CHAPTER 20

118 3 0
                                        

-------------------
A/N: First of all, I wanna say 'HAPPY 20th CHAPTER! Yeeey! Kahit papano nakarating din tayo haha!

Hello po! Enjoy the updates!

And by the way, if you don't mind, add me on facebook--> Stephanie May Salipot and Smay Halls. Chika, you want?
-------------------

Rescue Team: Ara on Death

Zahara's POV

Isang imahe ng impyerno ang bumungad sa amin pagkapasok palang namin. I covered my mouth and nose with the wet towel at ganun din ginawa ni Crystal. Maraming usok dito sa loob at ang dami ding nakapasok na, na iba't ibang team at yung iba naman ay mga bombero.

A lot of victims are still asking for help lalo na't may nagbagsakan ng mga semento at kahit ano-anong bagay. Crystal immediately helped the woman with a child at sumenyas sa'kin na tutulongan nyang makalabas ang dalawang biktima. Tumango lang ako.

Since maraming mga rescuer ang nandito sa unang palapag, tumakbo ako patungo sa itaas dahil nakakasigurado akong may mga biktima pa dun. I didn't take off the towel on my mouth at higpitan ko ng hawak ang mga tuwalyang nasa isang kamay ko.

At kahit na basa ako, damang-dama ko parin ang init sa balat ko. Patuloy akong tumatakbo at nakasalubong ng ilang mga rescuer na may tinulongang victim ilabas. This is, amazing. Ito ang gusto ko.

Kailangan kong may ma-rescue para marami kaming points. I saw an old man na na-trap ng bumagsak na semento kaya nilapitan ko sya at itinulak ang sementong nakaharang para makuha ko sya. "Halika, tay. Ililigtas kita."

Ubo syang ng ubo dahil sa makapal na usok na siguradong nakakapatay and to let you know, matanda ang taong ito kaya mahina na ang baga. I give him one of the wet towel. "Okay ka lang, tay?" I asked.

"Medyo okay na ako, ineng. Tulongan mo akong ilabas, parang awa mo na."

"Tay, ilalabas kita dito. Relax lang po, tay ha?" sabi ko at inilalayan syang maglakad.

Nagsibagsakan na yung ibang parte ng gusali at marami na ding nagsisigawan dito sa ala-impyernong gusali. I whispered to myself "Everything will be fine."

Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun, basta ang alam ko, nakalabas na kami.

Agad kong tinungo si Rosyl na mukhang nakunan ng tinik ang hitsura at nakita ko ding may isang miyembro ng organizer ang nagbibilang sa mga nailigtas namin.

At higit pa nun, higit pa sa 20 na taong nasa area ng team namin kaya nanlaki ang mata ko. Ang dami na ata naming naisalba?

"Tay, siya po ang gagamot sa mga pasa mo. Iwan na kita dito." sabi ko sa matanda at nagpasalamat sya sa'kin.

Napatingin ako kay Rosyl na bitbit ang mga bulak at cream. "Aalis ka ulit?" tanong nya na puno ng pag-aalala. Her eyes are telling me that there's something bothering on her.

Kumuha ako ng mas marami pang face towel na basa and I think, si Rosyl ang naghanda nito. Inilagay ko ang iba sa bulsa ko at ang iba ay nasa kamay ko nagkukumpulan.

Tumango ako at tinapik sya sa balikat tapos ay tumakbo pabalik. Good job, team. Marami na kaming nailigtas. Sabi sa inyo eh, hindi talunan ang Arterio. Porke't second winner lang kami last year, hindi ibig sabihin non ay mahina kami.

Our representatives last year graduated last April. At ang dahilan ng pagkatalo nila ay ang pag-away away sa team nila habang sumabak sa competition dito sa Golden Triumph. And I think, hindi ko hahayaang mag-away away kaming mga baliw kasi nga, history repeats itself. And there's no way for me to deal with that.

I'm His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon