Betty (BERTO) POV
Pagmulat ko ng beautiful eyes ko, shucks! nasan sila? Mukha akong SHUNGA na naka PIKIT PA>
Akala ko hahalikan niya ako tapos bigla siyang nawala, nakakaimbyerna kasi nag-expect ako. Crush na crush ko pa naman si Papa P. simula Fetus pa lang ako! Nasira ang moment ko nang biglang may dumating na itim na KARUU. Bumaba ang dalawang GURANSTER na lalaki, SINETCH sila?
"SINENEY PO ANG HANAP NIYO? AH ESTE SINO ANG HANAP NIYO?" pamungad kong tanong dahil hindi ko nga sila knowing.
"Maam Betty, ako si Marlo ang manager mo at kasama ko naman si Direk Paul dahil gusto ka niya makausap" magalang niyang sagot at dama ko ang kanyang kaba. Lagi ko na lang nafe feel na na SHOSHOKOT ANG MGA OTAW SA AKIN.
OMG sila pala ang manager at Direk ko, jusko knowing naman nila siguro ang AMNESIA KUNO STATUS KO?
Lumapit ako at niyakap sila, nagulat sila at akala mo ay niyakap ni GODZILLA. "Hello, ang saya saya ko po ngayon dahil nasightsung ko kayo!" mala MISS FRIENDSHIP KONG pagbati. Mas lalo atang sumama ang mukha nila, kung kanina ay parang nakita nila si GODZILLA ngayon si SATANAS na ata.
"M-mmasaya din kaming makita ka, nabalitaan pala namin ang kalagayan mo" mabagal niyang sabi na palunok lunok pa. Si Direk Paul naman eh parang NAJEJEBS na ang FACEZ.
"BAKIT PARANG HINDI KAYO HAPPY?" pagtataka kong tanong sa dalawa. "Hindi naman sa hindi kami masaya, pero parang may kakaiba?" tanong ni Direk. Jusko OLD BETTY pati ba naman sa mga ito ay Badgirl ka! Kaya naman gumawa ako ng paraan para EVERYBODY HAPPY. Hinawakan ko ang kamay nila at iwinagayway sa air. "Lets shake our BODEY AND EVERYTHING!!!" echos ko para marelax sila. Medyo nabawasan na ang sadness sa FACEZ nila so ininvite ko sila sa loob. "Tara enter na po kayo sa BALURR ko, para makapagchikahan na tayo!" Sumama naman sila at umupo sa sofa.
"Bago ang lahat ma ASK ko lang kung gusto niyo magcoffee or juice?" sabi ko before magstart ang THE BUZZ MOMENT NAMIN. "No thanks! gusto ka lang talaga namin maka-usap" medyo serious na ang FACEZ nila. Kaya naman nagpagirl na ako.
"Ah ganon po ba? Sige go push SPLUK MO NA YAN!!" excited kong tanong. Tumayo si Direk Paul at biglang lumuhod sa harap ko. NagCRAYOLA siya tapos sabi niya "MAAM Betty, parang awa mo na sana po ay bumalik ka na sa set ng Movie para matapos na natin iyon. Sorry nga pala sa mga nasabi ko sayo sadyang mainit lang ang ulo ko."
Nabagbag naman ang PUSO ko sa malaJACKLYN JOSE na drama niya. Kaya naman kahit hindi ko knowing ang problem nakiechos na ako. Itinayo ko siya at niyakap ng mahigpit sabay sabi na "Jusko po, huwag niyong gagawin ulit yon! Ako nga po ang dapat magsorry dahil sa BADGURL ATTITUDE KO!"
Nagulat sila at bigla siyang natigil sa pag-iyak. "Salamat Betty at napatawad mo na ako!" sabi niya with tulo hubog pa. "Wala po yun! pumapayag na akong bumalik sa tapings and EVERYTHING!"
"Maraming salamat talaga, utang na loob ko sayo ang lahat!" tumigil na siya sa pagcrayola at bumalik na sa pagkakaupo niya. "Paano ka nga pala babalik kung may amnesia ka? Baka naman nakalimutan mo na rin ang pag-arte!" nag-uusisang singit ni Manager. Napaisip din ako sa sinabi niya pero simula noong bata me ay bet ko na ang aktingan.
"WA problema! Ipinanganak ako para maging DIVA, SUPERSTAR, MEGASTAR, DIAMOND STAR AT STAR FOR ALL SEASON kaya sisiw lang yan!" mayabang kong sabi habang nakatayo at nakaWONDERWOMAN POSE PAK!! Nagkatinginan ang dalawa dahil sa kaekekan ko. "Okay betty, bukas na bukas magsisimula ka na ulit!" sabi ni Manager. Nagpaalam na sila at tuluyang umalis, super duper excited ako para bukas. Habang nagtata talon ako sa HAPPINESS ay bigla akong na TOMJONES kaya gumora akesh sa kusina at pagbukas ko ng door, nakita ko si Papa P na kachikahan ng mga maids. Kaya naman isinara ko ulit ang door at sumilip na lang para makasagap ako ng chismis.
"Ako nga pala si Pedro ang bagong driver ni Maam Betty!" pagpapakilala niya sa mga maids ko na parang kinikiliti sa sobrang kilig. Naimbyernakels na naman me dahil nagpapacute sila kay Papa P ko. Kaya naman isiniksik ko pang ang tainga ko tapos narinig ko ang tanong ni Pedro sa isa sa kanila. "Mabait ba si Maam Betty?"
"Sa totoo lang napakasama ng ugali niya, kung takot ka kay satanas mas matakot ka kay Maam. Buhay pa siya pero sunog na ang kaluluwa niya sa impyerno" sagot ng maid na mataba at MASHANGET. Inis na inis na talaga ako sa naririnig ko ng bigla akong napasandal sa pinto kaya naman bumukas ito sabay semplang. Gulat na gulat ang lahat at biglang pumila. OMG nakakahiya nasemplang ako sa sahig kaya naman ng tatayo na ako lumapit si Pedro to make kuha me. Grabe talaga siya lagi niya akong sinasave.
"Maam, ayos ka lang ba?" tanong niya na tila may pagtawa pa.
Kaya naman tumayo ako ng tuwid sabay sabi na "Im fine." Pinagpag ko ang damit ko na parang walang nangyari tapos lumapit ako sa mga maids na nakapila. "Sorry Maam!" sabi ng matabang chaka. Nagmaang-maangan na lang ako na parang walang narinig. "Bakit ano ba ang ginawa mo?" tanong ko.
"Ah maam wala po, Maam ano po ang gusto niyong kunin dito sa kusina at kami na ang maghahanap?" paepal na tanong ni Matabang chaka. "Ah wala na padaan lang ako!" kung wala lang si Pedro ay nakalbo ko na ang babaitang ito. Nagpaalam na ako, pero nilapitan ko muna si Pedro. "Siya nga pala bukas aalis tayo!" pa girl kong sabi.
"Okay Maam!"
Lumabas na ako ng biglang sumunod si Pedro at kinausap ako sa labas. "Maam, hindi po talaga ako nagkakamali kayo po ang nakita ko sa burol ni Berto. Nag-iiyak pa nga ikaw na parang tropa mo siya." pilit niya sa akin. "Hindi nga ako yun baka KALOKA LIKE ko lang yon!" sigaw ko sakanya para naman maniwala na siya. Pero mukhang hindi parin siya kumbinsido at nagpatuloy pa sa pag=uusisa.
"Maam sabihin na nating hindi ikaw yun pero sa tingin ko nakita na kita sa isang ospital. Hindi kaya Stalker ka?" pilit niyang giit habang malapit nanaman ang pisngi niya sa mukha ko. Ngayon ko lang naalala na nagkabanggaan nga pala kami noon. Wala natuloy akong masabi kaya sumigaw na lang ako nang "EWAN KO SAYO NOH! FYI IM BETTY LOPEZ THE ONE AND ONLY KONTRABIDA SUPERSTAR, tapos tatawagin mo akong stalker!!"
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko dahil sobrang napahiya na talaga ako. Naiinis ako sa kanya dahil kahit hindi na ako si Berto na fefeel ko parin ang pang-aasar niya. Hindi ko naman kasi lubusang maiisip na magiging DRIVERUU ko siya, dahil alam ko na may sakahan siya at bahay sa province. Ano kaya ang motibo niya sa pagtatrabaho dito?
Kailangan ko ma knowing ang reason niya, kaya naman tumawag ako kay MENANG TASING para malaman iyon. Buti nalang nag memorized ko ang NUMBERUU NI MENANG TASING. Si Menang tasing pala ang pakielamerang kapitbahay ng kabukiran sa probinsya. Maicocompare mo siya sa GOOGLe dahil knowing niya lahat.
"Hello! Pwede po ba kay Menang Tasing?" sabi ko sa sumagot sa phone niya. "oh ako ito! sino kaba?" tanong niya. Nakaisip na ako ng maidadahilan sa kanya. "Si Madonna po ito, friend po ako ni Pedro pwede po ba siyang makausap?" echos ko lang para makasagap ng news. "Ah Eh wala na siya dito na sa Manila na !"
"Kaya naman pinagpatuloy ko lang ang pakikipagusap. "Ay bakit ho?"
"Binenta niya na kasi ang bahay at sakahan niya para sa pantutos sa burol at libing ng pamilya matapang. Sino kaba?" pagtataka na niya. Sa sobrang gulat ko ay pinutol ko na ang call.
Hindi lubusang maisip na magagawa ni Pedro na ibenta ang bahay at maliit na sakahan na ipinamana sa kanya para lang sa amin. Bumuhos ang luha ko dahil sa sobra antig sa kabaitan niya. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maibalik ang kabutihang loob na ibinigay niya sa aming pamilya. Dahil dito napatunayan kong isa nga siyang tunay na kaibigan at laging maasahan.
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...