Chapter 15 ( Just Let Her Go)
Tan-tan-tanan Ta-tan-na-nan… Si Ed ay ikakasal palang sa Mommy ni Audrey. So good to be true na talaga. Mahal naman pala nila ang isa’t isa tumakas lang itong si Ed dahil akala niya di niya kayang panindigan ang Mommy ni Drey, pero ngayon, handa na silang dalawa. Okay na rin kay Audrey ang lahat basta daw payagan siyang gawin lahat ng gusto niya. Wala namang nagawa ang Mommy at Daddy niya kunti umoo na lang.
“Audrey..” bulong ko sa kanya. Natapos na ang kasal ng magulang niya at narito kami sa bahay nila para magpaalam para sa honeymoon nila.
“Hmmmm…” humarap siya sa akin. May nakasubo pang lollipop sa bibig niya, inalis niya muna bago siya sumagot.
“Bakit..” sabi niya.
“Ahh…eh…” I stammered.
“ANo nga?” pilit niya. Sinubo niya ulit yung lollipop niya.
“Ummmm pahingi ng lollipop.” Sabi ko at kinuha ko yung lollipop sa bibig niya at sinubo.
“What the!!!” medyo napikon yata siya sa ginawa ko.
“O!” sabi ko at ibinabalik ko sa kanya yung lollipop.
“Ayoko na yan…” sabi niya.
“Kinagatan mo na eh…” dugtong niya.
“Damot…” sabi ko at pumunta ako kay Ed.
“Ed..” sabi ko.
“O?” sabi niya na nakakunot ang noo.
“yung anak mo madamot, turuan mo ngang maging mapagbigay.” Sabi ko at humarap ako sa kanya.
“ Who’s madamot? Me? O c’mon.” maarteng sabi niya.
“Oh dear? You sound like Heidi.” Sabi ng Mommy niya.
“What?! No.no.no I would never be like her.” Sagot niya. Anong nangyayari sa kanya?
Umalis na ang magulang niya after naming magpaalam, lilipad sila papuntang Paris. Parang bagong kasal talaga ah. Kasama ko na naman si Audrey. Pupunta kami sa……teka? San pala kami pupunta?
“Drey? San tayo pupunta?” tanong ko.
“Ha? Ah ewan eh..” sagot niya.
“Anong nangyayari sayo?” tanong ko ulit.
“Wala….” Sabi niya at bumuntong hininga siya.
“Yan na naman yang buntong hininga mo eh.”sabi ko.
“So, masamang huminga?” sabi niya.
“Hindi naman, ano ba kasi problema mo. Ang sungit mo eh. Meron ka?” tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya.
“O?” sabi ko.
“Hindi….” Sabi niya na naiinis na naman.
“Ehh ano nga.”
“Kasi si Mommy at Daddy..” sabi niya. Para siyang bata, teka? Nagtatantrum siya?
“Ahhh….alam ko na. Natatakot kang magkaroon ng kapatid noh?” sabi ko sa kanya. She rolled her eyes.