Chapter 20 ( She’s the naughtiest)
Pagbalik ko sa bahay, ininterview pa ako ng magaling ko “ATE”. Marami siyang tinanong sa akin na ayaw ko ng ikwento dahil nakakabored lang. After ng Question and Answer fortune, nagpalit na ako ng damit at dumiretso sa kwarto ko.
“Goodnight…Audrey.” Bulong ko sa sarili ko. Wait lang itext ko nga siya sandali.
*Hey…Are you still awake?”*
Sent to Audrey…..
After ng 30 minutes wala parin siyang reply kaya inilagay ko na lang ang cellphone ko sa table malapit sa kama ko. At bigla na lang tumunog ito, para akong ewan ng bigla akong tumayo at agad na dinampot ang cellphone ko. Si Audrey.
*Yeah..sorry…. I just take a shower.. why?*
*No, it’s okay.. I just want to say goodnight again and I love you*
Kinilig ako sa sarili kong text.
*I love you more Dylan*
Reply naman niya.
Kinabukasan, pumasok na ako sa klase ko at nag-aral. Yup, nag-aral na talaga ako. Seryoso ako nag-aral talaga ako. Oo nag-aral talaga ako. Sige na nga…lumulutang na naman ang isip ko kakaisip ko sa kanya. Mas excited akong pumunta sa mansyon, kung saan lagi ko siya makikita, gusto ko nang umalis sa school at pumunta kung nasaan man siya. Pero sigurado akong magagalit siya sa akin. Dahil priority niya ang pag-aaral naming lahat. Pagkalabas ko ng school ko ay nakita ko agad siya nakatayo sa pader. She’s so cute in any angle. Napatingin siya sa akin at gumuhit sa maganda niyang mukha ang napakatamis na ngiti.
“Hey…. Ang tagal mo.” bati niya.
“Sorry….gusto ko na ngang umalis kanina pa pero, ayaw naman ng teacher ko eh.” Sagot ko naman.
“Okay….” Sagot niya na nakangiti.
“I miss you.” Sabi niya na hindi nakatingin sa akin. I admitted I blushed.
“Me too.” Sagot ko, she slipped her hands to my arm down to my finger and she intertwined her soft fingers to mine.
“Kasama ko ang kapatid mo.” sabi niya, tumigil ako sa paglalakad at tumigil din siya.
“Ha?! Nasaan siya?” tanong ko.
“Sa mansyon, nagpaalam ako sa ate at Mama mo.” sagot niya.
Minadali ko siyang pumunta agad sa mansyon dahil baka mapaano pa ang kapatid kong si Daniel. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko pero, baka mapaano nga siya.
“Daniel!!!” sigaw ko pagdating naminsa mansyon.
“Kuya!!” sigaw niya din. Nakahinga ako nang maluwag ng nakita ko na siya.
“Kuya… ang saya saya dito naglaro kami ng hide and seek at natalo namin sila.” Sabi niya.
“Ummm talaga?” yun lang ang nasagot ko.
“Sali kayo ni ate ganda.” Anyaya niya. Wow ah ate ganda? Tumingin ako kay Audrey at nagkibit-balikat lang siya.
“Kids don’t lie.” Sabi ni Audrey.
“Sige na kuya sama ka na. Si kuya Sakai… magaling siyang magtago.” Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Sakai.