Chapter 25 : Heaven

494 34 3
                                    

Pedro POV

Kahit anong pagpupumiglas ko, sadyang maraming tao ang pumipigil sa akin para sundan sila Betty. Kinalagan na lang nila ako ng makasakay na ng kotse ang dalawa. "Bakit kayo nagpaloko kay Francis?" 

"Pedro sorry. Inisip kasi namin ang kapakanan ng nakararami. Patawarin mo kami." Sabi ng Manager ni Betty. Mauunawaan ko ang punto nila. 

Saan ko hahanapin sila Betty?

Baka may gawing masama ang Francis na 'yon.

"Pedro, sundan mo. Eto ang susi ng kotse ko. Malamang hindi pa 'yun nakalalayo!" iniabot ni Direk Paul ang susi.

"Salamat!" nagmamadali akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Kailangan kong bilisan. Inistart ko ang sasakyan at humarurot paalis.

Hindi ko na muling hahayaan na mawala si Betty/Berto sa buhay ko. 

Minsan lang dumating ang pag-ibig kaya habang kaya ko ipaglalaban ko.

Habang humaharurot, natanaw ko ang kumpulan sa daan. Ano kaya ang nangyari doon? Mukhang may nabundol ata. Jusko, sana hindi si Betty 'yon. Ipinarada ko ang kotse sa gilid sabay baba para alamin ang nagaganap doon.

"Pare, ano ang nangyari dito? Bakit maraming tao sa gitna ng kalsada?" tanong ko sa mamang walang saplot sa pang-itaas.

"Naku pare, hindi mo inabot! Nabundol si Betty Lopez 'yung sikat na artista. Ang ganda nga niya sa personal." sagot niya habang nakahawak pa sa tiyan. 

Nalintikan na! nabsagasaan ang mahal ko. 

"Ano po? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" pagtataka kong tanong. Kinutuban ako ng masama.

"OO, nakawedding gown pa nga eh!" lumakad na siya paalis.

Hindi ito maari!  Kailangan ko siyang makita!

Hinabol ko ang lalaki na kausap ko kanina. "Pare, pesensya na pero alam mo ba kung saan siya dinala?" Napakamot siya ng ulo."Sorry, hindi ko alam. Inabot ko kasi kanina, sinakay siya nung nakabundol sakanya. Malamang sa malapit na hospital siya dinala. Kumaliwa ka tapos diretso, may makikita kang hospital doon." 

"Salamat ng marami."

Bumalik ako sa kotse at sinunod ang direksyon na ibinigay niya. Kaliwa tapos diretso. Narating ko agad ang hospital na tila pamilyar sa 'kin. Dito ko kinuha ang bangkay nila noon. Nagparada at bumaba na ako.

Sa aking pagpasok, nagtanong ako sa isang nurse. "Miss, may sinugod ba na Betty ang pangalan?" humahangos pa ako dahil sa sobrang pagod.

"Yes, Sir. Kasalukuyan po siyang nasa Operating Room. Ano po kayo ng pasyente?" 

"Bestfriend niya ako. Sige, maraming salamat." tinungo ko ang kinaroroonan ni Betty. 

Kakaiba ang nararamdaman ko, tila gusto kong manapak ng malakas sa mukha. Ganito siguro ang pakiramdam ni Betty nung ako ang nasa loob ng OR. Napakasakit sa dibdib ang hinihintay mo kung mabubuhay ba o kukunin na siya ng maykapal. Matagal akong naghintay sa labas at inilabas na siya.

Betty (BERTO) POV

Muli kong narating ang napuntahan ko na noon. Maliwanag at payapa ang lugar na kinalalagyan ko now. Dito ko huling nasayt si Mommy at Paps.

OH NO! NASA HEAVEN ULIT AKO. Not just ones but twice. So kung nasa heaven ako, it means na double dead ako. Hindi ko pa nga masyado na gagamit ang body ni Betty tapos na deds ako again. Kakaiba ang feeling ko, parang bumalik ako sa dati.

Naglakad-lakad ako para maghanap ng makakachikahan nang biglang sumulpot ang isang pretty girl sa harap. Si OLDBetty ang kaharap ko ngayon. I cant believe it! Magrereturn of da deds na ba siya at tuluyan na me magiging ghost?

"Berto." sabi niya. Maaliwalas ang aura at tila wala siyang pinoproblema. Kahit walang make-up sa heaven pretty siya. What's the secret? May gluta ba here?

"Its nice to meet you Betty!" nagbesohan kami. Syempre yayamanin eh!

"Thank God! dahil sa'yo napunta ang katawan na sinayang at inabuso ko." 

"Really? Nakakatouch naman. Ayan tuloy nagcry na me." sabi ko.

"Trulaloo, balita ko nagpalaglag ka ng baby. Badgirl and girlfriend ka, 'yan tuloy ako ang nagbabayad ng sins mo." sumbat ko. Aba, dapat lang 'yun, nagkakawrinkles akesh sa dami ng problem niya. Its pay back time na.

"Sorry, alam kong makasalanan ang buhay ko. Natutuwa ako sa tamang gamit mo sa body na 'yan." nakangitin ang loka. Happy pa?

"Okay, Betty. Gegetlakin mo na ba ang body mo at babalik ka na sa mundo ng mga buhay? Baka pwedeng pa extend kahit one week lang. Hindi ko pa nagagamit yung **** mo eh. Ewan ko ba? si Pedro eh!" 

"Okay, kahit habang buhay pa. Hindi na ako muling babalik pa dahil kasama ko na dito si Cyrus. Siya ang nag-iisa kong mahal, at ito ang katuparan ng pangako niya. Noong pabalik na ako sa katawang 'yan. Nagpakita si Cyrus at tinupad ang pangako niya na magsasama kaming muli. Ito ang dahilan kung bakit napunta ito sa'yo." long explanation ha!

As I remember, si Cyrus ang BF niya na nadeds noong teenager pa sila. Mga malalandi kasi!

Now I know kung bakit akin na ang body niya.

Im so happy dahil official na ang lahat. Wala ng makakukuha ng body ko. Gusto kung sumigaw sa tuwa pero baka magalit si Lord at hindi na me ibalik sa mundo ng living.

"Thanks sis! Im happy for you." kinamayan ko siya. Syempre hindi napupulot ang ganitong katawan kung saan saan.

Sa aking pagmulat nakita ko ang liwanag. Nasa hospital ako, may lalaki na nagbabasa ng dyaryo sa sa sofa. Sinubukan kong bumangon pero masakit ang aking  katawan.

"Excuse, Pedro ikaw ba 'yan? mahinahon kong tanong. 

Tumayo ang lalaki at lumapit sa 'kin, nawindang ako ng itupi niya ang dyaryo. Bumungad ang mukha ng demonyo! "Baby, its me." sagot ni Francis. 

Bakit kasama ko siya?

Akala ko naiwan siya doon?

Kailangan  makatakas ako sa evil na si Francis, pero hindi ko kayang bumangon. May kakaiba akong nafefeel sa lower part ng body ko. Jusme! ano ang nangyayari? Panaginip ba ito?

"Francis, huwag kang lalapit. Sisigaw ako." pero hindi niya ako pinansin. Nakangiti ang gago kahit hindi naman me nakikipag-joke. He is totally crazy!

"Baby, hindi ka na makakatakas. Kahit anong gawin mo, sa akin ka na. Maging thankful ka, kahit lumpo ka, mahal pa rin kita." nagulat ako sa sinabi niya.

Lumpo na ako. Hindi ito maaari!

"Sinungaling ka! Makakalakad pa ako at tatakas." sigaw ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi nakararamdam ang mga binti ko. Hindi ko matatanggap ang nangyari. Kung kailan naging akin ang body na ito t'saka pa nalumpo. 

I believe I can fly. Naalala ko ang malaking karuu na bumundol sa sexy body ko.

"Baby, Dont worry. Pupunt tayo sa US para maipagamot ka. Magpapakasal din tayo at hindi na muling babalik pa dito sa pilipinas." sinampal ko ang mukha niya na akmang hahalikan ako. Napakababoy ni Francis!

"Hindi ako papayag!" 

"Pumayag ka 'man o hindi wala kang magagawa." humalakhak siya at lumabas ng pinto.

I need to make takas, but how? Gumapang kaya ako. Kahit anong suntok ko sa aking binti, wala akong mafeel. 

Na APOLINARIO MABINI AKESH!

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon