Chapter 19 (Meet Family Madrid)
Dahil sa okay na si Mama, pinatawag ko na ang dalawang kapatid ko si Denise at si Daniel. Simula ng nagkanervous breakdown si Mama sa asawa ni Denise na tumira si Daniel, si Daniel ang bunso at si Denise naman ang panganay. Hindi ko tinatawag na ate si Denise kasi di naman siya mukhang ate sa akin eh, mas mukha siyang bunso namin sa attitude niya. Dumating na sila kahap pa kaya naman hindi ako nakapunta sa manson. Panay ang tawag ni Audrey sa cp ko pero hindi ko naman nasasagot dahil busy ako sa pag-aasikaso sa mga kapatid ko.
“Alis muna ako.” Paalam ko kay Denise.
“Saan ka namna pupunta?” tanong niya.
“Sa mga kaibigan ko.” Sagot ko.
“kailangan ka pa nagkaroon ng kaibigan?” tanong niya. Alam niya kasing loner ako sa school at hindi niya rin kilala si si kevin na kaibigan ko sa school.
“Marami akong kaibigan.” Sago ko naman.
“At girlfriend.” Masayang dugtong ni Mama.
“WHAT!! May girlfriend ka Dylan!” sigaw ni Denise.
“Pwede ba? Matanda na ako dapat lang na may girlfriend ako.” Di rin nila alam ang tungkol kay Casey, at ayokong ipaalam yun sa kanila.
“Hmmmmm… Ipakilala mo siya sa akin bukas.” Sabi niya at tumalikod na siya.
“Kuya…” malambing na sabi ni Daniel.
“Bakit..” sabi ko.
“Bilhan mo ako ngpasalubong ah?” sabi niya, seven years old pa lang si Daniel. Si Denise naman Twenty two at ako seventeen
“Oo naman.” Sagot ko.
Mabilis akong pumunta sa mansyon at agad naman hinanap si Audrey. As usual nasa office na naman niya pero masyadong awkward yata ang lahat. Umiiyak si Claire at si Steven, mukhang may masamang nangyari yata. Nakita ko rin ang kalungkutan ni Audrey sa mukha niya, mukhang seryoso ng ang lahat. Umalis muna ako doon at pumunta sa kitchen para kumain muna. Nakita ko si Rei, nakaupo siya sa lamesa.
“Yo.” Bati ko sa kanya.
“Hey!” bati niya rin.
“So kayo na talaga ni Audrey?” tanong niya.
“Yup. Balak ko na ngang ipakilala siya sa buong pamilya ko bukas eh.” Sabi ko at nasamid siya sa iniinom niya soda.
“Are you sure dude?” sabi niya. I nod.
“Why?” tanong ko.
“Wala lang, ang bata niyo pa kasi eh” sabi niya at tumawa siya.
“Teka may nangyari na ba sa inyo.” Seryosong tanong niya.
“No!” sagot ko.
“Dude? Really? Si Audrey ang girlfriend mo. and you didn’y make and second move?” he asked.
“Shut up.” Yun lang ang sinabi ko.
Lumabas na si Audrey sa office na at kasama niya sila Steve at Claire, Namumula ang mata nilang dalawa. Tumingin lang sa akin si Audrey, lalapit sana ako sa kanya pero tumingin siya sa akin, na ang ibig sabihin ay mamaya-na-lang-Dylan. So, I did. After makaalis ni Steve at Claire, lumapit ako kay Audrey.