CHAPTER 23 ( The plan)
[ Excuse me po Sir Madrid, pero 6pm na po kailangan na pong isarado ang classroom na ito.
Huh? Ganun ba? O sige sige.
Sir wag mo na di pa tapos yung kwento mo eh.
Sorry guys pero ako ang mapapagalitan dito eh.
Sir---- Please!!!
Ahahaha Sir, mukhang maganda ang kwentuhan niyo ah, sige sige. Hindi ko muna isasarado ito sa isang kundisyon….
Ano yun Manong….
Pwede makinig din ako?
Ahahaha Ummmm sige.]
Ang unang plano ni Audrey ay magtago kaming lahat, lumayo. Yun ang gusto niya lang, pero lahat kami hindi pumayag, ano siya magsusuicide! Second na plano, magtago uli kami sa underground, like duh ! di kami masyadong brave tulad niya pero di naman kami sobrang takot sa Keith and Friends ahahah parang Barney and Friends lang or Lotlot and Friends, Whatever! Kaya ang napagdesisyunan namin walang aalis. Yun ay labag sa loob ni Audrey, pero pamilya kami di ba? Dapat protektahan namin ang isa’t isa.
“So…. Okay ka lang ba?” tanong ko kay Audrey. Nasa park kami ngayon, sobrnag nai-stress na siya kakaisip sa lahat ng members, ayaw niya daw na may mapahamak sa amin.
“Dylan….. please makinig naman kayo sa akin. Kasi---“ bago pa niya maituloy ang sasabihin niya pinutol ko na.
“Audrey--- tama na. Masyado ka ng selfless eh, isipin mo naman sarili mo. Alam ko mahal mo kaming lahat mahal ka rin namin kaya ayaw ka naming mapahamak, lalabanan natin si Keith ng sama-sama.” Sabi ko sa kanya.
“Diko kasi kakayanin na may mapahamak kahit isa sa inyo eh.” Sabi niya, malapit na siyang maluha.
“I know. Pero Audrey..bigyan mo kami ng pagkakataon na ikaw naman ang protektahan namin, na ikaw naman ang pagsilbihan namin.” Tuluyan ng pumatak ang luhang pinipigilan niya. Niyakap ko siya at humagulhol na siya.
“This is my fault, kung wala ako hindi kayo mapapahamak.” Sabi niya.
“Shhhhh…. Wala kang kasalanan, All things happen for a reason right? Malalagpasan din natin ito.” Sabi ko sa kanya.
-----
Sa sobrang depression na nararamdaman ni Audrey, nanatili na lang siya lagi sa music room. Kasama niya lagi si Fritz at Frank. Tinutugtugan nila si Audrey ng piano para kumalma ito. Kahit ngumiti siya sa harapan namin, alam naming peke lang yun, sa totoo lang gusto ko na ayaw kong gawin yung utos niya pero, mahal na mahal ko siya na kahit buhay ko itataya ko para lang sa kanya. Siya lang ang minahal ko ng ganito, siguro dahil hindi niya minamahal ang sarili niya kaya ako na lamang ang nagmahal sa kanya.
Sa pagkakatulala ni Audrey, binasag ko ang manipis na salaming nagtatago ng totoo niyang repleksyon, kalungkutan, at ayoko na siyang makitang ganyan. Masakit man sa akin pero kailangan ko nang gawin, mahal ko siya pero, mas mahal niya kami. Ayokong mawala siya sa akin………. Nang panghabang-buhay.
“Audrey?” tawag ko sa kanya, humarap siya sa akin.
“Oo, pumapayag na ako. Dadalhin ko sila sa probinsya nila mama. Pero sana Audrey, hindi ito ang bagay na pagsisisihan kong gagawin ko.” Ngumiti siya sa akin kasabay ang mga luhang nag-uunahan sa pisngi niya.