“ Dylan…” tawag sa akin ni Audrey habang siya’y nakatalikod sa akin.
“Ba-bakit?” utal kong sagot. As usal natatakot na naman ako.
“You can’t leave.” Sabi niya. Tumayo na siya at dumaan sa harap ko na parang hangin lang ako. I can’t leave? Sabi kanina pwede akong umalis kung gusto ko?
Pumunta ako sa Office niya pero wala siya doon kaya pumunta ako sa basketball court baka may nangyayari ng masama doon eh.
“DEATH members. Wala na si Jake dito.” Kalmado niyang sabi. Tumingin lang sila kay Audrey at lahat sila’y nagsitalunan sa bintana. Sila ba si Batman o Superman? Nakakalipad ba sila? O isa silang Vampire..Whatever.
“Rick. Dalhin mo si Dylan sa Detention.” Sabi niya. Okay di ito school pero bakit may detention?
“Okay.” Sabi ni Rick at hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad papunta impyerno este detention lang pala.
“Hey! Bakit niyo ba ginagawa ito?” sabi ko kay Rick. No answer. Ring ring ring? Sorry cannot be reach siya.
DETENTION
Payo ko lang sa inyo boys ah wag niyong e-understatement ang babae. Why? Kasi sila ay_____
“Audrey! Pakawalan mo ako dito! Promise magpapakabait na ako! Sasama na ako sa Fraternity niyo. Alam ko may hazing yun pero please ayaw ko nun mahal ko ang katawan ko Audrey please.” For your information kung bakit ako nagmamakaawa? Kasi nakatali ako ngayon sa upuan at sila ay may hawak na malaking pamalo. Kayo ba? Di kayo matatakot? Pwes kung hindi pumunta ka dito at palitan mo ako.
“Walang hazing,” Huh? Walang hazing yes! Mabubuhay pa ako.
“Talaga?” Tanong ko pa syempre iba na yung sigurado di ba?
“Yeh” sagot naman ni Audrey.
“Hayyy..naku buti naman kasi talagang natakot ako, teka bakit kayo may hawak na pamalo?” tanong ko pa.
“Ah. Ito ..props lang?” sabi ni Rick tsaka tumawa. Ohkayyyy ngayon ko lang siya nakitang tumawa. End of the world na ba?
“Sasali ka na di ba?” sabi sa akin ni Audrey.
“O-oo syempre.” Sabi ko
“Good, ito ang mga activity dito at schedule mo.” Sabi niya.
“Schedule?” nagtatakang sabi ko.
“Oo ito.” Sabi niya sabay abot sa akin ng isang papel.
“Certificate? 7am Jogging? 8am Breakfast? 8:30am School? 12nn Lunch. 4:30 Calltime? “ and blah..blah..blah
“Ano to?” sabi ko sabay turo sa papel.
“Binasa mo na nga di mo pa nagets?” sabi ni Audrey sabay irap, Arte.
“Schedule yan, yan ang gagawin mo Monday to Friday at ito naman,” may inabot na naman siyang papel.
“Para sa weekends.” Sabi niya sabay ngiti. Awwww so cute ay este scary.
“Karate class! Parkour? Review?, teka ano to?” sabi ko ulit oo na makulit na ako.
“Ang slow mo naman?” sabi ni Rick.
“Ahaha, tama ka.” Sabat naman ni James na kakarating lang.
“Hey?” bati ni Audrey.
“Oh?” sabi James na nakangiti.
“Ano balita sa kanila?” Seryosong tanong niya.
“Wala na, kinausap ko si Jake sa baba, di na daw nila uulitin. At di daw alam ni Keith ang ginawa nila.” Sagot niya.
“Good…” sabi niya sabay buntong hinga.
“Atleast ligtas pa rin tayo.” Sabi niya.
“Excuse me?” sabat ko kasi di na ako pansin dito eh, kwento ko kaya ito
“Ah oo nga pala James, si Dylan kasali na talaga siya.” Pag-iiba niya ng topic
Lahat sila tumingin sa akin na may twinkle twikle pa sa mga mata.
“Dylan Madrid Welcome to Alpha Theta Epsilon!!” sabi nila sa akin at nakipagshake hands sa akin. Ano kaya ibig sabihin nun?
“What’s the meaning of that words? Or phrase or whatsoever?” syempre curious din ako no?
“Alpha Theta Epsilon, Children of Athena or Athenians. Dahil di kami bad influence, nagbibigay kami ng magandang kinabukasan sa mga kabataan.” Paliwanag ni Audrey ng nakangiti.
“Halika dali!” sabi niya tapos kinaladkad niya ako papuntang fifth floor, bale rooftop nay un.
“WoOOOOOOooooooow!!!” yun lang nasabi ko grabe ang ganda dito, wait explain ko. Parang garden siya, na mukhang Park kasi may semento siya alam niyo yun parang ah basta may nage-skateboarding pa, may mahabang table. May mga nakaupo sa table at nagkukwentuhan habang kumakain ng nova’s, piattos etc.
“Tara doon tayo.”sabi ni Audrey at dinala niya ako sa gilid at umupo siya sa railings.
“Baka malaglag ka?!” sabi ko sa kanya.
“hindi okay lang ano ka ba kaya ko sarili ko. Kaya ko kayang talunin to ng di man lang nasasaktan.” Sabi pa niya. Astig.
“Yung nage-skateboard, yan si Steve. Basagulero siya dati, laging bagsak sa klase. Ilang beses na siyang nakulong dahil sa pagnanakaw pero nakakalaya din siya kasi underage pa siya. Yun naman, yung lalaking nagkikwento sa may table. Si Justine. Masayahin talaga yan, pero dati nambubully siya. May nagpakamatay na nga na lalaki dahil sa sobrang depress dahil sa mga pinaggagagawa niya eh. At ayon si Jane---“
“Ah kilala ko siya.” Pag interrupt ko.
“Trip lagi siya ng mga mean girls sa campus nila, kaya nagbalak siyang magpakamatay. Tatalon na dapat siya tulay pero—“ she faltered.
“Niligtas siya ni Jaz” oo nga pala kakamatay niya lang.
“Lahat kami dito mga patapon ang buhay, pero kinupkop kami ni Jaz. Nagbago kami di lang para sa sarili naman kundi para kay Jaz din. She helps us see the light.” Paliwanag pa niya.
“Eh…ikaw?” tanong ko sa kanya.
“Ako?....—“ sabi niya sabay tingin sa akin at turo sa sarili niya.
“Yeah?” sabi ko. Umiling lang siya.
“Complicated. Hirap ipaliwanag.” Sabi niya. Pilit siyang ngumiti, tumalon siya mula sa railings at tumakbo sa mga iba pang teenager.
“Tara…. Dylan!” sigaw niya.