Chapter 13 ( Brokenhearted)
Pinasyal ko si Mama sa park para naman makalanghap siya ng sariwang hangin. Sa paggagala namin ni Mama may napansin akong dalawang tao. Si Audrey at Edward. Pero anung ginagawa nila dito. Siguro nagdedate. Tsk. Pero umiiyak silang dalawa, nakatingin lang si Audrey kay Edward habang tumutulo ang luha nito at si Edward ay nagsasalita na parang nagpapaliwanag. Yinakap ni Edward si Audrey pero nagmamaktol ito tinutulak niya palayo si Edward. Gusto ko sana lumapit, pero parang pangit naman nun, para akong tsimosa.
“Uwi na tayo Dylan.” Nanlaki ang mata ko nang marinig ko si Mama.
“Ma?” sambit ko.
“Sabi ko uwi na tayo.” Ulit niya.
“Sige.” Masayang sagot ko.
Masaya ako ngayon dahil nagsasalita na ulit si Mama. Pero medyo malungkot din dahil sa nakita ko. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? LQ? Ang labo naman. Teka sila na ba? Bakit di ko alam. Hayyy si Ed talaga nakakainis. Pero parang ayokong maging sila. Hindi naman sa nagseselos ako pero, 15 years ang agwat nila sa isa’t isa. My God. What a life. Pumunta ako sa Mansyon. Well, inaasahan ko na nga na wala si Audrey dun. Naghintay ako hanggang hapon pero kahit anino niya di ko nakita. Ano ba yan, so unfair naman, we’re friends dapat sabihin naman niya sa akin diba?
“O? Dylan. Problema mo?” Tanong ni Rick.
“Wala….” Sagot ko naman.
“Si—“ Audrey sabi ko sana pero inunahan na niya ako.
“Audrey?!. Pare may gusto ka ba sa kanya?” diretyahang tanong niya.
“Ha? Paano mo naman nasabi yan?” tanong ko din sa kanya.
“Wala pansin ko lang kasi, si Audrey lagi bukang bibig mo? Tapos parang nagseselos ka kay Sakai.” Sabi pa niya. As if naman.
“Huh?” sabi ko.
“Ah may ipapakita ako sayo, sigurado maiinlove ka pa dun.” Sabi niya sabay tawa.
“Ano naman yun?” pagtataka ko.
“Ito oh?” sabi niya sabay abot ng cp niya. Pictures pala ni Audrey.
“Pictures niya yan nung nasa kabilang Fraternity pa kami. Ang Awesome niya dyan grabe.” Sabi niya. Totoo nga. Nakablack sando siya, makapal na eyeliner, maraming earrings sa tenga apat yata? May piercing din siya sa kilay at ilong at red hair siya.
“Grabe…” sabi ko. Incredebly Hot. Yung ang matatawag ko dun. Tumawa lang si Rick sa reaksyon ko.
Ringgggg….Ringggg…
Ed Calling…
“Hello?” sagot ko.
“Pumunta ka dito sa bahay niyo, may sasabihin ako importante.” Sabi niya at binabaan niya na ako.
Umuwi agad ako kahit na gusto ko pangmaghintay kay Audrey at titigan ang mga old photos niya. Kahit na mukha siyang adik dun ang ganda niya parin. Ngayon ang itsura niya simple lang. Nakalugay ang buhok, laging nakauniform maliban nga lang pag weekends syempre.
“O? bakit?” bungad ko kay Ed, natuwang-tuwa after nung nakita ko sa park? Ngayon masaya siya?
“Dylan alam mo. ba kami ni Audrey ay---“ bago pa man niya ituloy ang sasabihin niya inunahan ko na siya.