AUTHOR's POV
Dismayadong dismayado si Yves nang wala siyang madatnan na Yasmin sa cafe. Naka tanggap kasi siya ng tawag sa Investigator niya na na- track nila ang phone ni Yasmin. Sinubukan ulit nila iyong i- track pero naka off na ang phone nito.
"Don't worry, mahahanap din natin siya." Sabi ni Michael at tinapik sa balikat si Yves.
"I hope so." Sabi ni Yves.
"Let's have a drink?" Michael asked and tumango na lamang si Yves.
Pumasok sila sa bar at sumalubong sakanila ang malakas na sounds ng DJ at ang hiyawan ng mga tao.
Umorder si Michael at binigyan si Yves.
"Bakit ba ganun?" Tanong ni Yves. Kumunot ang noo ni Michael.
"Anong ganun?" Tanong niya pabalik.
"Kung kailan napa mahal sayo ang isang tao, tsaka pa mawawala sayo. Psh! Panandaliang saya Puta!" Inis na sabi ni Yves. Tiningnan ni Michael si Yves ng mariin. Umiling ito.
"Lasing ka na ba? Hindi pa tayo nakaka isang bote oh. Wala pa ngang pangalawang baso eh." Sabi bi Michael ngunit tiningnan siya ng masama ni Yves.
"Psh. Hindi ako lasing." Sabi niya at nilagok ang alak sa baso niya. Nag salin pa siya at nilagok ulit iyon. Pero nang maubos niya ang laman ng pangalawang baso, sa bote na siya mismong uminom.
"Wag ka ngang mag salita ng kung ano. Babalik si Yasmin. Pangmatagalang saya na kapag bumalik siya." Sabi ni Michael.
Inilabas ni Michael ang phone niya. Tinawagan niya si Skyler.
"Tawagan mo ang iba. Let's have a drink here. Yung bar na malapit sa cafe. Boys only." Sabi nito at ibinaba na ang tawag.
Makalipas ang ilang mga minuto ay naka dalawang bote na si Yves.
"Hinay hinay lang Yves." Sabi nito at tumango si Yves.
Tumayo si Yves at napa atras. Nabunggo niya ang isang babae na may kasamang lalake.
"Ouch!" Sabi ng babae. Tumingin siya kay Yves.
"Ano ba?! Tinitingnan mo ba ang dinadaanan mo?!" Sigaw ng lalake.
"Sorry Miss." Pagpapa umanhin ni Yves. Tumango ang babae.
"Ayos lang. Sige Umalis ka na." Sabi ng babae.
"Hindi yon maayos! Nasaktan ka!" Sabi ng lalake sa babae at bumaling kay Yves.
"Sa susunod, tingnan mo yang dinadaanan mo! Akala mo kung sino!" Sigaw ng lalake. Salubong ang kilay na tumayo si Michael.
"Ano ba Pre? Nag sorry na itong kaibigan ko. Pwede mo naman siyang kausapin ng mabuti! Wag mong sigawan!" Sabi ni Michael at napa ngisi ang lalake.
"Eh gago ka pala eh! Bungguin ko kaya girlfriend mo?! Anong mararamdaman mo?!"
"Kung anong desisyon ng girlfriend ko, irerespeto ko." Seryosong sabi ni Michael. Humalakhak ang lalake.
"Girlfriend? O kalandian?" Nakaramdam ng inis si Michael.
'Alam ba nitong lalakeng ito ang sinasabi niya?!' Naisip ni Michael.
"Matatawag mo bang landian ang 2 years na pagsa sama?" Tanong ni Michael at ngumisi ang lalake.
"Baka friends with benefits?" Nang aasar na tanong ng lalake. Napa pikit ng mariin si Michael.
"Gago! Hindi ako kagaya mong kating kati na gago! Nirerespeto ko ang girlfriend ko!" Galit na sabi ni Michael. Naka agaw sila ng atensyon kaya medyo humina ang ingay.
BINABASA MO ANG
Searching For The Mafia Heiress
ActionWhat if the one you've been searching for is already in front of you but you have no idea? @Roseeeeeyyyy Hey It's Roseeey