Chapter 22 : Confession

496 32 1
                                    

Betty (BERTO) POV

Namuti na ang buhok ko sa kahihintay sa Violet na yun pero hindi naman na appear ang loka. Umaga na, akala ko ba on the way na siya. Para tuloy akong zombie habang papunta sa sa Dining para mag-almusal.

"Baby, what happened?" bungad na tanong ni Francis. Nauuna na siya dahil na dadalas ang maaga niyang pagpasok sa work. Dahan dahan akong umupo at kumuha ng isang slice ng bread. 

"Napuyat kasi ako sa pag-aabang kay Violet, pero hindi siya dumating" nakapikit kong ningunguya ang pagkain. Inaantok na talaga ako.

"Violet? Sino siya?" napabalik ang diwa ko sa sinabi niya. Hindi niya kilala si Violet.

"May tumawag kasi kagabi then sabi niya BFF ko daw siya. On the way pa nga raw." paliwanag ko.

May gulat sa mukha niya "Baby, wala kang friend na ang name ay Violet. Baka isa lang yan sa mga bashers mo na gusto kang lokohin" nagpunas siya ng bibig, marahil paalis na siya. Nakakapagtaka naman, para kasing totoo ang sinasabi nung Violet na yun. Walang bakas ng pagdududa akong nafeel. Sa kabuuan naloko ako at dahil doon wala akong tulog. 

Tumayo siya "Baby, bago ako umalis. Ipapaalala ko lang na sa lunes, pupunta tayo sa shop ni Franky Sabo ung sikat na designer. Siya ang gagawa ng gown mo for our wedding" kiniss niya ako at umalis na.

Hay naku, sureness na tlaga ang wedding ko next month. Wala bang kahit isang tao na pipigil sa kasal, para hindi iyon matuloy? Inumpog umpog ko ang ulo sa lamesa.

"Betty, mukha kang tanga." boses ni Pedro yun. Itinigil ko ang aking kagagahan.

"Gising ka na! Tara samahan mo akong kumain. Umalis na kasi ang soon to be husband ko para magtrabaho." 

"Huwag na! Baka may makakita pa at magisip ng masama sa atin." 

"Hayaan mo sila. Balur ko ito at ako ang reyna" pilit ko siyang pinaupo at naglagay ng foods sa plate niya. 

"Ano ba ang magagawa ko" 

"Kumain ka, alam kong nagbabawi ka pa ng lakas." wala siyang nagawa kundi kumain. Knowing  ko si Pedro, kapag nakahain na ang food, hindi siya tumatanggi.

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain. Sana ganito lang kami, ung tipong pagsisilbihan ko siya tapos masayang nagsasalo sa hapag. Pero imposible na iyon dahil next month may husband na me. Ayoko namang gawin siyang pinakbet kabit.

"itigil mo yan baka maubos ako." asar niya.

"Gusto mo bang maging escort ko sa premier night?" change tpoic ko. Napahinto siya sa pagkain "Okay lang pero paano si Francis?" 

"Wala siyang time. You know naman busy siya sa work." Nakapangalumbaba kong sabi.

"Sige" pagpayag niya.

PREMIER NIGHT

Pumunta si Pam para dalhin ang dress na isusuot ko for the event. Kulay white na halos lumuwa na ang mga alaga ko. Pero keri lang dahil lumitaw lalo ang prettiness ko. Ano pa ba ang bago? As always naman diba?

Pababa na ako sa stairs at mala princess ang peg ko, nakaabang kasi ang napakagwapong si Pedro with his nice suit from Pam. Mukhang artista ang datingan niya. Kaya hindi ako pakakabog.

"Ang ganda mo!" mangaha niya habang nakaabang ang kamay niya for me. Ang lakas na talaga ng tama niya para sa akin. 

"Knowsung ko." Inabot ko ang kanyang kamay at inalalayan ako hanggang makasakay sa car. Pati ba naman ang karuu ko hindi pakakabog. 

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon