57

3.7K 73 0
                                    

YVES's POV

Masakit tignan na yung babaeng mahal mo ay nakasandal sa balikat ng iba. Masakit na makitang pinapatahan siya ng iba. Masakit tignan na humahahulgol siya sa balikat ng iba.

Alam kong wala akong karapatang masaktan sa nakikita ko pero anong magagawa ko? Nasasaktan talaga ako eh.

I sighed and pumasok na kami ni Mom sa kwarto.

Napatigil naman sa paghagulgol si Yasmin at suminghot singhot pa.

Lumapit sakanya si Mom at iniwan ko naman ang bouquet sa table.

"Kamusta ka na Hija?"

"Ayos lang po ako. Salamat po." Sabi niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya.

"Paano bang nangyari ito?"

"Mabilis lang po talaga yung takbo nung sasakyan."

Really?

Biglang bumukas ang pinto. At nagulat ako sa nakita ko. Si Tito Zachary. May hawak siyang bouquet.

Huminga muna siya ng malalim bago lumapit kay Yasmin.

Tulad ko ay ipinatong din niya sa table ang bouquet na dala niya.

"How are you?"

"I'm fine po."

"That's good to hear. Magpagaling ka ha?" Malumanay pero maotoridad na sabi ni Tito.

"Salamat po."

Kita sa mukha ni Tito na malungkot siya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung paanong naging close sila.

"Pasensya na kung nangyari sayo ito dahil samin." Napasinghap kaming tatlo Nina Ajax at Mom.

May kinalaman sila?

"Ha? Hindi naman po dahil sainyo. Umiiyak po ako kaya hindi ko masyadong nakita na may sasakyan pala."

"Yes but I saw the CCTV footage. Kitang kita mong may sasakyan nang patungo sa direksyon mo pero tinitigan mo lang ito."

Nanlaki ang mata ko.

Tinitigan niya lang? Hindi man lang siya umiwas bago tumitig sa sasakyan?

"That's because hindi ko po maiwasang isipin ang mga masasakit na salitang binitawan ng asawa niyo." Bakas sa mukha niya ang lungkot at sakit. At sa mga mata niya ay nakita ko ang galit.

Napatingin kami sa pinto dahil bumukas ulit ito. Nakita ko si Tita Yvonette na hindi maipinta ang mukha.

Tumingin siya kay Yasmin na parang hindi tanggap at labag sa kalooban na buhay pa si Yasmin.

"Nakakapagtakang buhay ka pa pala." Gulat akong napatingin sakanya.

AUTHOR's POV

"Nakakapagtakang buhay ka pa pala." Gulat ang lahat sa binitawang salita ni Yvonette.

"Yvonette. Please." Pagmamaka-awa ni Zachary sakanya.

"I'm sorry to say but I will not die just because of your hurtful words." Yasmin answered and ngumisi si Yvonette.

"Talaga? Bakit ka nagpasagasa?" Sarkastikong tanong ni Yvonette habang nakangisi pa.

"Dahil mas pipiliin ko nalang na mamatay kesa makita ang sarili kong ipinagtatabuyan ng sarili kong ina."

Narinig nilang lahat kung paano magpakawala ng hangin si Ajax.

'Huh?' -Yves

Biglang may nag-text sa phone ni Yves kaya binasa niya ito.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon