BETTY( BERTO ) POV
Napalingon ko doon sa lalaki sa likuran dahil nakilala niya ako. Hindi ko alam ang gagawin? tatakbo ba o magstay na lang me.
"OO NGA KAMUKHA MO SI BETTY LOPEZ! pero anung ginagawa mo dito?" tanong ni pedro. Unti -unti siyang lumapit at inusisa ang FACEZ ko .
Nagtakip ako ng mukha at sinabi ko na "HINDI AKESH YON NOH!" sabay tumakbo ako dahil nabuking na nga. Pero sa hindi inaasahang MOMENT bigla akong nadapa ng BONGGANG BONGGA O.M.G. SUPER DUPER SEMPLANG ANG LOLA NIYO pinagtinginan nila ako AS IN may halong tawa pa.
Lumapit si pedro para itayo me syemperds nag LYDIA DE VEGA ako run to death hanggang sa makasakay ako ng KARUU.
"GO PUSH MANONG andar na tayo!!" sigaw ko na may hingal moment pa.
"Sige, po Maam ano pong nangyari?" tanong ni Mang Dante habang sinisimulan niya ng magmaneho paalis.
"NAKU MANONG HINABOL AKO NG DOG ( weh ung totoo )" pagsisinungaling ko.
"Salamat naman at hindi ka nakagat."
"Oo nga po eh."
"Maam, sana wag kayong magalit sa itatanong ko pero mukhang iba na ang way ng pagsasalita mo?" pagtataka niya. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan kaya sinabi kong bahagi ito ng pagbabago ko ( CHOS LANG ) .
"Kasi maam naaalala ko ang anak kung bakla pag nagsasalita ka !"
"TALAGA! Eh pak na pak hihihi" segway ko para hindi mapunta sa ka bekihan ang topic kasi baka mabuko akesh eh.
Nakauwi na rin kami sa wakas,pero mula sa sasakyan ay nakikita ko na si Francis na nag aantay sa door. Ano kaya ang iniisip niya at nakatulala siya nang bongga?
"Uy ano ginagawa mo sa labas?" pagtatanong ko. Bumaba na me sa Karuu and then lumapit na kay Papa Francis.
"Syempre hinihintay ka baby, nag-aalala kasi ako kung saan ka nagpunta. Ngayon pa na may amnesia ka delikado para sayo ang magpunta kung saan saan" malambing niyang sagot sabay hinawakan niya ang kamay ko at kiniss.
Ang gentleman talaga ng dating niya for me, kasi nag-aalala siya sa akin. Kahit alam kong kay Betty talaga yun at hindi para sa akin. "Salamat Baby! sa love and care" malandi kong echos.
"Oh nga pala saan kaba galing at late kana umuwi?"
"Ah sa isang friend lang naman" sagot ko na may halong kasinungalingan . Nagulat siya sa sagot ko kaya tinanong niya ako."Baby! sinong kaibigan eh may amnesia ka diba?"
OMG na buking na ata me? sungakers kasi ako eh. Kailangan ko makapag -isip ng palusot.
"AHHHHHH nakilala ko siya sa ospital ! Eh ayun na deds na kaya dumalaw ako sa burol."
"HMMMM.....Okay dapat sinama mo ako para na alalayan kita."
"Wag na knowing ko naman na busy ka eh kaya kay Mang Dante nalang ako nagpasama." paliwanag ko habang nakatingin sa gwapo niya talagang mukha.
"Alam mo baby ang laki na ng pinagbago mo para kang si Mica magsalita, kaya nga minsan hindi kita maintindihan eh!" sabi niya.
"OHHH aber sinetch ba yang Mica na yan? AHHH ibig kong sabihin sino ba siya?" pagaayos ko ng salita para hindi naman siya laging nahihirapan na unawain ako.
"Siya ung bakla mong make-up artist" paliwanag niya .
"Oh really I have a Beki ( Friend )?" excited kong tanong. Salamat naman ay may kalahi rin akong kaibigan para naman may kachikahan ang lola niyo.
"Yup but hindi mo siya friend, employee mo lang!" giit niya na may pag-iinit pa ng ulo .Sayang naman akala ko magiging BFF kami nung Mica.
"Okay! malungkot lang ang peg. Kasi ba naman parang wala akong friend, eh noong si Berto ako halos buong probinsya FRIENDSTERS KO.
Inakbayan niya ako at syemperds kilig so much, tapos niyaya niya akong kumain nagpaluto daw siya kay manang ng foods na like na like ko. Edi go na akesh at natapos na nga kami lumafang.
Sleep time na pero hindi pa ako inaantok kaya naglibot libot muna ako sa kwarto hanggang sa may makita ako sa drawer na kung saan nakalagay ang tila lumang gamit niya. Kaya naman kunuha ko ito at umupo sa dulo ng kama para basahin.
Diary pala yon noong siya ay teen pa, sosyal may eklavu pang diary. Buhat ng aking pagtataka (pero ung totoo bunga nang pagiging chismakers ko ) ni read ko .Nabasa ko sa unang pahina ng diary ni Betty.
September 11, 1999
Dear Diary,
Ito ang firstime ko na sulatan ka diary .Alam mo ba na nakita ko ulit ung crush ko na si Cyrus ?
Supercute talaga siya dahil sa singkit niyang mata,mapulang labi at matipunong katawan.Kilig Level 1000 ako hahaha nahuli niya nga ata ako kanina na pinagmamasdan ko siya.AYIEEE nakakahiya talaga,baka isipin niya na may gusto ako sa kanya ( CRUSH LANG NAMAN ) pero alam mo ningitian niya ako at kinindatan pa.
Halos matunaw ako sa kilig dahil sa ngiti niya.I wish na ligawan niya ako at maging BF ko siya.Naku no more chika muna diary bukas na lang ulit.:)
**************************************************************************************************
May kalandian days din pala itong may ari ng katawan ko.Akala ko ba eh masama ang ugali niya ,yun pala may HMMMP..... siya. Patuloy ko itong binasa at napansin ko na lahat nang nakasulat doon ay tungkol sa happy moments nila together.January 12 , 2000 naging sila na tapos nangako pa siya sa diary na sila na forever.So naghiwalay sila dahil BF niya na si francis ( MY BABY ).
Sa patuloy kong paglipat sa lumang pahina ay napansin ko na kalahati lang ito ,so may nawawalang kalahati pa.Saan kaya yon napunta?
Ang huling nakasulat dito ay magkikita sila sa park.
Dinapuan na rin akesh ng antok kaya na borlog na me. Napanaginipan ko sila Mama at Paps ,naglalaro daw kami sa bukid pagkatapos nun kumakain kami sa isang kubo.Masayang masaya ang mga mukha namin.
Kung maibabalik ko lang ang masasayang sandali namin ng aking pamilya, hindi sana ako nag-iisa .
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...