupo na sa tabi ko.
Tulala lang ako. Natulala sa biglaan kong pag galit sa mga mukhang nakita ko kanina. After sa nangyari noon? How dare them to ask me to bring back our friendship we have before. Why am I having friends with snakes?
Flashback
2 years ago..
My phone rang few times pero binabalewala ko, kasi inaantok pa ako. Pinaka ayaw ko sa lahat eh, yung dinidistorbo ako.
Instead na matulog ulit, may nag text sa akin so I decided to read it nalang. Baka kasi galing ito kay babe :)
Bryan: See you at Coffee Shop, 10:30.
Waeyo? Kagabi palang kami nagkita ah. Bakit gusto nya na namang makipagkita sa akin? Uh. Bryan Ong nga pala, boyfriend ko sya. Not just a boyfriend, but my childhood guy bestfriend.
Tumayo na ako atsaka bumaba sa kitchen to ask Ate some food. But instead na food ang kunin ko, yung gatas nalang ang iinomin ko. Umaga pa naman eh, pwede pang mag gatas. I grab one glass para lagyan ng gatas ko ng......ng bigla ito kumawala sa kamay ko at nabasag.
Kinabahan ako.....di ko alam, basta ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumakbo ako pabalik sa itaas at hinayaan ang yaya naming ligpitin ang nabasag ko doon. Ano bang nangyari? Bakit ba kabang-kaba ako ngayon?
I tried to forget that guts kahit na naliligo na ako. Pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Parang sinasaktan ako ng di alam ang dahilan.
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Teen FictionTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...