Chapter 25 (In our memories)

18 0 0
                                    

Chapter 25 (In our memories)

Ilang buwan na ang nakakaraan nang mamatay si Audrey, hindi naman nakakabigla na marami ang nagluluksa para sa kanya, pero hindi ko lubos maisip na halos dalawang libo ang nakipaglibing, sabi nila tinulungan daw sila ni Audrey. Isang mabait, maganda at isang anghel si Audrey yun lagi ang bukang bibig nila. Si Johanna, Ana, Drey o Audrey. Kahit na anong tawag mo pa sa kanya, iisang tao pa rin siya. Dumating ang mga Grandparents ni Audrey, humingi sila ng tawad, si Heidi naman, inamin niya lahat ng mga kasalanan niya sa eulogy ni Audrey. Maraming naiinis sa kanya, buti na lang may guard sila kasi baka si Heidi na ang katabi ni Audrey sa puntod na ito.

“I will stop loving you if these eyes will never open again.” Yan ang sabi ni Audrey noon nang nasa loob siya ng kwarto ko. Sa katunayan, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Patay na siya kaya hindi na mumulat ang mata niya. Hayyyyy. Pero ganun pa man mahal ko pa rin siya. Kaya pala mahilig siya sa taas kasi isa siyang anghel, at alam kong siya ay nasa langit na, kasama ang mga katulad niyang anghel.

“I love You Johanna Audrey Valdez.” Sabi ko sa puntod ni Audrey.

“Magteteacher ako, kasi yun ang pangarap mo. Naintindihan ko na rin ang pakay mo dito sa mundo ang turuan akong magpahalaga sa mga tao sa paligid ko.” Kausap ko ngayon ang puntod niya. College na ako ngayon at Education ang kinuha ko.

“Ummmm hi?” bati sa akin ng isang babae.

“So? Ikaw si Dylan. Boyfriend ni Audrey.” Sabi pa niya. Humarap ako sa kanya.

“Ex. Ex boyfriend niya.” Sabi ko. Tumango-tango lang siya.

“Sino ka naman?” tanong ko sa kanya.

“Alexa.” Sagot niya. Teka?

“Kilala kita!!” turo ko sa kanya.

“Huh?” pagtataka niya.

“Ikaw yung sa ospital?”

“Huh?” sabi niya ulit.

“Yung----Yung…… 6 months na comatose? Di ba ikaw yun?” sabi ko habang inaalala ko yung babaeng tinuro sa akin ni Audrey noon na gusto niyang tulungan. Ngumiti siya sa akin.

“Tama ka ako nga yun.” Sabi niya.

“So sino ang donor mo.?” tanong ko sa kanya.

“Siya….” Turo niya sa puntod ni Audrey. Tumawa ako nang napakalakas.

“Si Audrey? Eh may sakit din yan sa puso eh.” Sabi ko sa kanya.

“Miracle Elan, miracle.” Sabi niya sa akin. Nakita ko ang repleksyon ni Audrey sa kanya.

“So you mean---“

“Yup. Si Ms. Audrey ang nagdonate ng heart. Nagulat din ang mga doctor lalo na ang Daddy niya nang malaman nilang normal at healthy ang heart ni Ms. Audrey.” Paliwanag niya sa akin.

“Dahil siguro sa mapagmahal siya.” Sabi ko na hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako. Teka? Tinawag niya akong Elan? Si Audrey lang ang tumatawag ng ganun sa akin ah? So it means…… yung puso ni Audrey mahal pa rin niya ako? Omy God!! I love you God. Thanks for the Miracle.

“Miss Alexa?” tawag ko sa kanya.

“Yeah?” tumingin siya sa akin.

“Pwede bang---“

Rinnnnnnggggggg…..Ringggggggg

Rick Calling….

“Excuse me lang.” sabi ko sa kanya.

“Hello Rick?”

(Yow. Dude punta ka dito sa mansyon…ngayon na.)

Call Ended.

“Miss Alexa…..kailangan ko ng umalis…ummmmm… I know this is so weird pero pwede pa ulit tayong magkita?” sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.

“Sige.” Sagot niya.

[ Doon ko nakilala ang mommy ni Audrey. Dahil kay Audrey nagkakilala kami, kaya Audrey ang pinangalan namin sa anak namin.

Ayeeeee kakakilig naman kayo Sir.

Excuse me. Elan? 7pm na?

Oh? Alexa. Sige sige aalis na tayo. Guys? See you tomorrow.

Bye Sir Dylan!!!]

She's the Leader of the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon