Chapter 13 : Its Me

638 41 7
                                    

Pedro POV

Nabalitaan ko kay Salve na may date si Maam Betty kagabi, kaya naisipan kong magrequest ng Day Off. Balak ko kasing dalawin ang puntod nila Berto.  

"Maam Betty, hihingi po sana ako nga Day off ngayon" magalang kong paalam sakanya. Tulala siya at tila malalim ang iniisip, pero biglang nagbalik ang diwa niya sa sinabi ko.

"Ha! Bakit?"  gulat niyang tanong sabay upo sa sofa. Sunod ako at tumayo sa gilid niya.

"Hoy Pedro, jumupelya ka nga! para kang kaluluwa eh!" kaya umupo na ri ako sa sofa. Dumikwatro siya sabay tanong "Keri lang naman na magday off ka, pero wherla u ba gogora?" 

"Maam, dadalawin ko sana ang puntod ni Berto at pamilya niya"  magalang kong tugon sa kanyang tanong.

Ano naman kaya ang pumasok sa isip niya at tinatanong niya ako?

"Realness? sinetch ba yang Berto na iyan?"  taka niyang tanong at tila napakainteresado siya tungkol dito. "Maam, si Berto ay kababata ko sa probinta at itinuturing ko na rin na kapatid."

Napansin ko na nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha at tila galit pa siya. Nagsimula na siyang magtaray "Oh trulaloo? Kapatid lang talaga?" naging mausisa na siya sa pagtanong.

"Opo Maam, lalaki parin siya kahit babakla bakla. Alam mo napakabait ng lokong yon, kaya nga hindi ko pa rin matanggap ang maaga niyang pagpanaw." malungkot kong sabi. Napayuko na lang ako dahil baka maiyak ako at makita pa ni Maam.

"Mabait pala siya, and sureness akesh na prettibels din siya!" malandi niyang sabi. Bigla akong natawa sa sinabi niya dahil pareho sila ni Berto kung magsalita. "Maam, parang ikaw siya!"

Nagulat ako dahil tumayo siya sabay sabing "Okay, payag na ako!" tumakbo siya papunta sa taas. "Ano ang nangyari don at bigla siyang tumakbo?" pagtataka kong tanong sa sarili. Nagpunta na ako sa aking silid para maligo at makapagbihis.

Betty (BERTO) POV

Kalurks talaga si Papa P dahil always niyang na aalala si OLD ME.  

Kaya naman naisipan ko na magfollowbels sa kanya. Nagbihis akesh ng pang PURITA MIRASOL na dress para hindi nila akesh maknowing. Sinamahan ko na rin ng shades at  hat para macomplete ang drama. Dali dali akesh bumaba at nasaytsung ko na nagwawalk na siya palabas ng balurr ko.

So dahan dahan na akong sumunod sa kanya, nagtago akesh sa puno, damo at ultimo sa statues. And after two decades nakalabas na rin kami sa malahacienda kong balurr. Kalurks naman kasi ang lugar na ito, need ko pang magwalk ng mahaba bago makarating sa gate. Kaya bukas na bukas ipapalipat ko ang gate. CHEEEE

Hingal na hingal na akesh sa pagfollow hanggang sa sumakay na siya sa jeep, akesh naman ay nag taxi." Manong, paki follow naman ung jeep na yun!"  sigaw ko kay manong driveruu pagsakay ko.

"Miss parang kilala kita? Tama si Betty Lopez ka nga!" tanong niya.

Lumingon pa talaga siya at sinuri ang facez ko. Naku naman na ka pang PURITA MIRASOL na nga akesh tapos na knowing niya pa ako. "Hindi po akesh yon!" mariin kong tanggi.

"Sigurado ako na ikaw si Betty Lopez. Baka naman pwedeng magselfie tayo kahit isa lang!"  pagmamaka-awa niyang sabi. Syempre na awa akesh pero bet ko ang magselfie.

"Okay po, habang traffic pa!" Tuwang tuwa niyang dinukot ang Cellphone niya sa bulsa at inilagay ito sa camera mode. 

"Sige manong, 123 pose!" slight smile with peace sign ang drama ko. Nang makita ko ang photo, feeling ko ang chaka ko kaya inulit pa namin.

"Manong, 123 pose!"  pakakabog ba ako kaya nagMILEY CYRUS pose ako.

"Oh ayan kuya prettibels akesh diyan!" itinago na niya ang phone.

"Maam Betty maraming salamat po"  pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho at nakarating na din kami.

Kinuha ko ang wallet ko "Manong, ito po 500 pesos and keep the change!" inabot ko ang pera pero tumanggi siya.

"Maam, sapat na po ang selfie natin!"  tuwang tuwa niyang spluk.

Nagpasalamat nalang ako at bumaba na, infairness nakatipid akesh. OMG ang creppy naman pala ng sementeryong itey. Nagsimula na akong pumasok at nasayt ko si Papa P. Syempre sumunod akesh, pero nashokot akesh sa supultorerong mukhang bangkay.  

Nagpatuloy lang akesh sa pagwalk and after ng isang siglo ay nakarating na rin sa puntod ko (KAKASHOKOT NAMAN). Nagheydikels akesh sa puno ng mangga, para hindi niya masayt at maghihintay ako hanggang sa umalis siya.

Pinatong niya ang dalang bulaklak at nagtirik ng talong puting kandila.

"Berto, kumusta naman dyan? Marami ka na bang BF?"  sabi niya sa tapat ng puntod ni OLD ME. Kalurks naman ang tanong niya, anong akala niya sa akin malandi.

"Berto, sigurado ako na kapag nakita mo si Betty Lopez mahihimatay ka sa kakatili. Nagtatrabaho ako sa kanya bilang driver. Siya nga pala aalis na rin ako dahil pupunta pa ako kila tsang"  nagfly na siya at lumapit na akesh sa puntod ko. Infairness sa puntod ko, pretty naman siya at kulay pink pa.

Nagsimula ng bumuhos ang luha ko "Mommy at Paps, mishakels ko na po kayo. Siguro kung buhay pa kayo nag-aararo tayo sa bukid. Lalong bumongga ang iyak ko, nagkalat na ata sa mukelya ko ang mascara at eyeliner.

Nakakainis naman kasi si OLD BETTY, bakit kasi hindi water proof ang muk-up niya. Kausap ko naman ngayon ang puntod ko "Musta naman OLD me? Mainit ba dyan o malamig? Siguro na aagnas na ang old body ko?"

Biglang may malamig na hangin ang humampas sa braso ko. Nawindang ako dahil feeling ko may ghost. "Mommy at Paps, huwag niyo naman akong takutin!" sigaw ko sa puntod nila. 

"Ano ang ginagawa mo dito Maam Betty?"  may boses na nang galimg sa likuran ko.

OMG SINETCH ITECH? Marahan akong lumingon at nakita ko si Pedro. Hindi ko alam ang gagawin ko, alam kong supah nagdududa na siya.

"Maam, bakit iniiyakan niyo sila tulad noong lamay?"  nabuko na niya ako sa tanong niya. Iniisip niya ngayon kung bakit akesh nagcrayola sa mga taong hindi ko dapat kilala. Sa tingin ko ito na ang tamang time for him to knowing may trulaloo identity.

Hinarap ko siya "Pedro, hindi mo ba akesh na knowing?" 

"Maam, Betty Lopez diba?"  natatawa niyang tanong.

"Ako ito si Roberto D. Matapang!"  hayagan ko ng isinigaw sa kanya ang trulagen kong pagkatao. Napabungisngis siya at tila majejebs na sa kakatawa.

"Maam, okay ka lang? Paano iyon mangyayari? Babae ka at patay na si Berto." 

"Maniwala ka akesh itey?" pilit kong sabi pero tila hindi pa rin siya naniniwala. Mukhang hindi na siya natutuwa sa mga sinasabi ko.

"Maam, mahiya ka naman sa harap pa talaga ng puntod niya!" nagsimula na siyang magtaas ng boses.

Lumapit ako at hinawakan siya sa braso "Pedro ako ang Berta ng buhay mo at nagiisa mong karamay sa mga nabigo mong relasyon. Naaalala mo noong inwan ka ni Vicky, Rosy at Alona, diba sa tuwing heartbroken ka nilalagnat ka. Ako lang ang tanging nakaka-alam nun." bumuhos muli ang luha ko at nakikita ko sa mata niya ang pagtataka.

"Berto ikaw nga pero ano ang nagyari sayo?" nagsimula na siyang magtanong at alam kong hudyat na ito ng paniniwala niya.

 Umupo kami sa isang mahabang kahoy na upuan. "Pedro, noong naaksidente akesh sa jeep ang naaalala ko hinigop ng body niya ang soul ko. Pagising ko sa ospital ay nasa katawan na niya ako at ganap ng girl."  paliwanag ko sa magulong sitwasyon na kinalalagyan ko.

"Berto, paano yon nangyari? Akala ko sa mga pelikula lang ito nagaganap!"  hindi pa rin siya makapaniwala.

Kaya naman tumayo ako "Ito na ang bagong ako sa katawan ni Betty Lopez at masayang masaya ako dahil dito!"

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon