Chapter 9 ( WHO?)
“Hi, Ma…miss me? Lalabas ka na raw sabi ni Ed. Good News yun di ba?” hay kausap ko na naman si Mama pero di pa rin siya umiimik.
“Labas muna ako Ma.” Paalam ko.
“Hi Ed, What’s up?” bati ko kay Ed na nakasalubong ko sa hallway.
“O!, you look happy ah? Mukhang good mood ka ngayon?” sabi niya nang nakangiti.
“Wala lang masama bang maging masaya?” sabi ko naman sa kanya pero totoo masaya ako ngayon after naming mag-usap ni Audrey kahapon sa Old house na yun.
“Hindi nama—“
“Hi, Elan?” huh? Si Audrey? Andito sa ospital. Ahem.
“H-hello? Bakit ka andito?” tanong ko sa kanya.
“Wala may dinalaw lang, ikaw?” pagbabalik niya sa akin ng tanong.
“Ahh,, dinalaw ko din Mama ko.” Kinwento ko sa kanya yung tungkol kay Mama di naman niya ako ininterrupt tango lang siya ng tango.
“AHEM!!!” ay. Andito pa pala si Ed.
“Ay, Oo nga pala ito si Edward. Doctor siya dito. Siya rin ang Doctor ni Mama.” Pagpapakilala ko kay Ed na kanina pa nakatulala kay Audrey.
“Audrey…” sabi ni Audrey sabay lahad ng palad niya para makipagshakehands kay Ed.
“Ed na lang tawag mo sa akin.”sabi naman ni Ed. What’s the matter with him?
“Hmmm…Edward na lang mas gwapong pakinggan.” Sabi naman ni Audrey. Hey! Are they flirting with each other? I think Audrey was only 15 and Ed was 30….. Age doesn’t matter? NO!No!NOOOO!!!!
“Oh! I gotta go.” Paalam ni Audrey.
“Kita na lang tayo sa Tambayan Elan. And Edward nice to meet ya!” sabi ni Audrey.
“She’s pretty…” sabi ni Ed habang pinagmamasdan si Audrey paalis.
“Yeah, I know.” Sabi ko na nakatingin din ka Audrey.
“and gorgeous..” sabi pa niya.
“Uh-ha?” sabi ko din
“And Awesome..” sabi pa niya.
“Yeah she’s—teka?” sabi ko ng nakabalik na ako sa katinuan ko.
“Dylan!” sabi niya.
“What?” iritang sabi ko.
“I need favor?” sabi niya.
“What is it?” sabi ko habang papasok uli sa kwarto ni Mama.
“I need her cellphone number,” sabi niya. Lumabas ulit ako para harapin siya.
“WHAT!!!” sigaw ko. Napatingin naman yung mga ibang tao.
“I like her.” He said absently
“But-she’s----you were—“
“What? Im too old for her?” sabi niya.
“Okay. Pero wala pa akong number niya.” Sabi ko. Oo nga no? bakit wala akong number niya.