7

7.4K 173 0
                                    

Yasmin's POV

Makalipas ang limang oras ay nakalabas na ako ng hospital. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko talaga gusto ang akoy ng hospital.

"Salamat, Yves." Pasasalamat ko dahil siya ang palagong nagbabantay sa akin. Alam kong abala siya sa ibang bagay pero nagawa pa rin niyang bantayan ako.

"No problem. Anytime." Kumaway ako at saka niya pinaandar paalis ang kotse. Ang sabi ko ay 'wag na niya akong ihatid pero nagpumilit pa rin siya.

Nang majapasok ako sa bahay ay natigilan ako noong makita ko sina Papa at ang mga kapatid ko na seryosong nakaupo sa sala.

"Buti naman at naisipan mo pang umuwi." Malamig na sabi ni Papa. Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa kaba.

"Sorry, Pa. May project po kasi kaming ginawa." Pagsisinungaling ko. Iyon lang and naiisip kong rason na maaaring makalusot sa kanya. Noong tumayo siya ay dahan dahan akong napaatras. Alam ko na ang gagawin niya at hindi ako nadismaya dahil hinawakan niya ang braso ko ng sobrang higpit.

"Project? Alas dyes ng gabi? Project? Sabihin mo nga!" Galit niyang sabi habang niyuyugyog pa ang balikat ko. Kaagad na namuo ang mga luha ko pero wala akong magawa dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Dad!" Sigaw ng mga kapatid ko. Kaagad akong binitawan ni Papa pero hibang na ata ako para isiping wala na siyang ibang gagawin. Malakas niya akong sinampal dahilan ng pagtalsik ko sa sahig.

"Wala ja nang ibinigay sa akin kundi ang sakit ng ulo!" Malakas na sigaw niya at saka mahigpit na hinawakan ang buhok ko. Tumingala ako para tingnan siya. Napahiyaw ako sa sakit. Gusto mang lapit ng mga kapatid ko para tulungan ako ay wala rin silang magawa. Pabagsak akong binitawan ni Papa at napahawak agad ako sa ulo ko.

"Sawang sawa na ako sa'yo! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kinupkop ka ng asawa ko. Eh isa ka lang namang malas sa buhay namin! Nagpanggap lang ako na tanggap kita pero sa kaloob looban ko, sinusuka kita! Isa kang malas! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko! Kung hindi ka sana nawala sa Star City, hindi siya maaatake ng sakit niya sa puso!" Dahil doon ay hindi ko maiwasang humagulgol. Kahit na sinasaktan niya ako, hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa mga salitang binitawan niya. Kahit nanghihina ay tumayo ako para harapin siya.

"Papa, hindi ko naman po kasalanan kung bakit namatay si Mom eh. Alam kong gustong gusto mo na akong paalisin sa buhay mo. Tabggap na tanggap ko iyon! Pero sana ay 'wag niyo akong pahirapan ng ganito! Hirap na hirap na ako. Sobrang sakit dahil sa inyo ko pa maririnig ang mga salitang iyon, na hindi niyo talaga ako minahal. Pero kahit na lagi niyo akong ginaganto, mahal na mahal ko kayo! Hindi niyo ba nararamdaman? Papa, sawang sawa na rin ako sa pananakit mo sa akin." Dahil sa panunumbat ko, muli akong nakatanggap ng malakas na sampal.

"Wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan! Nararapat lang sa iyo na masaktan! Isa kang ampon lamang!" Nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding galit. Hindi nga niya ako itinuring na anak kahit kailan. Ilang beses ng nangyari ito ngunit ngayon lang ako nagalit ng ganito katindi.

"Okay. May magagawa pa ba ako? Ampon lang naman pala ako eh." Sarkastikong sabi ko. Maging ako ay nagulat sa nasabi ko. Parang hindi ko kilala ang sarili ko sa sandaling ito.

"Yasmin!" Sigaw ni Sean para suwayin ako pero hindi ko siya pinansin.

"I won't lie to you, Papa. I love you but you didn't do the same. I thought you're different but that was a mistake. A big big mistake." Muli akong nakatanggap ng sampal pero sa sandling iyon ay wala na akong pake kung saktan pa niya ako. Naikuyom ko ang mga kamao ko at saka taas noong tumingin sa kanyam

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon