Chapter 24 ( The Ending)
Isang linggo na kami dito sa probinsya nila mama. Okay naman ang lahat, maliban nga lang sa pusokong nangungulila sa aking pinakamamahal, chos !. Wala pa rin akong balita sa kanya eh.
“Rick… gusto ko ng bumalik sa Manila.” Sabi ko sa kanya.
“Bakit? Miss mo na si Drey?” tanong niya, tumango na lang ako.
“Inlababo ka nga talaga tol.” Sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya.
“Tss. Ikaw talaga.” Sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya.
Isang araw, dalawang araw, hanggang umabot pa sa tatlong araw. Hindi ko na talaga kaya ito, gusto ko nang makita si Audrey. Laging Out of coverage yung cellphone niya. Pinipilit ko si Rick at James na samahan akong pumunta sa Manila, para malaman ang kalagayan ni Audrey at ni Drake, si Drake kasi ang kasama niya. Kailangan nga nilang ipagtanggol si Audrey di ba? Gusto ko ring protektahan si Audrey pero paano?
“Rick, James… sa ayaw at sa gusto niyo. Sasama kayo sa akin.” Sabi ko at kiladkad ko na sila.
“Saan tayo pupunta?” tanong nila.
“Sa Manila. Ayoko na, hindi ko kayang iwan ng mag-isa si Audrey dun.” Sabi ko. Pinipigilan nila ako, pati rin yung iba pinipigilan nila ako.
“Kuya Dylan…. Magagalit si Ate Audrey.” Sabi ni Fritz.
“Alam ko yun pero…pero…” naiyak na ako, ang bakla ko naman!
“Gabi-gabi na lang masama ang panaginip ko, tungkol lahat sa kanya, at puro napakasama pa. Hindi ko kayang…. Hindi ko kayang…. MAWALA SIYA SA AKIN. Ikamamatay ko.” Sabi ko at niyakap nila ako.
“Mahal din namin siya.” Sabi nila sa akin.
“Sige. Tara na Rick sasamahan natin siya.” Sabi ni James.
“Thanks man…” sabi ko sa kanya.
“Kailangan din namin siyang protektahan, yun ang pangako namin di ba?” sabi niya.
“Tara na nga..” sabi ni Rick na maiyak-iyak na.
Lumuyawas na kami nila Rick at James pabalik sa Manila. Kinakabahan ako, sobrang nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan ako. Sana walang masamang nangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Pagkatapos ng ilang oras na byahe, nakarating na rin kami sa terminal. Halos liparin ko ang kalsada makarating sa mansyon. Masyado akong masaya, dahil makikita ko na rin sa wakas si Audrey. Nakarating na kami sa harap ng mansyon. Napakatahimik, walang ilaw sa living room. Pumasok kami sa loob…..
“Audrey?!” tawag ko. Humakbang pa ako papasok, nang biglang may sumuntok sa tagiliran ko.
“Oof. Sinong—“ sinuntok na naman niya ako. Napatingin ako sa kinalulugaran nila James at Rick, nakahandusay sila sa sahig at hinihila sila ng mga lalaki. May sumuntok na naman sa akin at nawalan na ako ng malay.
-----
“Yeah… They aren’t yet…” nagising ako sa isang boses ng babae.
“Au-Audrey..” bigkas ko.
“No. Im Stacy, I’m Drake’s friend.” Sabi niya.
“Where are we?” tanong ko.
“ Underground.” Sagot niya. Inikot ko ang aking paningin, oo nga nasa underground kami, sa storage room.