73~

3.5K 63 0
                                    

YASMIN's POV

Pagkagising ko ay ang sakit sakit ng katawan ko. Parang hindi ko kakayaning bumangon dahil konting galaw ko lang ay kumikirot ang bawat sugat at pasa na natamo ko.

Papatayin ko kayo, mga demonyo kayo!

Putangina! Ang sakit! Pilit akong bumangon at saka nagtungo sa banyo para maligo. 

"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ko dahil sa biglang sumakit ang mga pasa at sugat ko sa katawan nang dumampi ang tubig sa katawan ko.

"Yah! ARE YOU OKAY?!" Rinig kong sigaw ni Ajax. Hindi ko siya pinansin.

Huminga ako ng malalim at tiniis na lamang ang mga sakit na nararamdaman ko.

---

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napangisi ako at nakaramdam ng matinding galit. 

Walang pasa sa mukha ko, parang normal lang. Pero sa katawan ko? Punong puno, madami. Pero may pasa akong nangingitim na, sa tagiliran, pinalo kasi nung lalakeng yun ng pagkalakas lakas at ilang ulit ang tagiliran ko! 

Nahirapan pa akong maghanap ng isusuot ko dahil kapag nasasagi ang mga sugat ko ay kumikirot ito.

Pinahiraman ako ni Ajax ng hoodie niya. Medyo malaki iyon sakin, pero sapat na para matakpan lahat ng sugat ko sa kamay, tsaka hindi masyadong nasasagi yung mga pasa at sugat ko. Nakasuot din ako ng denim jeans at sneakers.

Sana maayos yung paglalakad ko mamaya, ayaw kong mag-aalala sila, siya.

I sighed and kinuha ang bag ko sa kama. Shorts lang laman nitong bag ko dahil may P.E. kami. Hindi ako sasama sa activity dahil tatambad ang mga pasa ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at naglakad pababa ng hagdan. 

Whooo! Masakit pero kakayanin!

Inilinga ko pa ang paningin ko at wala pa si Yves. 

"Wag mong sasabihin kay Yves." Sabi ko kay Ajax at bumuntong hininga siya. Umupo ako para kumain.

"Sasabihin ko sakanya, don't worry." Sabi ko at tumango siya. Nagsimula na kaming kumain. 

"Sinong gumawa niyan sayo? At least, say it to me. Para hindi ako binabagabag. Someone knocked outside in the middle of the night and I saw you there! Lying! Walang malay!" Galit na sabi niya at napabuntong hininga ako. 

"Please." Pagmamakaawa ko at bumukas ang pinto. 

"Good Morning, Wifey!" Ngumiti ako sakanya. 

"Good Morning din." Umupo siya sa harap ko at tumingin kay Ajax. 

"What happened? Narinig kong sumisigaw si Ajax." Kinakabahan ako sa isasagot niya!

"Psh. Pinapagalitan ko yang girlfriend mo, napakatigas kasi ng ulo! Hindi nagiingat, n-nadapa!" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. 

"Oh? Ayos ka lang ba? Hindi ba masakit?" Nagaalalang tanong ni Yves. 

"Hindi naman." 

"Maaga kang nakauwi kagabi kaya maaga rin ang tulog mo, nine o'clock diba?" Tumango ako at tiningnan ako ng masama ni Ajax. 

"Haha. O-Oo. Ang himbing nga ng tulog ko eh." 

"Oo. Sa sobrang himbing eh sa kung saan saan na humihiga!" Sabi ni Ajax kaya tiningnan ko siya ng masama. 

"Haha. Malikot ka siguro matulog noh? Ano palang pinagusapan niyo ni Blake?" Ngumisi sa akin si Ajax. Marahil dahil alam niya nang si Blake ang may pakana nito.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon