Chapter 2 (Encounter)

48 0 0
                                    

Chapter 2 ( Encounter)

Nasa Ospital ako nun, wala akong sakit, may dadalawin lang ako.” Ma?” mahinahon kong sabi. Si Mama pala ay may sakit, sakit sa puso(di literal) dahil patay na ang Papa ko kaya di niya nakayanan. Lagi siyang tulala at umiiyak, Si Dr. Edward Alonzo ang tumutulong sa akin sa pag-aaral at pagpapagamot kay Mama, kaibigan siya ng mga magulang ko.

“O? Dylan?” bati ni Ed sa likuran ko. Ayaw niya kong tawagin siyang doctor o tito o kahit ano Ed lang daw. Bata pa kasi siya eh 30 yrs old palang.

“Hi?” matamlay kung bati.

“May problem ka?” tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.

“Uwi na ako.” Sabi ko dahil ayoko ng makita si Mama na ganyan ang kalagayan. Nanghihina lang ako.

Naglalakad na ako sa Hallway ng may narinig akong sumisigaw.

“Ayoko! Lumayo kayo sa akin, di niyo ako maaabutan ng buhay!” sigaw niya sa mga nurse na humahabol sa kanya.

“Tsk. Kainis siya na naman.” Mahinang sabi ko sa sarili ko.

Dumaan siya sa harap ko at para siya ng Kotse na nagscreeech sa paghinto.

“Uy…..” Bati niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya pero di ako sumagot, wala ako sa mood para pagsayangan ng oras ng mga trip niya. Kaya umalis na ako.

Pagdating ko sa bahay, nagluto ako at natulog na.

Kinaumagahan.Matamlay pa rin ako. Puro buntong hininga na lang lumalabas sa bibig ko. Pumasok na ako sa School. Nag-aral, konting kwentuhan, kumain sa canteen at uuwi na. Super boring ng buhay ko noh? Ahahaha.

“Excuse me.” Sabi ng babaeng nasa likuran ko habang ako’y naglalakad.

“Nalaglag mo ata to” sabi niya sa akin at iniaabot ang asul na panyo.

“Ahh..Thanks” sabi ko  ng di man lang tumitingin sa babaeng nagabot sa akin ng panyo at nang akmang aalis na ako.

“Teka lang, san ka pupunta ngayon?” tanong niya habang hawak niya braso ko. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Maliit ang buhok niya na spiky. Natakot ako sa kanya kaya hinila ko ang braso ko.

“Pakialam mo?” matapang na sagot ko para matakot siya sa akin.

“Sumama ka sa akin.” Marahan na sabi niya.

“Bakit ako sasama sayo? Di kita Kilala ah!” sigaw ko sa kanya.

“Gusto mong sumama sa Fraternity?” Tanong niya sa akin. Nabigla ako at napaatras.

“Ba-bakit?” nanginginig kong sabi.

“Qualified ka eh” sabi niya na walang emosyon.

“Ayoko!” sabi ko sabay takbo.

“Teka, wag kang matakot.” Sabi niya.

“Uyy… look who’s here?” sabi ng boses sa likuran ko. Nakita ko ang Ekspresyon ng muka ng babae. Takot.

“Umalis ka na.” sabi niya at biglang napalitan ng galit ang kanina’y takot na ekspresyon niya.

Di naman ako nag-atubiling tumakbo. Oo sige na duwag na ako.

“Sandali,” sabi niya, humarap ako at iniabot niya sa akin ang cellphone niya.

“Bakit to?” tanong ko

“Tawagan mo si Audrey.” Sabi niya na parang nag-aalala.

“Bakit?” tanong ko uli. Tinignan ko yung mga lalaking palapit sa amin. Walo sila. Mag-isa lang si spiky hairgirl. At sa damit nila nakasulat ang salitang DEATH. Napalunok ako.

“Tawagan mo siya naiintindihan mo. Dylan?” sabi niya sa akin. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. Umalis na siya sa harapan ko at hinarap ang Walong lalaki. Tumakbo ako ng tumakbo, di ko alamkung saan ako hahanap ng tulong.

“Audrey.” Parang nageecho ang sinabi niya sa akin , ang pangalang “Audrey”

“Teka, di to pwede” sabi ko sa isip ko at tumakbo ulit pabalik doon sa babaeng spiky hairdo.

DUG DUG

DUG DUG

BLOOD…….

SHE’S LYING IN HER OWN BLOOD. Lumapit agad ako at tinignan kung humihinga pa siya, thank God she’s still conscious.

“Dadalhin kita sa Ospital” sabi ko sa kanya.

“Audrey….” Mahinang sabi niya.

“Ano!” tarantang tanong ko.

“Audrey..” sabi niya ulit.

“Mamaya na yang Audery na yan ang importante madala kita sa ospital.” Binuhat ko siya hanggang sa may nakita na akong Tricycle.

*Hospital*

Nasa labas lang ako ng E.R. ewan ko pero natatakot ako para sa babaeng yun eh. Napansin kong hawak ko parin ang cellphone niya. Tama si Audrey. Siguro kapatid.

*RING….RING…..RING……*

“Hallllooooooo….. Jaz!!” Hyper na sagot ng babaeng nasa kabilang linya.

“Ummm hindi si Jaz to” sagot ko.

“Sino to” seryosong tanong niya.

“Ummm Sam.. “ I Lied.

“Asan ka?” tanong niya.

“Sa *toot* Ospital” sagot ko.

“Sino” seryosong sabi niya.

“ Di ko alam” tarantang sagot ko.

“SABING SINNOOOOOO?!!!” sigaw niya.

“DEATH” yun lang nasabi ko dahil sa damit nila siguradong tama ang description na yun.

*toooot* *toooot*

Ibinaba na  niya. Naghintay ako sa ospital, After 10 mins lumabas na yung doctor.

“Umm doc?, How is she? “ tanong ko.

“Are you her relatives?” tanong niya. Umiling lang ako.

“Well, you need to call her relatives im sorry to say she can’t make it.” Sabi niya natulala lang ako dun. Nasa E.R pa rin kami, hinihintay ang pagpanaw niya. Pano ko tatawagan Family niya? Tama yung cellphone niya. Lumabas ako sa E.R para tawagan ang mga contacts niya ng may nakasalubong akong babae, duguan siya pero sa tingin ko wala siyang sugat nakahighschool Uniform pa siya. Pumasok siya sa E.R. Siya? Siya yung babaeng nagpasabog ng ketsup sa bus namin, bumangga sa akin, nang-inis sa akin sa Ospital. Siya ? si AUDREY!

She's the Leader of the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon