Chapter 8 ( PROUD TO BE MEMBER)

22 0 0
                                    

Chapter 8 ( PROUD TO BE MEMBER)

“ Okay guys….. malapit na ang exam kaya happy happy muna tayo, okay lang ba?” sabi ni Audrey. One month na akong member ng Alpha Theta Epsilon or ATE for short.

“Yehey….” Sigaw naman ang lahat.

“Sabi ni Founder maghiking daw tayo, para malayo tayo sa syudad at iwan lahat ng gadgets.” Paliwanag pa niya.

“Founder? Di ba ikaw ang Founder?” naguguluhan kong tanong.

“Nope. Ako, leader lang ako dito pero di ako ang founder. Si Mr. Chayil Williams. Siya ang nagpoprovide ng lahat pera, o mga bagay na kakailanganin natin sa pag-aaral.” Sabi niya. Okay mayroon pala kaming fairy god father? Ahaha

“Okay, ganito. Mag-prepare na kayo ng damit, posporo, pagkain. Bawal ang Cellphone, Mp3 player, Laptop etc.” sabi niya yun lang pala eh.

“Ummm Audrey?” sabi ni Frank.

“Yes?” kunot noong tanong ni Audrey.

“Pwedeng magdala ng guitar? Or any instrument?” tanong niya.

“Oo naman, pwedeng pwede.” Masayang sagot ni Audrey.

Si Frank ay music lover, siya yung taong di mabubuhay ng walang dalang instrument madami siyang alam na instrument na gamitin, name it. Pati ang kambal niyang si Fritz.

Next Day.

“Okay guys… tapos na naming icheck ang mga dala niyo, at may iba na matigas ang ulo at nagdala pa ng cellphone.” Sabi niya. She narrowed her eyes and look to Sakai. Keyyy…Epal lang.

Umakyat na kami sa Bundok, kinuha ni Audrey ang cellphone ni SakaEpal. Mga 45 minutes na kaming naglalakad or let me say umaakyat.

“Gutom na ako!!!” sigaw ni Steve.

“Okay sige… let’s make a camp here. Walang lalayo okay?” sabi ni Audrey.

“Hey guys!!!” sigaw ni Mac. Isang super duper geek but slight cool.

“Look at this.” With full amusement.

“What was it buddy?” sabi ni Rick.

“Bees” Yun lang naman pala eh.

After ilang minutes tumayo na kami at nagsimula uli kaming maglakad paakyat sa bundok. After 1 hour nakarating na rin kami sa tuktok. Sulit naman kasi sa view eh. Tapos bigla na lang sumama ang panahon. Kumulog na malakas ang nagtilian sila Jane, Claire, Arila at Fritz maliban lang kay Audrey. Ang awesome niya di man lang natakot.

“ Okay Guys…Kailangan na nating bumaba baka kasi tamaan tayo ng kidlat dito eh.” Naglalakad na kami pababa ng bundok nang bigalng umulan  ng malakas.

“Bilisan niyo, tumakbo na kayo, kailangan nating makahanap ng masisilungan. Go! Go!.” Utos niya.

“Ahhhhh!!!!!!” sigaw ni Fritz. Pagtingin ko may baboy ramong humahabol sa mga kasama naming nauna sa pagbaba.

“Akyat sa puno!!” sigaw ko sa kanila para di sila saktan ng baboy ramo. Nakaakyat na ang lahat maliban sa akin, si Audrey na pilit na pinapaakyat si Frank sa puno pero di niya maiwan si Fritz na hinahabol parin ng baboy ramo. Tumakbo ako papunta kay Fritz, umiiyak na siya sa sobrang takot.

She's the Leader of the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon