She's the Leader of the Fraternity

192 1 0
                                    

Chapter 1 (Introduction)

“Good Afternoon Class?”

*Everyone chattering*

“Ahem!!!”

*Everyone Look unto him*

“Hey guys, klase na natin.” mahinahong sabi ko sa mga High School Student.

*30 seconds staring to him and they all back talking to each other*

“Class please !!”sigaw  ko.

“Classmates!!” Sigaw ng bagong pasok na estudyanteng babae.

Lahat tumigil sa kakadaldal at umayos sa pag-upo.

“Pasensya na Sir?” Sabi ng estudyante.

Nakatingin lang ako sa estudyante.

“Hoy !, Kakaotalk” sigaw ng isang lalaking nasa bandang likod ng klase. Tumingin agad ang estudyanteng babae.

“Anung problema mo dyan nerdy !!” sigaw niya rin.

“Wag na tayong magklase para makauwi na kami.” Sigaw niya.

“Tss. Sabihin mo miss mo na Mama mo.” Sagot niya sabay tawa.

“Umm Sir magkaklase po ba tayo? First day of the class pa lang ngayon wag muna please.” Sabi ng isang estudyanteng babae sa bandang harapan.

Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng tuturuan ko ng sampung buwan. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

“Magpapakilala pa tayo sa isa’t isa at magkaklase na tayo, okay?” sabi ko..

“Owwwww” sabay sabay na sabi ng mga estudyante.

Tumingin ang estudyanteng babae sa mga classmates niya at tumingin sa akin.

“Sir, wag na lang hehehe” sabi niya.

“Okay sige. Pero hayaan niyo muna akong magpakilala at ipakilala niyo rin sarili niyo, okay lang ba?” sabi ko.

“Tapos uuwi na?” sabay na tanong ng mga estudyante habang nakangiti.

“Okay sige.” Sagot ko ng nakangisi.

“I am Sir Dylan Madrid” sabi ko.

“Sir….sir…sir…” sabay  ang mga estudyanteng magpakilala sa akin  para mauwi na sila.

“Wait lang !!!” sigaw ko habang nakataas pa ang kamay ko na parang nagsusurrender.

“Ako.” Sigaw ko.

“ang magtuturo kung sino ang magpapakilala, get it?” sabi ko.

Lahat sila nanahimik.

“Ikaw?” turo ko sa babaeng pumasok kanina na nasa bandang dulo na, nasa likuran niya yung lalaking tinawag siyang kakaotalk.

“What’s your name, Younglady?” tanong ko.

“Alexa” sabi niya habang nakangiti sa akin. Napatulala ako  sa sinabi niya. Bumalik ako sa sarili ko ng magsalita yung lalaking nasalikuran niya.

“Sir uwi na kami please.” Pagpupumilit niya.

“Nope. Im not yet done with all of you.” Sabi ko.

“Ikaw kasi, sabi ng uwi na kami eh di na nga kami nakikinig para umalis na siya.” Sabi niya na parang pabulong ngunit naririnig ko parin.

“Gusto mong ibitin kita pabaliktad o ihaharap ko na sayo si kamatayan?” seryosong tanong niya. Nanahimik naman agad ang binata.

“Good.” Sabi ni Alexa.

“May Frat ka lang kasi kaya maangas ka eh.” Sagot ng binata.

“Hey? What’s your name?” tanong ko sa binata.

“Russel po.” Sabi niya.

“Russel, di lahat ng may fraternity maangas o masama okay?” mahinahon kong sabi.

“Paano niyo naman nasabi eh di niyo nga nakakasama tong kakaotalk na to eh” sabi niya sabay turo kay Alexa.

“Hindi nga pero may kakilala ako na may Fraternity pero hindi siya Bad Influence tulad ng nasa mindset ng lahat ng tao.” Sabi ko.

“Talaga?” sabi namanng mga estudyante.

“Yup, She’s Actually the Leader of the Fraternity” I said.

“Uyyy… si Sir nagbablush.” Panunukso ng mga estudyante.

“Di ah” sabi ko naman pero I can feel it that I blushed.

“Kwento na yan” sabi pa nila.

“No ayoko” I said but I giggle so they all laugh.

“Sige na Sir di ba sabi mo pakilala tayo sa isa’t isa ito na pagkakataon.” Sabi ni Alexa

“Sige na Sir.” Sabi namanng mga iba pang estudyante.

“Okay sige” sabi ko.

“Yeheeeeyyyyy” sigaw nila.

“Ssshhhhhhh” sabi naman ni Russel na parang sobrang interesado.

“Okay,…” sabi ko sabay ngiti.

“Fourth year high school din ako nun tulad niyo. Second Quarter na ng School Year, mayroon kaming Fieldtrip. Eleven Pm ang call time namin pero 10 minutes na akong late ka patakbo akong pumunta sa bus namin. 5 ang bus number namin, kaya hinanap ko pa. Nang paakyat na ako sa bus, may babaeng bigla akong tinulak kaya nalaglag ako sa semento at may mga kasama pa siyang dalawang lalaki.”Sorry wrong bus” sabi niya habang tawa ng tawa at tumatakbo palabas ng bus namin. Nagkamot na lang ako ng ulo nun at pumasok. Nabigla ako dahil lahat ng upuan at pati ng mga estudyanteng naroroon ay punong puno ng ketsup.”anung nangyari dito?” tanung ko kay Kevin, friend ko siya eh.” Yung babae tapos yung dalawang lalaking kasama niya nagpasabok sila ng isang litro ng ketsup dito sa bus” sabi niiya. 30 mins ang hinintay naming para malinis uli ang bus namin at umalis na kami. Yun ang unang pagkakataon na Makita ko yung babaeng yun.

After two days, pauwi na ako naglalakad ako sa sidewalk ng biglang may bumangga sa akin. Sa sobrang lakas natumba ako ang napahiga sa akin yung bumangga sa akin, nang tignan ko kung sino, yung babaeng nagpasabog ng ketsup sa bus namin. Biglang kumulo ang dugo ko nun, nang akmang itutulak ko na siya, tumingin siya sa akin, 5 inches lang ang agwat ng mukha naming sa isa’t isa at bigla niya akong kinindatan. Natulala ako, di ko alam kung bakit pero, bigla siya tumayo at tumakbo na naman. Saka ko lang napansin na hinahabol pala siya ng limang lalaki. Di ko alam kung susundan ko siya o hindi eh. Kaya diretso na lang ako sa bahay.

She's the Leader of the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon