56

3.5K 70 3
                                    

YASMIN's POV

Nawala na ako sa sarili ko. Wala na akong inisip kundi ang mga sinabi niya. Naglalakad ako sa kawalan. Madilim narin at kanina pa ako palakad-lakad. Hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil mas ramdam ko ang sakit na dinadala ng puso ko. Hindi nga yata nakayanan ng puso ko kaya pati ulo ko sumasakit narin.

Malabo na ang paningin ko dahil hindi parin ako natigil sa pag-iyak. Wala akong pake sa iisipin ng ibang tao. Hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko!

I'm desperate.

I'm a heartless bitch.

I'm rude.

Hindi ako katanggap-tanggap!

Naglakad ako sa kalsada.

Sa tono ng pagsasalita niya, parang hindi niya talaga ako kailanman matatanggap.

*Beep!* *Beep!*

Napatingin ako sa malakas na busina. Napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis kaso parang napako ang mga paa ko sa kalsada.

Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa maliwanag na ilaw ng sasakyan.

Buti pa yung ilaw maliwanag, eh yung pag-asa kong matanggap niya ako? Malabo! Hayss.

Papalapit ng papalapit ang sasakyan. Tila nagslow motion ang paligid.

"Sorry." Huling salitang binanggit ko dahil hindi ko alam kung magigising pa ba ako sa hospital. O baka naman kapag nagising ako, nasa langit na ako. Ni hindi nga ako sure kung sa langit ang punta ko.

At sa huling pagkakataon, pumatak ang luha mula sa mata ko. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbangga ng sasakyan sa katawan ko.

Naramdaman kong tumilapon ako. Sa huling pagkakataon, naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko.

Sa huling pagkakataon, nakita ko ang buwan. Sa huling pagkakataon, kumalma ako.

"Miss! Miss! Ayos ka lang?!" Stupid question!

Napatingin ako sa lalake at unti unting tumiklop ang mata ko.

AUTHOR's POV

Dinig ang tunog ng ambulansya malapit sa hospital. Samantalang sa loob ng ambulansya, nasa loob si Yasmin. Duguan ang ulo, may mga gasgas at sugat sa katawan.

Kasama ang lalakeng nakabunggo sakanya sa loob ng ambulansya. Nananalanging hindi sana mamatay si Yasmin dahil ayaw niya namang makasuhan.

Pilit siyang nirerevive ng mga doctor sa ambulansya. Pero huli na ang lahat. Bumagsak ang blood pressure niya at tumigil na sa pagtibok ang puso niya.

"Charge 200 volts!" Sigaw ng Doctor habang hawak ang defibrillator. Agad na kinalikot ng nurse ang makina at tumango sa Doctor.

"Shock!" Sabi ng Doctor at itinapat sa dibdib ni Yasmin ang Defibrillator. Ngunit hindi parin tumitibok ang puso ni Yasmin.

"Again! Shock!"

Tumigil ang ambulansya at inilabas nila agad si Yasmin.

---

"Shock!" Sabi nanaman ng Doctor at muling dinikit ang defibrillator sa dibdib ni Yasmin. Nasa loob na sila ng ICU at pilit paring binubuhay si Yasmin.

The Doctor sighed and ibinaba ang hawak na defibrillator.

"Time of Death, 8:17 pm." Bagsak ang magkabilang balikat na sabi ng Doctor. Tumahimik ang buong paligid at ang tunog nalang ng Heart Alarm Monitor/ Electrocardiogram ang naririnig.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon