Chapter 12 (Meet the evil)

15 0 0
                                    

Chapter 12 (Meet the evil)

Today, is Saturday. What’s new? I don’t know ? I feel something wrong today. Feels like something bad would happen today. I don’t want it. 9am pumunta ako sa Masyon, tahimik. Walang nag-iingay sa kitchen o sa rooftop, wala si Audrey sa Office niya. Sa music room naman wala dun ang F twins. Pumunta ako sa kitchen, nauhaw ako sa kakahanap ng mga tao dito.

“Bakit nandito ka?” tanong niyo kung sino? Natural si Drey.

“Masama ba?” tanong ko din sa kanya.

“Bakit walang tao?” pagtataka ko.

“ So, anong tawag mo sa akin, Goddess?” tanong din niya. Kapal.

“Alien ka! Alam mo yun.” Sabi ko naman sa kanya sabay tawa.

“Ha-ha-ha. Yan binili ko na yung joke mo masaya ka na?”sarkastikong sabi niya.

“Oo na diyosa ka na, diyosa ng mga alien.” Sabi ko sabay tawa ng malakas.

“ Tama na ang daldal, pumunta ka na sa library. You’re late.” Sabi niya, umirap pa. Naasar?

“Ano meron?” usisa ko pa.

“ Exam na sa Monday sitting pretty ka pa?” sabi niya.

“ Halika na nga.” Sabi niya at hinila niya ang kamay ko.

Pumunta kami sa Underground. Hindi siya literal na library, kasi mas mukha siyang computer shop. Maraming books pero marami ring computer, iilan lang ang nagbabasa ng libro. Si Steve di ko akalaing nag-aaral siya. Seryoso siya sa pagrereview. Lahat sila seryoso, wala man lang nag-uusap. Nang pumasok na kami ni Audrey tumingin silang lahat sa amin at bumalik ulit sa pagrereview. Wow naman. As usual lumapit si SakaEpal. May dala kasi kaming pagkain.

“ Guys.. meryenda muna kayo.” Sabi ni Drey.

“later….” Sagot nilang lahat.

“Ako gutom na ako” sabat ni SakaEpal.

“Sige ito kain ka muna.” Sabi ni Audrey at ibinigay niya yung pagkain. Nung nakaalis na si SakaEpal, tinanong ko si Audrey.

“Anong meron sa inyo ni SakaEpal. Ay este Sakai.” Tanong sa kanya. Curious lang.

“Bakit selos ka?” tanong naman niya.

“Hindi ah, curious lang.” sagot naman.

“You know what they say, curiousity killed the cat.” Sabi niya.

“Anong connect ko sa cat…” tanong ko.

“ Wala.” Tipid niyang sagot.

“Sige na kasi…” Pilit ko pa.

“Hmmmm….” Sabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

“ Secret…sasabihin ko lang KUNG,” sabi niya.

“Kung?” ulit ko.

“Kung makakapasa ka sa Exam mo.” Sabi niya.

“Kaya sige na magreview ka na..shooo.shoo.” pagtataboy niya sa akin.

“Key…”ginawa pa akong aso nito eh.

Nagreview kami hanggang 4:30. Wow grabe nadrain ata utak ah. Pero okay lang basta malaman ko ang katotohanan. Curiousity killed the cat well, not for me I’m a human. Hinatid ako ni Audrey. Oo hindi ako gentleman, ayaw niyang magpahatid eh.

She's the Leader of the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon