CHAPTER 8

132 5 0
                                    

Hell Cleaning Day


Zahara's POV

Kasama ko ngayon ang mga babaeng members sa Council. We didn't wear our uniform kasi nga, maglilinis lang din naman. With mask, gloves and things we need, papunta na kami sa Female's Comfort Room.

Anong klaseng mga taga gamit ba sila at bakit ang dumi dito sa cr? Yung iba pa hindi nag fa-flash ng pinag-gagamitan nila kaya bumabaho. Calling the saints, help us from this calvary. Lecheng mga users.

"This is unbelievable. Mga babae ba talaga ang gumagamit dito? Tsk tsk." sabi ni Rosyl Castro nang nakapasok na kami.

We disallowed the comfort room temporarily, kasi nga lilinisin namin. Pasalamat sila at maganda este! mabait kami. Kundi, mukha nila yung papalinisin namin dito. Isubsub sa bowl at ipakain ang hindi nila fina-flash. Oops, sounds gross.

"Nyemas! Mga burara!" sabay lagay nong mop sa floor na sabi ni Alexa. She's our batchmate also.

I sighed behind my mask. "Let's start the calvary."

Mabuti nalang at hindi mga maarte at walang nag-inarte sa amin. Kasi naging mas mabilis ang paglilinis namin dahil nagtulongan kaming 7 babae dito sa Cr. Nakakadiri man minsan, pero kinaya ko. Sino bang hindi nandidiri nyang mga sanitary napkins eh nasa mga sulok tinatapon?

What kind of humans are they? Pulos pagpapaganda lang ang inaatupag eh mga burara naman.

"Shit!" napamura ako ng malakas dahil sa nakita ko. Ipis.

Sa lahat ng insektong tinatakutan ko, ipis talaga ang nangunguna. URGGHHHH!!!!

Hindi ako makagalaw dahil sa takot, kahit nga ang pagtapak sa ipis na yan di ko kaya eh!

Hindi nagtagal at may umapak sa ipis na yun kaya namatay. "I didn't know you're afraid of cockroaches haha!"

"Whatever." sagot ko sa gitna ng pagtatawa ni Rosyl.

I continued from mopping at yung iba naman nililinis ang mga cubicle. Sa Cr pa nga lang eh parang mamamatay na kami sa paglinis. Paano na kaya sa iba pang task?

"This is miracle." biglang sambit ni Kaye sa gitna ng paglilinis. Tinignan namin sya kaya napahinto sya sa kanyang ginagawa.

"What do you mean?" napahinto din si Dara at nagtanong.

"First time in the history na kumilos ang presidente natin. Yah know, this activities never happens last year." and then Kaye continued her work. So do we.

Nakikinig na lang ako sa kanila kasi wala naman akong balak makisaw-saw sa usapan.

"Hindi ko rin alam kung anong nakain ni Nate eh." sabi ni Alexa.

"Busy kasi sya. Busy sa mga girltoys nya HAHAHA!" napatawa nalang din silang lahat sa sinabi ni Alexa. "But though he's like that, he's still my crush." napamura ako ng mahina sa isip ko dahil sa dinagdag nya.

Ganyan na ba talaga ka low ang standard nila para magustohan si Nate? There's nothing on him compared to that James Lawrence, his bestfriend and the Vice.

"Basta ako, loyal ako kay James. Yieeh!! Hahaha!" And I turned my face to that girl--Gliza Hermosa.

Saludo pa ako kay Gliza kasi atleast sya, may standard. Si James, mas responsable at may leadership compared to Nate. Magkaiba talaga silang dalawa. And I even don't know kung bakit nagkahamak na magkaibigan ang dalawang yan.

Tinapos na namin ang paglilinis at bago pa kami nakaalis sa lugar na yun, I posted 'CLOSE' at the door tsaka sinara yun. Bukas na yan bubuksan kapag parating na ang visitors. At kung may naiihi man or what, magtiis sila! Kung bakit ba kasi mga burara eh.

I'm His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon