YASMIN's POV
Agad kong pinalitan ang loose shirt ko ng fitted na white shirt.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakitang naguusap parin ang magkapatid.
Ano kayang pinauusapan nila?
I sighed and kinuha ang susi ko sa key holder.
"Saan ang punta mo?" Tanong ni Ajax.
"Kila Yves. May Project daw kayo. Ano bang gagawin niyo sa project na yun?" I asked.
"Ahh. Yung sa English? Paki-explain sakanya Ate." Kay Miss Ramirez ang project nilang iyon?
"Gumawa ng scrapbook about Business and Management. Lahat ng bagay na may kinalaman sa Business and Management ay dapat kong makita sa scrapbook."
🙋
"Oh. Over ano po yun?""100." Napanganga ako. Puta! Kailangan ng matinding effort!
"The creativity should be there. Organization, cleanliness, uniqueness, and the content."
Tumango ako.
"Thank you. Una na ako." Pagpapaalam ko at lumabas na ng bahay.
Agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive patungo sa mansion nila Yves.
---
Itinigil ko ang sasakyan ko sa gilid ng guard.
Idinungaw ko ang mukha ko sa bintana at kumaway sa guard.
"Ma'am. Buti po nakadalaw kayo. Tuloy po kayo."
"Hehe. Masaya akong makita ulit kayo, Manong." Nakangiting sabi ko.
"Haha. Paniguradong magiging masaya rin ang mga maid dahil dumalaw po kayo." Tinanguan ko na lamang siya at binuksan niya ang gate. Ang gate kasi nila ay de-remote.
Pinaandar ko ulit ang kotse ko at ipinasok ito sa mansion. I parked my car and lumabas ng kotse.
Naglakad ako patungo sa main door ng mansion nila Yves.
"Oh? You're here?" Takang napatingin ako kay Tito.
"Yves told me that you're coming. Come inside." Sabi niya at binuksan ng isang maid ang pinto.
"Thank you." Sabi ko.
"Yves! Yasmin's here!" Sigaw ni Tito na sa living room nakatingin.
"Ako na po ang pupunta dun, Tito." I said and ngumiti siya.
"Nice to see you here again."
"Likewise Tito." Nagngitian kami.
"Mauna na ako." Muli akong tumango sakanya at umalis na siya.
Naglakad ako patungo sa living room nila.
*Huk!*
Nagulat ako dahil sa biglaang pagyakap ni Yves sa akin. Ang higpit!
"H-Hindi ako makahinga, Yves." Agad siyang napahiwalay sa yakap.
"Ayy. Sorry. Hehe." Ngumiti ako sakanya.
"Tara na. Gawin na natin yung project mo." Sabi ko.
"Hehe. Tapos ko na yun. Sinabi ko lang yun para pumunta ka dito. Effective ba?" Ngumuso ako sakanya.
"Tapos na pala eh. Uwi na ako." Agad niya ulit akong niyakap.
"Kararating mo lang eh." Malungkot na sabi niya kaya niyakap ko siya pabalik.
"Binibiro lang naman kita eh. Ano bang pwedeng gawin dito?" Tanong ko sakanya at kumalas sa yakap.
"Ang mahalin ako."
BINABASA MO ANG
Searching For The Mafia Heiress
ActionWhat if the one you've been searching for is already in front of you but you have no idea? @Roseeeeeyyyy Hey It's Roseeey