Chapter 14 (Freedom)
Tinawagan ko si Ed, para makapag-usap sila ng Mommy ni Audrey. Well, sampalan at sigawan ang nangyari. Nang medyo maayos na ang kalagayan nila nagstart na ako
“So si Audrey talaga ay produkto ng pre-marital sex right?” sabi ko sa dalawa.
“Oo,” sagot ni Ed.
“Sabihin mo nga paano napasama si Audrey sa Fraternity.” I tell the detail I’ve known.
“And then she became the leader of Alpha Theta Epsilon. She take care of 4 girls ang may be 16 boys?” pagtatapos ko.
“What?” sigaw nila.
“What do you mean what?” sabi ko.
“How can she manage to take care of 21 or more teenagers? And being the leader of that fraternity…..she’s like digging a grave for herself.” Sabi ng Mommy niya.
“Because she never felt to have a family, she want to give those lost souls those things she never had. A family.” Nagkatinginan naman sila.
“ I understand…” sabi ng Mommy niya.
“I’ve never treat her right.” At ayun they learned from their mistakes, nagkaayos na sila ni Ed at pilit nilang kinakausap si Audrey pero nagmatigas si Audrey. Humingi siya ng kapalit ng kapatawaran nila. Yun ay Freedom.
-------
“Audrey…sorry….di ko talaga sinasadya eh.” Sabi ni Claire. Andito palang ako sa labas ng Office ni Audrey nang marinig ko ang pag-uusap nila.
“No it’s okay… hahanap tayo nang paraaan para sa bata.” Sabi ni Audrey.
“BATA?” sabi ko ng pagpasok ko.
“Eavesdropping…” she narrowed her eyes. I like it.
“ Sorry..” sabi ko.
“Labas ka muna, Claire. Kausapin mo si Steve huh?” sabi ni Audrey. Nang makaalis na si Claire, lumapit si Audrey sa akin at binatukan ako. Sinabi niya na buntis si Claire at si Steve ang ama. Di obvious na sila ah.
“So anung problema?” tanong ko.
“Alam mo…wag kang mag-isip di bagay sayo eh.” Pang-aasar niya.
“What?” seryosong sabi ko.
“Wala…alis muna ako.” Paalam niya.
“saan ka pupunta?” tanong ko.
“sa Hospital.”sagot niya.
“Bakit may masakit ba sayo?” pag-aalala ko.
“Wala.. may dadalawin lang ako.” Sabi niya.
“Sino?”
“Boyfriend ko!” sabi niya.
“Hoy?!!!! Ako boyfriend mo ah?” sabi ko sa kanya.
“Bakit nanligaw ka ba? Sinagot na ba kita?” sabi niya.
“Ang daya naman nito..nagpaalam naman ako sa Daddy mo ah?” sabi ko.
“O? di siya na lang Girlfriend mo.” Sabi niya sabay tawa. Hayyyy namiss ko yan.
Pumunta kami sa ospital, kung saan ko siya nakita dati, kung saan niya nakilala si Ed. Pumasok kami sa isang kwarto at una kung nakita si Sakai. Tss. Pero hindi siya ang nakaconfine yung bata. Wawa naman sana yung Sakai lang.Jk
“Hi?” bati ni Audrey sa bata. Nagsign language lang siya. At hindi na ako makarelate kasi di ko naman naiintidindihan. Tss. Tss. Sa Summer nga mag-eenroll ako sa ganyang summer class. After ilang hour umalis na kami sa kwarto ni Siejji. Pangalan nung bata. Naglakad kami sa hallway ni Audrey. HHWW. Tumigil siya sa harap ng isang ICU.
“6 months na siya dito.” Sabi ni Audrey.
“Kilala mo.?” Tanong ko. Umiling lang siya.
“How did you know?” tanong ko pa.
“Narinig ko sa mga nurse.” Sabi niya at nagpatuloy na siyang maglakad.
“ Gusto ko siyang tulungan.” Sabi pa niya.
“Ano ba ng sakit niya?” sabi ko.
“Heart failure, kailangan niya ng donor.” Sabi niya. Binatukan ko siya nang mahina.
“Ow!” sabi niya sabay himas sa ulo niya.
“Problema mo?” Tanong niya.
“Ikaw nga may heart disease, tapos magdodonate ka ng puso? Ilang puso meron ka? Sampu?” sarkastikong sabi ko.
“Ha-ha-ha. Porket tutulong idodonate ko kaagad puso ko? Naghahanap ako ng donor niya.” Seryosong sabi niya. She narrowed her eyes.
“At sa gabi naghahanap ako ng mabibiktima. Rawrrrr.” Sabi niya.
“Ha-ha-ha nakakatawa.” Sarkastikong sabi ko.
Nakabalik na kami sa mansyon, si Claire at Steve nasa living room, seryoso ang pinag-uusapan. Tss. Bakit kasi eh. Makausap nga si Steve, later.
“Hayyyyy naku…” buntong hininga na naman ni Audrey.
“Ano na naman problema mo?” tanong ko.
“Si Mom at Dad..” panimula niya.
“Magpapakasal.”
“What?!” sigaw ko sa pagkabigla.
“O? bakit ka nabigla?” tanong niya.
“Si-sila? Mag-magpapakasala?!” sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Don’t tell me. Tututol ka?” tanong niya.
“No!” sigaw ko. Ngumiti siya.
“O? bakit ka nakangiti?” tanong ko, kasi nakakatakot ang ngiti niya. Naalala ko tuloy yung sinabi kanina, maghahanap daw siya ng biktima.
“Wala….” She smirked.
“ It’s good to be free.” Sabi niya.
“Huh?” sabi ko.
“Walang parallel parking..YES!!!!” sigaw niya.
“Huh? Yun lang?” sabi ko.
“What do you mean? Mahirap kaya yun.” Sabi niya. Natawa ako.
“Kaya mong umakyat sa pader. Kaya mong mangbugbog ng lalaking mukhang bouncer. Kaya mong alagaan ang more 21 teenagers. Kaya mong patinuin kahit yung masamang tao dito. Tapos takot ka lang sa parallel parking!” pang-aasar ko.
“Tss.” Yun lang sabi niya tapos nag-walk-out na. Naasar.