71

3.8K 72 2
                                    

YVES's POV

"Ikaw iyon, Yves. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong lumaban para mabuhay."

Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya pero mas nangingibabaw parin talaga ang sakit.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Ang sakit, Yves. Ang sakit sakit. Sasabog na yung puso ko dahil sa sakit." Wala akong magawa kundi ang yakapin siya.

"Shhh." Sabi ko na lamang habang hinahagod ang likod niya.

Sana kahit papano mabawasan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

Siguro kung hindi ko siya pinapunta sa mansion, hindi siya magkakaganito.

"Thank you for being with me even though I wanted to be alone." Mahinang sabi niya.

Bahagya akong napangiti atsaka hinalikan siya sa buhok.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon at ramdam kong nakatulog na si Yasmin. Bumibigat na kasi tsaka hindi na nakayakap sakin yung mag kamay niya.

"Sana bukas, ayos ka na. Hindi ko kayang makita kang ganito. Nasasaktan rin ako." Bulong ko sakanya at saka siya binuhat.

Isinakay ko siya sa kotse niya at saka ako sumakay sa drivers seat.

Kinuha ko ang cell phone ko at saka tinawagan ang driver ko.

"Kuya. Pakikuha ng sasakyan ko dito sa sementeryong malapit sa University."

"Sige po."

"Salamat." Sabi ko at saka binuhay ang makina ng sasakyan niya.

Tiningnan ko si Yasmin.

Bakas ang lungkot at sakit. Walang galit o inis.

I sighed and drove through their house.

---

Muli akong bumuntong hininga bago ako lumabas ng kotse niya.

Binuksan ko ang pinto at saka siya binuhat ulit.

*KNOCK! KNOCK!*

Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto.

"What happened?!" Nagaalalang tanong ni Ajax. Agad akong pumasok ng bahay nila.

"Nagkaalaman na eh. Sinampal at sinabunutan siya. Nag-iiyak siya at nagpunta sa sementeryo kasi gusto niyang mapag-isa. Hindi naman ako makatiis dahil baka kung mapano siya." Sabi ko habang kay Yasmin nakatingin.

"Uhm. Doon ang kwarto niya. Ihiga mo nalang siya doon tapos mag-usap tayo kung gusto mo." Tumango ako at tinahak ang daan patungo sa kwarto niya.

Marahan kong sinipa ko ang pinto at saka pumasok sa kwarto niya.

Inihiga ko siya sa kama niya at nakita ang Rilakkuma na nasa tabi niya. Kinuha ko ito at tinitigan.

"Buti naman at tinago ka pa niya." Sabi ko. Muli kong ibinalik ang Stuff toy sa tabi ni Yasmin.

Inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa noo.

"I love you." Bulong ko sakanya at saka ako lumabas ng kwarto niya.

Nang makita ko si Ajax na nakaupo sa couch ay napabuntong hininga ako.

Umupo ako sa harap niya at nag-usap kami tungkol sa nangyari.

YASMIN's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Ugh! Bumangon ako at tiningnan ang oras. Five in the afternoon.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon