Chapter 22 (New Ally)
“Guys…. Ito si Drake at ang mga kaibigan niya, narito sila para protektahan tayo. Hindi sila dito titira, kasi, simple lang, ayaw nila. Pero threat them as your closes friend, got it guys?” Sabi ni Audrey.
“Saan nilatayo poprotektahan?” tanong Arila.
“Ummmm basta.” Sabi ni Audrey at tumalikod na siya. Sumunod ako sa kanya sa paglalakad niya. I grabbed her arm.
“ to protect?” nagtatakang sabi ko sa kanya.
“Yeah..” sagot niya na di tumitigil sa paglalakad. Nakarating na kaming dalawa sa Office niya.
“Pero kanino?” sabi ko. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
“Kay Keith. Hayyyy…. Nang kasama ko pa kasi siya, nung ummm alam mo na…” sabi niya.
“Pumunta siya sa America, tinawagan ko si Drake nun para gumawa ng paraan para magtagal pa siya dun.” Dagdag niya.
“Anong ginawa ni Drake?” tanong ko.
“Dahil alam ni Keith na Ex ko si Drake, talagang kumukulo ang dugo ni Keith kay Drake. Kaya ang ginawa ni Drake nakipagpustuhan siya kay Keith. Ang pustahan syempre ako. Ang ganda ko eh.” Biro niya pero fake lang ang ngiting pinakita niya.
“And then yun nga….. Si Drake sinet up niya si Keith para makulong siya. At doon na ako nagkaroon ng kalayaan. Pero sabi ni Drake malapit na daw makalabas si Keith.” Sabi niya.
“Mahal mo pa ba siya?” Tanong ko sa kanya.
“Sino?” nagtatakang tanong niya.
“Si Drake.” Sagot ko.
“Hindi na,” sabi niya at ngumiti siya.
“Masaya ako kasi nakilala ko siya, parang si Jonathan nga rin siya eh. Nung time na naglayas ako sa bahay namin sa New York, doon ko siya nakilala. Sinakay niya ako sa kotse niya, sinama sa mga racing niya. Aminado ako na indulged na ako sa gawain naming yun kaya, ayon pinadala ako ni Mommy dito. Pero mas mabuti na sana na….” hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya.
“Na ano?” nacurious ako eh.
“Ah…wala wala. Ang problemahin natin ngayon ay yung kay Keith. Pupunta ako sa New York, para malaman kung nakalabas na ba siya.” Sabi niya. Ang daldal niya ngayon ah?
“Ha? Pupunta ka doon?” nabigla ako kasi mawawalay siya a akin.
“Hanggang kailan ka doon?” sabi ko pa. Natawa siya sa mg sinabi ko.
“Napapraning ka na di panga ako nakaalis eh.” Sabi niya
“Sobrang mahal kasi kita eh.” Sabi ko naman. Nagblushed naman siya sa sinabi ko.
“Ikaw tala----AHHHHHH……!!!!!!” di niya natapos ang sasabihin niya ng bigla niyang saktan ang sarili niya.
“Teka anong nangyayari sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“I----gasped----I’ll be---gasped---alright.” Sabi niya. Sinusumpong na naman siya ng sakit niya? Pero bakit akala ko okay na siya.
“Dadalhin kita sa Daddy mo.” sabi ko, narito na sila Ed sa Pilipinas.
“No……No please.” She begged.
“Pero—“
“I Said NO!” sigaw niya. Tumayo siya ng maayos at huminga ng malalim.
“Okay na ako.” Sabi niya.
“Kailangan ko ng umalis aasikasuhin ko pa ang mga papeles ko.” Sabi niya at ualis na siya na parang walang nagyaring masama sa kanya kani-kanina lang.
------
One month na yatang nasa New York si Audrey, sobrang namimiss ko na siya eh. Gusto kong lumipad at hanapin siya doon pero, sigurado baka ibitay niya ako ng patiwarik kapag nakita niya ako doon. Alam niyo naman ako under de saya pero oks na oks lang naman basta si Audrey hehehe. Kaming lahat sa mansyon ay nangungulila na kay Audrey.
“Sana may dala siyang chocolate.”—Rei.
“Oo, alam naman niya size ng paa natin di ba?” – Keir.
“Kahit damit lang okay na.” Mikahil.
“Bagong car… broombroom….”—Sam.
“Accessories.” Aril.
“New make up.” --- Claire.
“ Yeah make up…” Jane.
“New guitar from Taylor Swift.”---- Fritz.
“Or Album of Adam Lambert.” ----Frank.
“Pagkain….”--- Sakai.
“Girls…..” ---Rick.
“Books….” ---James.
“Ipad….”--- Mac.
“Skateboard.” ---Steve
“Souveniers..” ---Jun.
“Eyeglasses.”---Cjay.
“Hotdogs..” ---Lance.
“American girls…” ---Jay.
“Sweet candies…”---Justine.
“Non-fiction books…” ---Joseph.
“Sandwich….”---- John.
“I’m hungry…”---- Melvin.
“Oh…Audrey…”---- Gwapong Dylan….
“Te-teka…. Hindi naman siya DH di ba? Bakit parang itinuturing natin siyang domestic helper dun.” Sabi ko. Kasi naman eh puro pasalubong bukang bibig nila, hayyyy… ang pinakamamahal kong Audrey. Bumalik ka na nga.
“Hey guys…” isang malambing at mala-anghel na tinig ang bumighani sa aming atensyon, Ahem. Bakit naging makata na ako?
“Oh? Tititigan niyo na lang ba ako? Wala man lang bang Group hug dyan?” Sabi niya. Syepre hihindi ba ako? No way?!
“Audrey ko….” Sigaw ko habang papalapit pero inunahan nila ako.
“May chocolate ka bang dala? And blah blah blah….” Tsk. Kainis naman eh ! asan na yung hug ko.
“Wait guys… syempre may pasalubong ako pero mamaya ko na lang ibibigay okay. May mahalaga tayong pag-uusapan. At dapat nating paghandaan.” Muklhang masamang balita yata ang dala ni Audrey My loves. Pero wag mo. na gusto ko pa siyang makasama eh.