-----------
A/N: I just wanna say thanks kay Iris Chu o mas kilala nating Ayreishu, author sa Leam University School for Mages, thank you for the book cover klasmeyt! Huhu na appreciate ko. Salamat talaga. Sa wakas, hindi na ako mangungulit sayo hahaha!
-----------Sick Demon
Zahara's POV
Napakalakas na tinig at hiyawan ang sumalubong sa'kin nang nakarating ako sa labas. I automatically dropped my jaw because of the people here outside.
Yung iba may hawak na watergun at nakikipag barilan kuno sa taong kaharap nya. Yung iba naman nagpapahiran ng cake icing sa kanilang mga mukha. Yung iba naghabul-habulan, yung iba naman, nagsitakbuhan pa dive dun sa swimming pool.
Can someone please explain what's going on?
Mukhang ang saya-saya ng mga tao. Agad na hinahanap ng mga mata ko ang mga taong paniguradong nakikipag baliwan na din tulad ng nangyari sa mga taong nasa harap ko ngayon. For pete's sake! Kahit isang katiting, walang naintindihan ang utak ko kung anong nangyayari sa Opening Program kuno.
"Waaaaah!! Piste! Ilayo nyo sa'kin yan! Hayop kayo!" isang pamilyar na boses mula sa likod ko.
Napalingon naman agad ako at nalaman na si Crystal ang sumisigaw habang tumatakbo at hinahabol ng tatlo bitbit ang mga maiitim na putek. What is this? A kids party?
Ang mga gago't gaga, hindi maintindihan ang mga hitsura. Parang mga sisiw na natutong magsalita ang hitsura nila. Talagang nag-eenjoy pa ha? Icing sa kanang pisngi, putek sa kaliwa. Tsaka ang basa ng hitsura nila, except nitong si Crystal na kasalukuyang hinahabol ng mga sirang zombie.
"Ahahaha!! Run for your life!" sigaw naman ni Rosyl na sumusunod kila Dwayne and Geo.
Minamasdan ko lang sila habang pabalik-balik na dumaan sa harap ko at nung time na ibabato na nila kay Crystal ang putek...
....isa....dalawa....tatlo....
Tatlong putek ang dumikit sa mukha ko and I closed my eyes in frustration.
"Uh-uh. Wrong move." narinig kong sabi ni Geo.
"Oh no! Wrong turn ang putek."-Rosyl.
"Guys, I think we need to--" Dwayne paused. "RUUUUN!" dugtong naman ni nerd kaya tumatakbo na sila palayo sa'kin.
Tumakbo na rin akong nakangisi sa kanila habang hawak na hawak ang nahablot kong whip cream sa mesang nasa gilid ko kanina. Lagot kayo sa'kin ngayon.
"Tang*na naman, Ara! Hindi ko sinasadya yuuuun~!!" halos mabakla na sya sa kakasigaw. Unang putek ang dumampo sa akin ay yung putek ni Geo. Lagot ka sa'kin bata ka.
I grabbed a watergun sa mesang nadaanan ko tsaka pinagpipisil yun at nang mabaril din ng tubig ang Rosyl na kanina pa baril ng baril sa'kin.
At dahil nadapa si Crystal, siya ang diniritso ko *smirked*.
"Litse ang ganda ng timing sa landing ko!" pagmamaktol nya. "Waaaah! Ara naman! Sila unahin mo!" HA! Wala ng pasensyahan to.
Sinenyasan ko si Rosyl na tulungan akong kaladkarin si Crystal at ginawa naman nya yun. Pagkarating namin sa gilid ng swimming pool, agad namin syang inihagis na parang basura at sa wakas! Nabasa na din si Crystal!
Pumapalakpak pa habang patalon-talon si Rosyl sa gilid dahil sa tuwa! And then a light bulb popped on my head, napa smirk ulit ako.
Itinulak ko din sya sa pool at habang pa-dive ang peg nya, ito namang si Crystal ay kaaahon palang din pala kaya ayun! Lumubog ulit sa tubig dahil sa pa-epal na katawan ni Rosyl.
BINABASA MO ANG
I'm His Property
Novela JuvenilTila parang impyerno ang buhay ni Zahara Evans nang nanatili siya dito sa mundo. Isa lamang ang gusto at hiling nya--ang mamatay. Lahat ng kanyang naranasan, paano nga bang hindi makapagsabi na "gusto ko ng mamatay"? Ngunit isang bagay ang kanyang p...