"Ako si ( Marian Curtis ) Roberto D. Matapang, College Student, 21 yrs old mula sa lugar kung saan matatagpuan ang mga dyosa!" nakapamewang kong sigaw habang kumakaway pa.
Masayahin akong tao at maganda pa. Hindi kami mayaman pero keri na, basta nandiyan sila oks na. Marami akong hiling sa aking buhay na gusto kong matupad balang araw.
Maraming pangarap ang isang beki:
*Magkaroon ng BF
*Makatulong sa pamilya
*Maraming Friends
at
*At kung papalarin ay maging isang ganap na "BABAE"
Paano kung paggising ko itoy natupad?Ano ang una kong gagawin ?
*Bibili ng dress katulad ng Kay Anne Curtis o Marian Rivera?
*Bibili ng make-up?
*Magseselfie na ala Tyra Banks?
*Rarampa ng naka miniskirt?
*Maghahanap ng papables.....
Naiimagine ko na ang mga flashing lights at confetti kapag sumali ako sa Miss Universe.
'Yan ang mga tanong na umiikot sa isip ko...!
OH MY GOSH! Is it real Is it real.....dandandan dalandan..( KENDRA LANG )
CHAPTER 1
"Hoy Roberto! Gising na! mag saing ka!" sigaw ni mama na naririnig sa buong kabukiran. Sanay na me sa bunganga niya na hanggang sa pluto ata naririnig. Nakakawang mga alien. Mabait si Mom at buong buhay ang ibinigay niya para lang sa amin ni Paps.
"Sige po! Im coming!" sigaw ko habang pumupungas pa pero pretty na. Maganda ako kahit wala sa lahi namin.
Pumunta muna ako sa harap ng salamin at nagsuklay para naman hindi magmukhang lion. At saka bumaba na ako sa kahoy naming hagdan na medyo marupok na, pakembot kembot ang aking drama. MISS UNIVERSE LANG? Sabayan mo pa ng Tsunami walk ni Shamcey Supsup. Edi kabogera na!
"Hoy, Berto ano ba yan bababa ka lang pakendeng kendeng ka pa!" napahawak si Mommy sa batok niya. OA niya naman parang may bago pa? Dati nag-iisplit pa nga ako.
Lumapit ako kay mama at kinuha ang bigas na hawak niya. "Mommy, syempre para ready me, malay mo may dumaang cute tapos nakita ako edi PAK NA PAK! Magkakaroon ka ng manugang na papable at apong cutie."
"Puro ka talaga biro! Eh wala ka namang matris. Oh ikaw bata ka nagpakapuyat ka na naman sa kakanuod sa youtube."
"Eh wala ka ring matris diba?" natanggal kasi 'yun nung pinanganak ako.
"Etong batang toh! na aadik sa mga kpop, akala mo naman naiintindihan niya ung lyrics!" imbyernabette na sabi ni mom.
Eh siya mahilig tumaya sa jueteng! na nanalo ba? Isama pa natin ang ENDING at LOTTO.
"Mom, knowing ko po....tsaka ang kyut ng mga papa...." spluk with my hand on my waist and chin up.
"Hay lintik, malandi ka talaga! kung hindi ka lang namin mahal pinukpok na kita ng tabo!"
"Eh sorry, Mom bunga ako ng pagmamahalan niyo ni Paps!" pang-aasar ko sabay kuha ng kaldero para maisaing na ang bigas.
"O siya nga pala nagbilin ang tatay mo kanina na isasama ka niya ngayon mag-araro sa bukid."
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...