Pedro POV
Halos kalahating araw kong hinintay matapos ang shooting ni Betty. Nakakaburyo rin palang maghintay, kaya naisipan kong magpahangin sa isang upuan na malapit lang sa pinto ng studio. Masaya ako para kay Berto na ngayon ay Betty na, pangarap niya talaga ang ganitong buhay. Hindi ko rin naman itatanggi na, nahahalina rin ako sa magandang mukha at hubog ng katawan. Pero ewan ko ba? Kapag na aalala ko kasi na si Berto siya, hindi ko mapigilan ang matawa.
May ilang minuto na rin akong nakaupo dito, ng makaramdam ako ng malakas na hampas sa aking ulo. Nahulog ako at nawalan ng malay.
Nagising nagising nalang ako sa isang malakas na sigaw sa aking tenga. Naroon ang lahat, nakatingin sa akin.
"Pedro....Pedro gising!" niyugyog pa ako para lang magising. Napansin kong nakatali ang aking paa at kamay.
"Bakit ako nakagapos?" tanong ko sakanila.
"Hindi rin namin alam. Nakita nalang kita sa isang sulok na walang malay" paliwanag niya habang ang iba ay kinakalagan ako sa aking pagkakagapos.
"Salamat" sabi ko kay Pam. Tumayo na ako at inalalayan nilang umupo, napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit.
"Ano ba ang nagyari sayo? Sino ang gumawa nito?" sunod sunod niyang tanong. Bigla kong na alala ang nangyari.
"Kanina nakaupo ako dito tapos may biglang pumukpok sa ulo ko, tapos iyon na ang huli kong natatandaan" Hindi ko talaga lubusang kung sino ang lalaking yon. Kung nakita ko lang sana ang mukha niya.
Nataranta si Pam "Lumabas ako para sundan si Maam Betty, sabi niya kasi may kukunin lang siya sa kotse. Siya nga pala nasaan ang sasakyan?" pagtatakang tanong ni Pam. luminga linga ako at hindi ko nakita ang kotse.
"Nakapark lang yon dito kanina bago ako mahimatay. Hindi ko nakitang lumabas si Betty" napatayo ako para lumapit sa kinalalagyan ng kotse kanina.
Nagsimula ng magkagulo ang mga staff at si Direk Paul. Mukhang kinuha ng lalaki si Betty.
"Tatawag na ako sa Police Station!" sigaw ni direk Paul na halatang natataranta na.
"Sige maghiwa-hiwalay muna tayo para hanapin si Betty" wika ko.
"Okay, maglalakad lakad kami ni Mica, baka sakaling nasa malapit pa si Maam Betty" sabi ni Pam. Isinama niya si Mica at umalis na sila.
Si Direk Paul at ang mga staff ay nagsimula na rin galugurin ang buong studio.
Hindi ko hahayaang may mangyari kay Betty na masama, kaya gagawin ko ang lahat para lang mahanap siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Betty (BERTO) POV
Namulat ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nahihilo pa ako at nanghihina, pero sinubukan ko paring tumayo ngunit nakatali ako sa isang chair. Kahit anong gawin kong pagkawala ay wa epek pa rin.
May isang lamesa, isang kama at chair sa aking harap. Iyon lamang ang laman ng kwarto(SAYANG SANA MAY TV)
Hindi ko alam kung sino ang gagawa nito sa akin dahil wala naman akong enemy. Sumagi sa isip ko si Dominic, baka gumaganti siya sa mga sinabi ko. Pero parang wala naman sa facez niya ang maging kidnapper, kaya laglag na siya sa suspect ko.
Alam ko na si bruhang Beatrice ang gumawa nito. Gumaganti yung mukhang Gurami na may lahing galunggong na yun. Sureness akesh na siya ang mastermind nitey. Kapag nakawala ang beauty ko, jujombagin (BUBUGBUGIN) ko siya with full force.
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto, nasayt ko ang isang lalaki na may bit bit na bag. Pumasok siya at inilapag ito sa lamesa. Nashoshokot na akesh, mukhang hindi ko bet ang mga magaganap.
Unti unti siyang lumapit at nasayt ko na ang facez niya. Nawindang ako dahil papable siya, ang tangkad niya tapos maputi pa at infairness macho pero weird ang pagkapogi niya. Ayiee ako na yung kinidnap na kinikilig pa.
Hindi ko talaga siya knowing, sa tingin ko ito lang ang firstime na nakita ko ang gwapo niyang mukha.
"Da who ka ba?" takot pero may halong landi kong ask.
Umupo siya sa chair na nasa harap ko "Tama nga sila at may amnesia ka" bungad niya ng spuk with haplos pa sa hair ko. Nakaramdam ako ng kilig pero need kong mashokot dahil kidnapper siya. Ipagpapaliban ko muna ang landi ko.
"Korak, kaya sabihin mo kung sino ka, hindi me si Madam Auring para hulaan ang namesung mo" sigaw ko sakanya.
Natawa siya "Ang laki na nang pinagbago mo mula noong makita kita sa personal" wika niya.
"Really? Ang bongga kasi nung soap nagamit ko ngayon, hayaan mo bibigyan kita pagnaka-alis na me here" sabi ko. Ano ito? May gana pa akong makipag sales talk.
"Joker ka na pala? Dati halos isumpa mo ako, lalo na kapag nakikita mo ang mukha ko" spluk niya. Bakit naman ako maiinis, supah bet ko nga siya eh. Lukring talaga si OLDBETTY, nagsasayang siya ng pogi.
"Ah ganun ba? Go kwento pa para maknow ko ang story behind your revenge" excited ako to know the whole story.
"Sige, Ako si Niccolai ang dati mong diehard fan. Nagtrabaho pa nga ako sayo noon bilang driver pero sinesante mo ako at ipinahiya pa sa lahat" may pinaghuhugutan si Kuya ha!
"GO PUSH LANG" wika ko.
"Naaalala ko pa ang mga pagpapahirap mo sa akin pero tiniis ko iyon dahil sa paghanga at pagmamahal ko sayo. Natapos din ang aking kahibangan noong ipinahiya mo ako salahat. Tanda ko pa ang mga sinabi mo sa akin" nagsimula ng maging galit ang kanyang facez at obviuos ito sa voice niya.
"Ah may ganun talaga, Badgirl kasi me before" biro ko pa kahit sa delikadong sitwasyon.
"Sabi mo NAPAKAPANGIT KO, HINDI MO MATITIIS NA MAKITA AKO ARAW ARAW. NA AALIBADBARAN KA SA PRESENSYA KO lumuhod ako noon pero mataas pa rin ang lipad mo" paliwanag niya. So now I know na, kahurt nga naman pero cute naman siya eh.
"Really? sinabi ko yun? Ang gwapo mo nga, kahit titigan kita araw araw, hindi ako magsasawa" pagpapagaan ko sa kalooban niya pero ang loko lalong naging halimaw sa galit.
Tumayo siya "Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi mo! Pero may panga ko ka sa akin sa oras na mapaganda ko na ang mukha ko"
"Ano yun? if kerikels ko igigivesung ko sayo" napangiti na akesh, madadaan naman pala sa usapan eh.
"Ganon naman pala! Kaya kita kinuha para maningil na sa pangako mo!" sigaw niya.
Kinalagan niya ako at dahan dahang inihiga sa parang surgical bed. Wa na me nagawa, medyo mahina pa rin kasi ako. Feel ko may something sa karuu ko na inilagay niya kaya nahilo me.
Nakahiga na akesh at itinali niya pa sa bed. Kinuha niya ang bag na dala niya kanina at ipinatong sa kama. Nashoshokot na akesh, feeling ko may dala siyang mga gunting o kutsilyo tapos hihiwain at pagpipira-pirasuhin niya ako. Pwede rin namang asido na isasaboy sa facez ko. Ganun kasi ang madalas na eksena sa TV kaya feel ko na isa doon ang gagawin niya.
"Sabi mo nakapag gwapo na ako ipapa-tattoo mo sa mukha mo ang dati kong itsura. Ang tapang tapang mo pa noon, marahil hindi mo naisip na magagawa ng sensya ang lahat" inilabas niya na ang mga gamit for tattoo.
OMG kaloka, hindi ko naisip pipintahan niya ang mukha ko at forever na yon sa facez ko. Akala ko pa naman sisirain niya ang mukha ko tapos papatayin, yun pala papasakitan niya ako na panghabang buhay pa.
"Hoy, stop it. Hindi na akesh natutuwa. Maawa ka naman sa beauty ko dahil maraming humahanga dyan" sigaw ko sakanya. Pero hindi pa rin siya tumigil sa paghahanda ng gamit. hindi ko alam ang gagawin ko. End na ba ito ng pretty facez ko? Kaloka naman kasi ang bibig ni OLD BETTY!
"Tignan natin kung hangaan ka pa nila" inilalapit niya na ang karayom sa mukha ko.
"PLEASE WAG!!!!!!" huli kong pagsigaw ng biglang bumukas ang pinto.
"ITIGIL MO YAN!" sigaw noong boylet na nagenter da dragon sa kwarto.
SINETCH KAYA SIYA?
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...